Nahirapan si Menerva na makakita nang bagong trabaho. Although maraming nagkagusto sa kanyang qualifications at experience, kaya lang pagdating sa interview ay hindi siya nakapasa at nasabi niyang ayaw siyang bigyan ng certificate of employment mula sa Gavina Construction dahil hindi siya nagpaalam ng personal kay Maynard. Alam din niyang hindi siya pakakawalan ng lalaki kahit na nag-asawa na ito.
"Akala nila ay may ginawa akong katiwalaan kaya ayaw akong bigyan ng certificate of employment," maktol niya kay Cristal.
'Bakit hindi ka humingi kay Maynard?"
"Nagbibiro ka ba? May pride ako, 'no?"
"At iyan na lamang ang natitira sa iyo. Isa kang hangal kung iniisip mong hindi ka bibigyan ng certificate ni Maynard. Walang may gustong gawin iyon kundi ang mawala ka na sa buhay niya nang tuluyan. Kung inaakala niyang may balak ka pang bumalik para pag-usapan kayo sa opisina at makarating sa misis niya, mag-iimbento iyon ng kasinungalingan para lamang mawala ka na nang tuluyan."
"Salamat, pero hindi ako ganoong kasamang sekretarya," inis na tugon ni Menerva.
"Hindi nga. Pero tila ilag si Maynard sa misis niya. You know, mayaman iyong babung."
Natawa si Menerva. "Ayaw ko na kasing magkaroon pa ng ano mang contact kay Maynard o sa Gavina Construction ever again."
"Hindi ka naman kailangang makipagkita sa kanya. Sulatan mo na lamang."
"No way. Huwag kang mag-alala. Makakakita din ako nang mapapasukan. Anong ulam natin ngayon?"
"Omelette na naman kung okey sa iyo," napapailing na wika ni Cristal. "Naku, palagi na lamang itlog araw-araw ngayong linggong ito, ano? Baka pumutak na tayong dalawa. Sana ay magkapera tayo para makabili ng juicy steak.?
"Hayaan mo, kapag nagkatrabaho ako, ako na naman ang magiging in-charge sa kusina."
"Hindi kita inoobliga, ha? Kahit na mag-itlog tayo nang isang taon."
"Sorry. Medyo tensyonada lamang ako ngayong gabi. Ang dami kasing bagong graduates ngayon na naghahanap din ng trabaho at hindi ko alam ang chances ko."
"Nonsense. Isa kang mahusay at efficient na secretary. Sa susunod na linggo ay may trabaho ka na. Isang super boss at super suweldo para sa isang super secretary."
"Sana nga." Sinikap ngumiti ni Menerva. Napakabait ng kanyang kaibigang kasama sa apartment kaya dapat ay lalo siyang magpursigi sa paghahanap ng trabaho.
Tama si Cristal. Maganda ang work performance niya. Ngunit mataas ang pride niya kaya parang hindi niya matanggap na sumandal pa nang matagal kay Cristal habang wala siyang kita. Ngunit ang pride ding ito ang hadlang sa kanya para lumapit kay Maynard at humingi ng certificate of employment.
Biglang naisip ni Menerva ang solusyon sa kanyang problema. At naalala din niya ang sinabi niya noon kay Lawrence Flores nang alukin siya nito, o sa mas tamang salita ay inutusan na hanapin siya kapag kailangan niya ng trabaho. Mas gusto ko pang mamatay sa gutom kaysa magtrabaho sa iyo. Napalunok ang dalaga. May nadama siyang pagsisisi kung bakit niya nasabi iyon sa negosyante. Natatandaan pa niya ang pagdidilim ng mukha ni Lawrence as he fought to control his anger. Nag-init ang mukha ni Menerva at the memory. She had been so rude to him.
Makakalapit kaya siya ngayon na tila walang namagitang hindi kanais-nais sa kanila? Sinasabi ng instincts niya na kailangan niyang magpakumbaba kay Lawrence dahil kayang-kaya siyang tulungan nito.
Pagkalipas ng dalawang araw, pagkatapos ng isang napakabuwisit na interview kung saan napansin ni Menerva na higit na interesadong tumingin sa mga binti niya ang prospective employer niya kaysa sa kanyang bio-data, ipinasiya ng dalaga na tawagan na si Lawrence Flores. Desperada na siya at wala siyang pakialam kung ano ang magiging reaksyon ng aroganteng milyonaryo. Ngunit nanginig pa rin nang bahagya ang mga daliri niya nang idayal niya ang number sa opisina ng lalaki. Habang hinihintay niyang may sumagot sa telepono, kamuntik na niyang ibaba ang receiver.
Baka wala sa opisina si Lawrence. O baka masyadong abala ito para pag-aksayahan ng panahon ang isang babaeng nakabangga nito a month ago. Marahil ay nakalimutan na nito ang tungkol sa kanya. Ito ang mga iniisip ni Menerva nang sabihin niya sa switchboard na ikonekta siya kay Lawrence Flores. At least naman ay sinubukan niya.
