Jerome's POV May narinig akong putok ng baril kaya napalingon ako agad at napatakbo sa kaniyang kinaroroonan nang makita ko siyang napaupo at napasandal sa isang kotse. Taranta ko siyang tinapik tapik sa pisngi, kulang na lang ay lakasan ko ang pagkakatapik sa pisngi niya. Bigla na lamang siyang humagalpak sa tawa kaya't napaupo ako sa lupa at sinamaan siya ng tingin. Sound effects lang pala 'yon na galing sa phone ng Yvonnyita na 'to. Shet, kinabahan pa ako do'n. Tawa lang siya ng tawa sa harapan ko, halos mapaupo na nga siya sa kakatawa. Imbes na mainis ako ay nahawa na rin ako sa kakatawa niya dahil ang tawa niya ang nakakatawa. Iyong tawang malademonyo subalit siningkitan niya ang kaniyang tawa na tila tatlong taong gulang. “Nice face! Laugh trip! Takot na takot si bakla, haha." t

