Racelle's POV "Bae," tawag ko sa kaniya dahilan upang mapalingon siya sa akin na gulat na gulat. Agad ko siyang sinalubong ng mahigpit na yakap nang lapitan ko siya. "Di ba sabi kong hu—" "Hindi kita matitiis. Ramdam ko ang panlalamig mo sa akin noong mga nakalipas na araw at napagisip-isip ko ang dahilan kung bakit ka ganiyan. Gusto kong bumawi as your fiancee at gusto kong makita ang kalagayan ni Mom," wika ko habang yakap ko siya. "Ang tigas talaga ng ulo mo. Hindi ako manlalamig sa'yo sadyang pro—" "Kahit hindi mo sa akin ang totoong dahilan, kahit mag-alibi ka pa diyan ng maraming beses alam kong nanlalamig ka," sabi ko. Tinapik niya ng mahina ang likod ko. "Hindi sa ganon b—" "Bae, ramdam ko kaya huwag kang magsinungaling sa akin. May pakialam ako sa'yo dahil mahal kita at hin

