Kabanata 3

2769 Words
"NAPAKA-BASTOS niya! Ni wala man lamang siyang courtesy para pasalamatan ako sa pagdamay ko sa kanya at paghatid sa motorshop. Isinarang padabog ang pinto ng kotse ko at lumayas na lamang na parang hindi tao ang kasama niya, " tungayaw ni Menerva sa Ninang Emily niya. Nakaupo siya sa isang rocking chair sa kumportableng sala ng matanda. Wala na ang horrors ng nakaraan niyang paglalakbay ngunit umuusok pa rin ang ilong ng dalaga dahil sa mga pangyayari. Ang bahay ng ninang niya ay malapit sa dagat at gayon din ang ilang cottages napinauupahan ng matandang biyuda sa mga nagbabakasyondoon Masayang-masaya ito sa pagkakakita sa inaanak at iisa ang anak ng ninang niya. Isang doktor na nasa Canada at may pamilya na rin. Nagpapadala ito buwan-buwan ng sustento sa magulang. Kinukuha na siya doon ni Noli ngunit ayaw iwanan ni Ninang Emily ang bahay niya sa Tagkawayan at ang mga cottages niyang paupahan. Nang makapaligo na siya at makapagbihis, pinakain siya ng Ninang niya. Mainit ang sabaw ng pesang dalag at agad na naalis ang ginaw ng dalaga. Habang kumakain siya, patuloy niyang isinasalaysay ang tungkol sa antipatikong estranghero na naka-engkuwentro niya. "Sinisi niya ako sa lahat ng mga nangyari at naging masyado siyang sarcastic," inis na wika ni Menerva. "Mukha ngang masama ang ugali niya, iha," ayon ng ninang niya. "Pero baka naman masyado siyang nag-alala sa kanyang kotse at sa pupuntahan niyang meeting." Ugali ni Ninang Emily na magisip palagi ng mabuti sa kapwa kaya ngayon ay tila ipinagtatanggol niya ang estranghero. "Walang excuse sa bad manners, ninang." "Wala nga pero hindi ba sinabi mo na tila nagmamadali siya? At napakahirap magkaroon nang aksidente sa ganitong sama ng panahon." "Pero tinulungan ko naman siya at ang aksidente ay resulta ng kanyang reckless na pagmamaneho." "Isa pa iyan. Gusto ng mga lalaki na sila ang in control. Ayaw niya sigurong umasa sa isang babae ng tulong." "Ganoon na nga." "Hindi mo masisisi ang pobreng lalaki kung nawala ang hinahon niya." "Ang mga lalaki nga naman." "Hindi lahat ng lalaki ay nakakainis, Menerva. Malalaman mo ito kapag nagkaroon ka na ng special someone na mamahalin." "Tatawid ako sa tulay kapag naroon na ako," ani Menerva. Ayaw niyang pag-usapan ang lalaki at ang kasal. Maagang nag-asawa ang ninang niya at nag-enjoy ito sa loob ng forty years bilang maybahay ng kanyang Ninong Marcial. Kaya para kay Ninang Emily, ang pagpapakasal ay talagang paglagay sa tahimik. Hindi siya natutuwa na sa edad niyang twenty-four, wala pang sinasabing nobyo ang kanyang inaanak. Mabuti na lamang at hindi nasabi dito ni Menerva ang tungkol sa kanila ni Maynard. "Oo nga't maayos ang pagiging isang career woman pero walang makakapantay sa pagkakaroon ng sariling pamilya," ani Ninang Emily kay Menerva. "Iba na ang may asawa at mga anak. Hindi buo ang buhay mo kapag wala ang mga ito." "Tama ho kayo, Ninang, pero huwag na ninyong ipagtanggol ang horrible na lalaking iyon. Salamat na lamang at hindi ko na siya makikica." "Sana av magtagal ka dito, iha, " anang ninang ni Menerva. "Kaya lainang ay malungkot dito. Baka mainip ka." "Huwag kayong mag alala, Ninang. Gusto kong makapagpahinga sa pagiging alipin sa aking opisina." "Paano makakaugaga ang boss mo ngayong wala ka?" "Si Mr. Gavina? Problema na niya iyon. Alam kong kayang-kaya niya," ragkibit-balikat si Menerva. Nag-isip