Racelle's POV Kasalukuyang umiinom ako ng tubig nang matapos akong kumain ng almusal kasabay sina Mama at Papa. Hindi ko pa nasasabi ang tungkol sa coffee shop at saka wala pa akong balak sabihin sa kanila ang nangyari doon. Kakausapin ko muna si Kitian, kung ano nga bang reason ni Yvonne, kung bakit niya ginawa iyon sa akin. 'Yong babae talagang 'yon, nakakainis. Ewan ko at laging ang sama-sama niya sa akin. Wala naman akong nagawang kasalanan sa kaniya maski ang family ko ay hindi kilala ang pamilya nila. Tss, bakit pa kasi nakilala ko siya? Bakit pa kasi kailangan niyang awayin ako lagi para lang mapansin siya ni Kitian? Epal lang siguro. "Anak, may problema ka ba?" agad akong napaangat ng tingin kay Mama na nakatingin sa akin na nagtatanong ang mga mata niya. "Ahhh... wala po." ili