"Yes?" Kilalang-kilala ni Menerva ang ma-awtoridad na tinig mula sa kabilang dulo ng kawad. Biglang nakalimutan ng dalaga ang opening sentences na sinasanay niyang sabihin kay Lawrence.
"Si Menerva Reyes, Mr.Flores. H-hindi mo na marahil ako natatandaan, pero nagkita tayo sa may isang ... "
Biglang pinutol ni Lawrence ang iba pang sasabihin ni Menerva. "Paano ko makakalimutan ang isang katulad mo na maraming mga katangian? Anong maipaglilingkod ko sa iyo?"
Huminga nang malalim si Menerva "Naghahanap ako ng trabaho at natatandaan kong nabanggit ko ito sa iyo noon. Nasabi mo noon na matutulungan mo ako ... " medyo nangatog ang tinig ni Menerva.
"Sabihin mo kung mali ako, pero tila natatandaan kong inisnab mo ito at sinabi mong gusto mo pang mamatay sa gutom kaysa tumanggap ng tulong mula sa akin."
Alam ni Menerva na pinahihirapan ni Lawrence ang lahat.
"Sorry tungkol doon," ani Menerva. "Naging very childish ako."
"Mabuti at alam mo. At mabuti naman dahil mapagpatawad ako. Pumunta ka sa opisina ko bukas nang alas diyes nang umaga at titingnan ko kung mayroon akong magagawa para sa iyo."
"Pero ... " Wala nang narinig na sagot si Menerva maliban sa receiver na lumapag sa kabilang dulo. Pinandilatan ng dalaga ang telepono. Inutusan siya ni Lawrence at inaasahan nitong tatalima siya. Ano ang palagay ng lalaki sa sarili niya? Ngunit habang naghahanda ng kapeng iinumin si Menerva, alam niyang darating siya sa oras na sinabi ni Lawrence. Wala siyang ibang option.
Sinabi ni Menerva kay Cristal ang balita nang umuwi ang kaibigan niya mula sa trabaho.
"Ang playboy na si Lawrence Flores?" maang na tanong ni Cristal.
"Uh-huh."
"Binabale-wala mo si Lawrence Flores? Isa siya sa pinaka-successful na financiers sa daigdig ng kalakal, Menerva. A self-made millionaire. A very eligible bachelor, too."
Lalong natigagal si Cristal nang isalaysay na lahat ni Ruby ang lahat ng pangyayari mula nang una silang magkabanggaan ni Lawrence.
"Hinalikan ka niya? My God, Menerva, bakit tila hindi ka excited? Dapat ay hindi mo na siya pinakawalan."
"Hinalikan lamang niya ako dahil galit siya saakin. Iyon yataang paraan niya ng pagpaparusa."
"Napakasarap na parusa ,"Cristal rolled her eyes upwards.
"Nagkahiwalay kaming inis sa isat isa ,"ani Menerva "Halatang galit siya sa akin.Pero wala akong pakialam noon.Akala ko ay hindi na kami kailangan magkita pang muli."
"Pero pinatawad ka na niya marahil dahil sinasabi niyang tutulungan ka niya ,hindi ba ?"
"Ewan ko pero he is ruthless.Maaaring gusto lamang niyang makita akong halos magsumamo sa kanya para humingi ng tulong."
"At gagawin mo naman iyon sakali?"
"Of course ,hindi.Hindi ako natakot kay Lawrence Flores."
Pero habang sinasabi niya ang mga katagang iyon,nakadama si Menerva ng matinding kaba sa kanyang dibdib.
Kinabukasan ,maingat na ginawa ni Menerva ang pagbibihis at pag -aayos ng sarili dahil sa appointment niya kay Lawrence.Kalahating orad siya halos sa harap ng kanyang aparador at salamin,hindi niya malaman kung ano ang isusuot .Sa wakas ay pinili niya ang paborito ni Maynard.Isang tailored suit na kulay light blue.Nagmumukha siyang old-fashioned na guro dito pero bagay na bagay sa kanya at lalo siyang gumanda.Ini - emphasize nito ang kanyang slender figure.Ipinusod niya ang kanyanf abot-balikat na buhok matapos niya itong pakintabing mabuti sa pamamagitan ng brushing.Bahagya lamang ang make -up niya.Nang tignan nga ang buong pigura ng kanyang mukha ay napangiti ang dalaga.She felt cool and confident and looked like a perfect secretary.Natitiyak niyang mabubura na sa isipan ni Lawrence ang ano mang hindi magandang impresyon nito sa kanya nang una silang magkita.
Sana ay maging kalmante din ang pakiramdam niya na tulad ng panlabas niyang anyo.Naging tensyonada si Menerva as she set out to meet the man na inakala niyang ikasisiya niyang hindi na makitang muli.