siya kung kailangang ilihim niya sa matanda ang kanyang pagbibitiw sa trabaho. Ayaw niyang magsinungaling sa ninang niya. "Actually, nag-resign na ako, Ninang. Noong nakaraang linggo. Pagbalik ko sa Maynila, maghahanap na ako ng ibang trabaho.? Nakahinga si Menerva nang maluwag nang hindi na nag-usisa ang ninang niya kung bakit siva nagbitiw sa trabaho. "Samantala, tutulungan ko muna kayo dito," anang dalaga. "Sa summer lamang naman nagdadatingan ang mga bakasyonista at mga turista dito. Kapag ganitong tag-ulan ay madalang pa sa kidlat sa tagaraw ang mga naliligaw dito.? Papasok na sa kanyang silid si Menerva nang may marinig silang tumutunog na doorbell. Tumingin sa relo si Ninang Emilia at kumunot ang noo nito.: "Sino kaya iyon sa ganitong oras ng gabi?" tanong nito. "Sige, iha, pumasok ka na at titingnan ko. Baka iyong batang naglilinis dito." Narinig ni Menerva ang pagbukas ng front door at mga tinig mula sa porch. "Puwede mong ilagay muna dito ang mga dala-dala mo ... " narinig ni Menerva na sinasabi ng ninang niya. "Wala akong inaasahang bisita sa panahong ito kaya hindi nakahanda ang mga cottages. Pero puwede mong gamitin ang guest room kung gusto mo. At least ngayong gabi lamang." "Okey na ho iyon. Nagpapasalamat ako at tinanggap ninyo ako kahit na sa ganitong biglaan.? "Kilala naman kita, Mr. Flores. Dati ka nang umuupa sa mga cottages ko kung summer. Gusto mo bang tingnan muna ang guest room?" "Huwag na ho. Alam kong ayos naman basta kayo," anang isang masculine voice. Mula sa kanyang silid ay agad nakilala ito ni Menerva. Isang tinig na may confidence and authority. Narinig na niya ito, ilang oras pa lamang ang nakakaraan. Sumilip siya sa pinto ng silid niya, hoping against hope na sana ay mali siya. Marahil ay hindi naman siya nasundan ng salot dito? Ngunit ang matangkad na pigura ng isang moreno at maskuladong lalaki na nakasunod sa ninang niya papasok sa sala ay hindi maaaring ipagkamali. Hindi namamalayan ng dalaga na nakalapit na pala siya sa kinaroroonan ng dalawa sa sala. "Menerva, si Mr. Lawrence Flores. Dati kong kliyente dito. Dito siya magpapalipas ng gabi. Mr. Flores, ito ang inaanak kong si Menerva na dumadalaw sa akin. Siya ay ... " "Kami ni Miss Reyes ay magkakilala na, Nana Emily," nakangiting wika ni Lawrence Flores. Mapapansin sa anyo ng lalaki na hindi niya ikinagalak ang muli nilang pagkikita at hindi ito interesado na makipagkaibigan. Tumalon sa maling konklusyon si Ninang Emily"Mabuti naman kung gayon. Nagkakilala kayo sa Maynila?" "Hindi ho. Nagkatagpo kami nang hindi sinasadya sa daan papunta dito kanina, Ninang," malamig na saad ni Menerva. "Ang maginoong ito angikinukuwento ko sa inyo kanina na nalubak sa maputik na bangin ang kotse. Kung nakakamatay lamang ang mga tingin, naiisip ng dalaga, patay na ito ngayon sa halip na nakatitig sa akin na tila ba ako galing sa ilalim ng isang bato. Walang nahintay na morale support si Menerva mula sa ninang niya na mukhang excited sa pagkakaroon ng isang bisita na hindi inaasahan. "Mukhang giniginaw ka," concerned na sabi ng matanda. "Tanggalin mo muna iyang jacket mo at hintayin mo ako habang inihahanda ko ang guest room." Nagpasalamat ang panauhin. "Tutulungan na kita, ninang," ani Menerva dahil ayaw niyang maiwan na kasama ng bagong dating na bisita. "Huwag na, iha, asikasuhin mo na lamang si Mr. Flores. Bigyan mo siya ng maiinom. Whiskey ang gusto niya at hayun nasa mini bar. Hindi ako magtatagal." Hindi kumibo ang lalaki nang maiwan sila ni Menerva. Tinungo nito ang bintana at tumingin sa labas na tila pinanonood ang malakas na pag-ulan. Sinamantala ni Menerva ang pagkakataon para pagmasdang mabuti ang bisita nila. Kailangang aminin niya na ang lalaki ay attractive sa mga babae. Nasa personalidad nito ang kapangyarihan at authority na kunin ang gusto niya at alam nito ang gusto niya sa buhay. Mahigit palang six feet tall ito at ang suot nitong abuhing suit ay lalong nag-emphasize ng kanyang lean, powerful figure. Hindi mahulaan ni Menerva ang eksaktong edad nito pero tantiya niyang nasa late thirties ang lalaki. Matatag ang baba nito, kissable ang mga labi at ang mga mata niya ay ... tila maitim na yelo na maaaring manlamig ang isang tititigan nito nang hindi maganda. "Marahil naman ay makikilala mo na ako kapag dumating ang nakakainis na pagkakataong magkita tayong muli,? nanlalait ang tinig ng lalaki. Tila nagpasiya itong huwag siyang ignorahin para ipamukha kay Menerva na alam niyang tinititigan siya nito. Menerva struggled for composure. Bakit ba palagi siyang nahuhuli ni Lawrence? "Sorry, pero hindi ko sinasadyang ... " "Nasaan na iyong isang baso ng whiskey na binanggit ng ninang mo?" tanong ng lalaki at ipinagwalang-bahala nito ang paghingi niya ng dispensa. "Sa palagay ko ay kailangan ko ito pagkatapos ng mga dinanas ko kanina." "Ikukuha kita." Hindi na pinansin ni Menerva ang patutsada ng kausap. Nang binubuksan niya ang cabinet na kinaroroonan ng bote ng whiskey, naging aware si Menerva na ang suot niyang duster ngninang niya ay tila hindi sapat na saplot sa kanyang katawan dahil naramdaman niya ang mga titig ni Lawrence sa kanyang kabuuan. Wala siyang suot na bra sa ilalim nang medyo maluwag napambahay. Maliit na babae ang ninang niya, wala pang five feet at ang duster na below the knee sa matanda ay hanggang sa kalahati lamang ng mga hita ni Menerva sa tangkad nitong five foot six. Pero alam ng dalaga na wala namang makikita sa kanya si Lawrence na kanais-nais. Para sa lalaki, isa siyang peste na nakatagpo nito. Nilagyan ng dalaga ng whiskey ang tumbler at inabot kay Lawrence Avila. "Gusto mo ng yelo?" "Hindi na, salamat." Nang iabot niya ang baso, nagkalapat ang kanilang mga daliri at agad binawi ni Menerva ang kamay niya. Inasahan niyang hindi ito napansin ni Lawrence, ngunit napansin din ng lalaki. "Ligtas ka ngayon dito," inis na wika nito. "Inaamin kong wala akong gustong gawin kundi pilipitin ang leeg mo kanina, ngunit mapalad ka at nawala na ang pakiramdam kong iyon." Uminom ito ng whiskey at inilapag ang baso. "Nakakapagtimpi ako kahit na sa harap ng mga overgrown school girls na tulad mo". Pinandilatan siya ni Menerva. Nawala ang kaba ng dalaga. "Twenty-four na ako," asik nito. "Ow?" Hindi makapaniwala ang tono ni Lawrence. Hindi kapa nakatagpo?tagpo ng ganitong tao si Menerva na napakadaling magpainit sa kanyang ulo. Tinungo niya ang kanyang rocking chair sa isang sulok ng sala at tinimpi niya ang kanyang temper. Nagkaroon ng saglit na katahimikan at alam niyang pinag-aaralan siya ng lalaki, ang matiim na mga titig nito ay nag-aanalisa sa bawat bahagi ng katawan niya, mula sa kanyang medyo dark brown na buhok hanggang sa kanyang mahahabang mga binti. Ang mga paningin ni Lawrence ay medyo nagtagal sa neckline ng suot niyang duster na naglalantad ng maputing kurbada ng leeg ng dalaga at ang pangako ng mapintog nitong mga dibdib. "Ipagpaumanhin mo," nanunuksong wika ng lalaki. "Alam ko na ngayon na nagkamali ako." Kanina ay hindi niya pinansin ang pagmamasid sa kanya ng panauhin ngunit sa sinabi nito, hinapit niya ang duster sa katawan niya. Ang ngiti sa mga sulok ng labi ng lalaki ay nagpapahiwatig na napansin na naman nito ang kilos niya. "Sinabi ko namang ligtas ka sa mga sandaling ito," paalala ni Lawrence. "Natatakot ka bang baka maningil ako sa lahat ng mga inconveniences na ginawa mo sa akin?" "Ikinalulungkot ko ang nangyari sa kotse mo," ani Menerva. "Dapat lamang. Pero balewala ang perhuwisyong idudulot ng pagkakatigil ng kotse ko. Ang malala ay hindi ako nakaabot sa isang mahalagang business meeting at malaki ang mawawala sa akin dahil dito." Nagsawa na sa kahihingi ng dispensa si Menerva. Ginawa na niya ang nararapat ngunit tila inis pa rin si Lawrence. Kung hindi ito umabot sa meeting niya, mabuti nga sa kanya, naisip ni Menerva. "Dahil sa bilis ng pagmamaneho mo, sa palagay ko ay talagang nanganganib na hindi ka makakarating sa iyong meeting. Kung inagahan mo ang alis at naging maingat ka, hindi sana nangyari ang lahat ng ito." "Walang kinalaman iyan dito." "At wala kang makukuhang kabayaran sa akin dahil wala akong pera," ani Menerva defiantly. Ngumiti si Lawrence at tila naging uneasy si Menerva. "May sinabi ba ako tungkol sa pera? Nababayaran naman ito sa ibang paraan." Ano ang ibig sabihin ng lalaki? May si Menerva na hindi na dapat siyang doon para malaman ang kasagutan. Ang nila ay tila hindi na maganda. Somehow ay nagawang tumayo ng dalaga. "Sa palagay ko ay kailangan ni ninang ang tulong ko. Excuse me, Mr. Flores ... " "Tumatakas ka sa akin?" tudyo ng lalaki. "Sinabi ng ninang mo na hindi niya kailangan ng tulong." Nakatayo si Lawrence sa harapan niya at nakaharang ito sa daraanan ni Menerva patungong pintuan. "Paraanin mo ako," ani Menerva at sa pagmamadali niya ay na off-balance siya. Nadapa sana siya kung hindi siya nahawakan ni Lawrence, "Hindi mo sinagot ang tanong ko," anang lalaki at hinigpitan nito ang hawak sa kanya at hinapit siya nito sa katawan niya sa kabila ng pagpupumiglas na makawala ng dalaga. Ilang pulgada na lamang ang layo ng mukha nito sa kanya and it was a disturbing closeness. "Hindi ba dapat na magsalita ka ng kahit na ano?" tila nakakalokong bulong ni Lawrence. As she gazed helplessly at him, umawang ang mga labi ni Menerva para magsalita ngunit yumuko ang ulo ng lalaki at binihag nito ang mga labi niya. Sa ilang sandali ng stunned shock ay hindi nakakilos si Menerva sa mga bisig ng lalaki. Ngunit nang tumindi ang pressure ng bibig nito sa bibig niya, nagpumiglas na makawala ang dalaga. Ngunit walang nangyari. Pakakawalan siya ni Lawrence kung kailan nito gusto at hindi sa mga sandaling iyon. Determinado itong parusahan siya. Parang bakal ang mga bisig nito sa katawan ni Menerva na lalong humigpit na tila nagpapahiwatig na walang balak ang mga itong pakawalan siya. He moulded her to him at ipinadama nito sa kanya ang kanyang kapangyarihan. Ang mga labi ni Lawrence sa mga labi niya ay nag-uutos, humihingi ng katugunan na pinaglabanan ng dalaga. Ngunit sa kabila ng lahat ay naramdaman ni Menerva na nanghihina siya at bumibigay sa pananalanta nito sa kanyang senses. Ang panlalaban ay nawala na, nasagad at naging sunudsunuran siya. Alam niyang hindi na niya kayang labanan si Lawrence: kailangang magpaubaya siya. Pagkatapos ay pinakawalan siya ng lalaki at naging mabuway ang pagkakatayo ni Menerva. Nahawakan niya ang kanyang bruised mouth at parang naroon pa rin ang dantay ng mga labi ni Lawrence. "Matuto kang huwag akong muling gagalitin," nasisiyahang wika ni Lawrence Flores. "Pangahas ka." 'Gusto mo akong sampalin?" Natukso nga si Menerva na gawin ito ngunit natakot siya sa magiging reaksyon ni Lawrence. Sa mga sandaling iyon ay walang balak si Menerva na malaman. Muli siyang nanghina at napaupo. Napangiti si Lawrence. "Dapat ay binalaan kita na isa akong masamang kaaway. Mapanganib akong kalaban. Ginalit mo ako. Hindi ko na uulitin iyon kung magpapakatino ka." "Ugali mo na bang ipagpilitan ang sarili mo sa mga babaeng kinaiinisan mo?" "Hindi sa kahit sinong babae lamang. Karamihan sa kanila ay nasisiyahang mag-alok sa akin ng kaligayahan." "So, naiiba pala ako," tudyo ni Menerva. "Sa susunod, iyon na lamang mga sira na nagkakandarapa sa iyo ang pakialaman mo." Hindi na nagkaroon ng pagkakataon si Menerva na marinig ang kasagutan ni Lawrence dahil biglang pumasok ang ninang niya. "Sana ay inistima kang mabuti ni Menerva, Mr. Flores," anang matanda. "Medyo natagalan ako sa pag-aayos sa kuwarto mo." "Wala akong reklamo, Nana Emily. Inaliw ako nang husto ng inaanak ninyo habang wala kayo." Napansin ni Menerva na nakangisi si Lawrence. Pinagtatawanan siya nito. Kinalma niya ang kanyang sarili para hindi magwala. "Gusto mong maghapunan, Mr. Reyes?" tanong ni Ninang Emily. ?Puwede akong magpainit ng sopas ... " "Kumain na ho ako, salamat. Pero kung may mainit na kape, ito sana ang gusto ko." "Ako na ang maghahanda ng kape," biglang tumayo si Menerva. Nadaanan ng dalaga ang bagahe ni Lawrence na nasa hallway. Tiningnan niya ang mga ito out of curiosity. Wala siyang natuklasan maliban sa pangalan ng estranghero at ang tirahan nito na obvious na lugar ng mga mayayaman sa Maynila. Lawrence Flores. Ang pangalan ay tila pamilyar kay Menerva. She wondered kung saan niya narinig ito o nabasa. Sa mga pahayagan marahil? Sa gossip columns? Hindi matiyak ni Menerva ngunit natitiyak niyang hindi na niya ito nakikilala. Hindi maaaring maka-engkuwentro niya ang ganoong forceful character na hindi niya matandaan. Hindi man niya gusto ang lalaki pero obvious na hindi niya basta makakalimutan ito. Matapos silang makapag-kape at makapagkuwentuhan nang kaunti ay nagbigay ng magandang gabi si Lawrence at tinungo na ang kanyang silid. Hangang-hanga sa lalaki ang Ninang Emily ni Menerva ngunit kinontra siya ng dalaga. "Isa siyang malechauvinist, ninang,"anang dalaga. Charming kapag may kailangan ngunit masungit kapag nakokontra. Marami nang katulad niya ang nakatagpo ko.? Ngunit madali kayang ipagwalang-bahala ang tulad ni Lawrence Flores, naitanong ni Menerva sa sarili nang gabing iyon habang biling-baligtad siya sa kanyang higaan. Bumabalik sa kanyang isipan ang mga nangyari nang araw na iyon in all their humiliating detail. Ninais niyang sana ay mawala na ito sa buhay niya kinabukasan. Tulad nang biglang pagsulpot ng lalaki sa mundo niya. At sana ay hindi na niya makita pang muli ito. Naisip niyang hindi naman marahil kalabisang hilingin niya ito. Ilang sandali pa, nak?tulog na si Menerva.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD