Kabanata 4

1913 Words
Tinanghali nang gising si Menerva kinabukasan. Dali-dali siyang nagbihis at umasang sana ay wala na ang kanilang panauhin. Ngunit nang nananaog na siya sa hagdanan ay nakita niya ito na nasa sala. Tila may inuutusan ito sa kanyang cellphone at sa himig ng tono nito, tila hindi na bumubuti ang kanyang temper pagkatapos ng isang gabing pagtulog. Kahit kailan ay hindi pa nakakatagpo ng lalaki si Menerva na makakapagintimidate sa kanya ngunit nagagawa ito ni Lawrence Flores. "Bumuti na ang panahon," aniya nang nasa breakfast table na sila. "Maganda na ang sikat ng araw." "Ngunit stranded pa rin ako dito dahil hindi pa tapos ang kotse ko. Dahil sa kagagawan mo," naiiritang tugon ni Lawrence. Tahimik silang kumain pagkatapos at hindi na siya kinausap ni Menerva. Ngunit pagkatapos ng ilang sandali ay napag-usapan nila ang tungkol sa pagtrato ng mga kawani at pinintasan ni Menerva ang nadinig niyang marahas na pag-uutos ni Lawrence sa kalihim. nito kanina sa cellphone. "Kaming mga sekretarya ay mahalaga sainyong daigdig ng kalakal. Kami ang nakasabak sa trabaho and you should not take us for granted." "Sneaking from personal experience, I suppose?" tila nakakalokong wika ng kausap ni Menerva. "Did someone took you for granted, Menerva?" "Wala kang karapatang pakialaman ang personal na buhay ko at huwag mo akong tatawaging Menerva." "Pagkatapos ng nangyari kagabi, sa palagay ko ay we are on sufficient intimate terms." Hinagod siya nang tingin ni Lawrence at pinatagal nito ang pagkakatitig sa kanyang mga labi. Ipinaalala ng lalaki ang kalayaang angkinin ang mga labi nito kagabi. Nag-init ang mukha ni Menerva. "Tama ba ako?" Hindi kumibo ang dalaga. "Kung sino mang lalaki ang nagbalewala sa iyo, tila pinuno nito ng pait ang iyong puso." "Mapait talaga ang pakiramdam ko kapag ang kausap ko ay katulad mo." "Napakadali para sa iyo ang kondenahin ako. Hindi mo ako lubusang kilala." "Hindi na kailangan. Kilala na kita at hindi kita gusto," sumimangot si Menerva. "You make me appear very cold-blooded," ani Lawrence. "Hindi ba?" "Oo, ruthless ako kung minsan. Ngunit hindi ako cold-blooded. Kabaligtaran nga, eh.? Alam ni Menerva na hindi na maganda ang tinutungo ng kanilang pag-uusap. "If you don't mind, ayaw ko nang pag-usapan 'yan," aniya. "Dahil natatalo ka. Babae ka nga." "Hindi sa ganoon. Masyado lamang nagiging personal ang usapan." "Dahil may naaalala ka? Ang lalaking bumalewala sa iyo? Sino siya. Iyong naging boss mo? Your lover perhaps?" Kung maaari lamang na magbingi-bingihan si Menerva sa sarkastikong tono ng kaharap, sana ay hindi na lamang niya kinausap ito. Tila pinag-aaralan ni Lawrence ang reaksyon niya. "Bakit natigilan ka? May nasaling ba akong alaala sa iyong puso, Menerva?" Pinilit ngumiti ni Menerva. "W-wala. Hindi lamang ako sanay na makipagtalo nang ganito." "Tama. At hindi sa harap ng breakfast table." Iniba nito ang usapan. "Nasabi ng tiya mo o ninang na nagtatrabaho ka bilang isang sekretarya sa Maynila. Totoo ba?" "Oo.Pero hindi na ngayon. Nag-resign ako sa trabaho kailan lamang. Kaya nagbabakasyon ako dito ngayon." "Kung ang pagmamakinilya mo ay kasingsama ng pagmamaneho mo ng kotse, tama lamang na magbitiw ka bago ka sisantehin ng boss mo." "Mahusay akong sekretarya, Mr. Flores." "Kung gayon ay may mahigpit na dahilan marahil kaya ka nagbitiw. Mahirap makakita nang trabaho ngayon." Aware dito si Menerva pero hindi niya gustong isipin ito at gusto niyang mag-enjoy sa piling ng kanyang ninang. "Dahil sa karanasan ko at mabuting performance, hindi ako mahihirapang humanap ng trabaho. Alam kong napakaraming mga arogante at impertinenteng mga employers." "Saan ka huling nagtrabaho?" "Sa Gavina Construction and Development Corporation. Maliit na kumpanya lamang ito at hindi mo marahil kilala." "Alam ko ang tungkol dito. Nakipag-merge sila sa Hidalgo outfit, hindi ba?" Tumango si Menerva. "You are very well informed." "Marahil ay hindi mo sasabihin sa akin kung bakit iniwan mo ang Gavina Construction?" "Bakit bigla kang naging interesado dito, Mr.Flores? Iniisip mo bang bigyan ako ng trabaho?" "Baka makumbinsi mo akong subukan ka." "Talaga?" tumataas na naman ang blood pressure "Marahil Menerva ay may iba kang mga kakayahan maliban sa pagka-makamandag ng iyong dila although wala akong napapansin sa ngayon." 'Huwag ka nang magpagod na pansinin mo ang mga ito. Hindi ka magkakaroon ng pagkakataong malaman ang talents ko o ang kawalan ko. Gusto ko pang mamatay sa gutom kaysa magtrabaho para sa iyo." Tila hindi natinag si Lawrence sa sinabi ng kausap. "Matapang ka. Ngunit kapag nakapag-isip ka na, malaya kang makipagkita sa akin sa ano mang oras. Nasa ninang mo ang aking calling card." Inilabas ni Lawrence ang kanyang wallet. "Heto, bibigyan na rin kita ng isa." Inabot ni Menerva ang calling card at pinunit niya ito sa harapan ni Lawrence. "Maliwanag na ba ang gusto kong sabihin, Mr. Flores?" "Uh-huh," nagkibit-balikat ang lalaki. "Sana ay hindi mo pagsisihan ang ginawa mo." Tumayo na ang lalaki. "Hindi. Sinusunod ko ang aking impulses at ang mga first impressions ay mahalaga sa akin.? "At kung susundin ko ang impulses ko ngayon, sinasakal na kita ngayon." 'Sinong pumipigil sa iyo?" hamon ni Menerva. Sa isang iglap ay nakalapit sa likuran niya si Lawrence at nahawakan nito ang dalawang kamay niya. He pinned them behind her back. "Bitiwan mo ako," nagpumiglas ang dalaga ngunit humigpit ang hawak ni Lawrence at walang magawa ang dalaga sa lakas nito. "Iniisip mo bang gentleman pa rin ako, Menerva?" "Kahitkailan ay hindi naging ganyan ang palagay ko sa iyo." Tumingin siya sa lalaki. Hindi na malamig ang mga titig nito ngunit may ibang uri ng ningas ang mga ito. "Dapat ay natutuhan mo nang huwag itulak ang isang lalaki sa limits ng kanyang pagtitimpi," ani Lawrence. "Ngunit tila mahirap kang matuto at isang bagay lamang ang magpapatahimik sa iyo." Alam ni Menerva kung ano ang susunod na gagawin ng binata kaya nagpumiglas siyang makawala. Ngunit walang nangyari. Hinapit siya ng lalaki closer to him, moulding her against the muscled hardness of his body. Sa ilang sandali ay natigilan ito na tila ninanamnam nito ang kanyang helplessness. Pagkatapos ay lumapat ang mga labi nito sa kanyang mga labi with punishing intensity, cruel and utterly ruthless in its plundering habang pilit ng mga itong iniaawang ang mga labi niya para saliksikin ang tamis ng loob with expertise. Habang inaangkin ng mga labi ni Lawrence ang bibig niya, nakadama si Menerva ng primitive stirring of desire, an instinctive female response sa pagnanasa ng isang lalaki. Ang mapusok na dampi ng mga labi ni Lawrence ay nagpadingas sa kanyang damdamin and roused her to a pitch she had never experienced before. Hindi isang lover's kiss ang nangyayari kundi isang nananalanta sa kanyang mga senses para isuko niya ang kanyang sarili sa kapangyarihan ng lalaki. At nagtagumpay ito. Nararamdaman ni Menerva na nanghihina siya at nawala ang hangad niyang tumutol o manlaban. Gusto niyang bumigay, magpaubaya at gusto niyang ikawing sa leeg ni Lawrence ang kanyang mga bisig. Gusto niyang tugunin ang mga halik nito with equal intensity at ipadama dito na ang pangangailangan niya ay kasing tindi ng pangangailangan nito sa kanya. She was fighting a losing battle, clinding desperately to the last remnants of her self-control nang pakawalan siya ng lalaki. Umurong siya mula dito at kumapit siya sa likod ng isang silya for support dahil hindi tiyak ni Menerva kung kaya siyang suportahan ng kanyang mga paa. Mabilis ang paghinga ni Lawrence at matiim na nakatitig sa kanya. Pinagmasdan siya in silence at pagkatapos ay nagalit itong nagsalita na tila kasalanan pa ni Menerva ang halik. "Para sa kaalaman mo, ikaw ang kauna-unahang babae na nagpawala ng self-control ko completely. Batiin mo ang iyong sarili. It is quite an achievement." "Talaga? Hindi ko maisip kung bakit?" sarkastikang wika ng dalaga. "Sisihin mo ang sarili mo. Binalaan kita." "Sisisihin ko ang sarili ko? Ang kapal mo. Wala kang prinsipyo, Mr. Flores and you are primitive." Walang pakialam si Menerva kung ano ang magiging consequences ng mga sinabi niya. "May kasabihan na kapag hinila mo ang buntot ng tigre, ihanda mo ang sarili mo para harapin ang galit niya. Isang mahalagang leksyon ito. Marahil ay makakatulong para maging maingat ka sa pananalita mo in the future." Itinaas ni Menerva ang kamay niya para sampalin si Lawrence ngunit maagap niyang naharang at mahigpit na hinawakan ang mga kamay. "Kapag sinubukan mo uling gawin iyon, gagantihan din kita ng sampal," banta nito. "Hindi ka tumatanggap ng pagkatalo, ano?" Ang poot sa dibdib ng dalaga ay sumama sa mga luhang kumawala sa mga mata nito at tumalikod siya. Iniwasan niyang makita si Lawrence. Ayaw niyang ibigay dito ang kasiyahang nagawa niya nang siya ay paiyakin. "Menerva?" Nakarinig siya ng concern sa tinig ng lalaki. Nangangarap kaya siya? "Are you alright, Menerva?" "Hindi, at salamat sa iyo. Kinasusuklaman kita, Lawrence Flores!" Tinakbo ni Menerva ang pintuan at nang bumukas ito ay pumapasok naman ang ninang niya. Hindi niya pinansin ang matanda at patakbo siyang lumayo. Tinawag siya ng ninang niya ngunit hindi huminto si Menerva. Nang nasa hagdanan na siya ay narinig niya si Lawrence na tila nagpapaliwanag kay Aling Emily. Ano kayang sasabihin ng lalaking paliwanag? Ini-locked ni Menerva ang pinto ng kanyang silid at sumandal siya dito. Pinakiramdaman niya kung susunod ang ninang niya. Pagkatapos ay dumapa siya sa kama at umiyak nang umiyak. Ang sama ng loob niya kay Maynard ay humalo sa inis niya kay Lawrence. Napahikbi si Menerva. Pinagsusuntok niya ang kanyang unan. Pagkatapos ng ilang oras ay tumayo siya at dumungaw. Nakita niya ang ninang niya at si Lawrence sa hardin. Dala ng lalaki ang bagahe nito patungo sa isang kotseng obvious na inarkila nito. Kinamayan nito ang ninang niya bago ito sumakay sa nasabing kotse. Nakita niyang tumingala si Lawrence na tila may hinahanap. Nagkubli sa kurtina si Menerva. The nerve of the man! Akala kaya ni Lawrence na naroon siya at ikakaway niya ang kanyang kamay to say goodbye? Nag-start ang engine at narinig niya ang kanyang ninang na nag-goodbye. Tila gumaan ang pakiramdam ni Menerva nang mawala na si Lawrence. Bumaba siya at tinungo ang kusina. Ano kayang dahilan ang sasabihin niya sa ninang niya? Ngunit napatunayan niyang wala na siyang dapat ipaliwanag dahil naareglo na ni Lawrence ang lahat. "Sinabi sa akin ni Mr. Flores na kailangan mong magpahinga dahil bigla daw sumakitang ulo mo kanina. Okey na ba ang pakiramdam mo, Menerva?" tanong ng matanda. "Okey na ho, ninang." "Hindi ko alam na may migraine ka pala, iha. Baka naman nasobrahan ka na sa trabaho. Sabi nila naangstressaynagpapalala sa karamdamang ito." "Totoo po iyon." "Kung gayon ay huwag ka munang magbalik sa trabaho. Kailangang magbakasyon ka dito at magpahinga." Pagkatapos ay iniba ni Aling Emilia ang usapan. "Napakabait ni Mr. Flores, ano? Sayang at hindi ka nakapagpaalam sa kanya. Alalang-alala siya sa iyo." Ngumiti nang pilit si Menerva"Ganoon ba lahat ang nagiging bisita ninyo dito?" Tila inignora ang ninang niya ang tanong ni Menerva at sa halip ay isinalaysay nito ang mga ugali ng naging mga bisita niya sa nakaraang mga taon. Hindi nakalimutan ni Menerva si Lawrence.Tila napagkit sa kanyang isipan ang dark, arrogant features ng negosyante at ginagambala nito ang kanyang mga panaginip.Ngunit sa pag daan ng mga araw tila naglalaho na rin ang image ng lalaki sa kanyang kamalayan. Paglipas ng ilang buwan hindi na siya napigil ng ninang niya.Alam ni Menerva at magsimulang mag hanap ng bagong trabaho. "Mag ingat ka at dumalaw kang muli "ani ni Ninang Emily. At kahit alam niyang wala na siyang kasintahan o trabahong naghihintay sa Maynila ,tinatagan ni Menerva ang kanyang sarili para harapin ang isang bagong buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD