CHAPTER 67

1986 Words

Pagbalik ni Ruthanya sa loob ng opisina ng Sales ay napuna niya agad ang mga tinging ipinupukol sa kanya ng mga kasamahan sa parehong departamento. Kakaiba rin ang ginagawang pagsipat ng mga ito sa kanya na tila sinusukat ang kanyang moralidad. Nang mapasulyap siya kay Suzy ay naging mailap agad ang mga mata nito at kalaunan ay tuluyan na itong nagyuko ng ulo. Tumingin din siya kay Viena na nakapinid lang ang mga labi at mukhang wala talaga itong balak na magsalita. Gayunman ay hindi nabawasan ang disgusto na nakapaloob sa balintataw nito na nakaukol sa kanya sa tuwing nagkakahulihan sila ng tingin. “Susmaryosep, iyan na nga ba ang sinasabi ko. Sa kakadikit niyan sa lalaking may asawa, di siyempre magkakalaman talaga ang tiyan niyan,” anang isang babaeng empleyado mula sa kabilang team.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD