Claire's POV This is it! Sa lahat ng paghihirap ko sa pag-aaral na 'to, gra-graduate na ako... este kami pa lang lahat kaso nga lang iba-iba nga kami ng degrees na kinuha. Salamat naman at tapos na ang paghihirap ko pero ngayon na gra-graduate na ako nasa mas matinding stage na naman ang aking pagdadaanan, ang mag trabaho. "Claire," agad akong napalingon nang may tumawag akin. Nandito kasi ako sa labas, sa aming terrace at nakatingin lang sa labas upang magmuni-muni na kung ano ang magiging takbo ng buhay ko kapag may trabaho na ako. "Oh, Mom," sabay tayo ko at humalik sa pisngi niya. Muli sana akong babalik sa pag-upo nang hawakan ni mom ang balikat ko. "Anong oras ang start ng program?" tanong sa akin ni mama'ng nakapag-ayos na dahil mahahalata mong naglagay na siya ng pulang lipsti

