Yvonne's POV Pero wala ba talaga siyang naaalala? Nakakalungkot isipin na sinabi na niya sa aking mahal na nga niya ako, pero kung mahal na nga talaga niya ako... Bakit wala siyang matandaan na kung anong meron sa akin ngayon? Iyon bang hindi niya man lang maalala na espesyal na araw ito ngayon sa buhay ko. Ganiyan ba talaga siya, kahit nang naging sila ni Racelle? O sa'kin lang siya ganiyan? Huminga ako ng malalim at tiningnan siyang abala na naman siyang nakatingin sa cellphone niya. "Beb, wala ka bang natatandaan na special day?" tanong ko sa kaniya. Umaasang may matandaan siya. Umaasang batiin niya ako nang... "Happy Birthday, Beb!" na kahit negative feedbacks ang sabihin niya sa 'kin ay okay na basta ba hindi mawawala ang happy birthday sa sasabihin niya. Yong tipong, "Happy birt

