Kabanata 6

1211 Words
Maganda,elegante at impressive ang gusaling kinaroroonan ng tanggapan ni Lawrence Flores.It was modern,an aggressive mass of steel and plate glass that towards high above the other buildings na nakapaligid dito.Ibinigay niya ang kanyang pangalan sa receptionist at naupo siya.Sa panlabas na anyo ay puno siya ng self-confidence ngunit nararamdaman niyang humihina ang loob niya sa pagdaraan ng mga sandali. Ngunit huli na para umurong si Menerva.May nakangiting empleyado ma palapit sa kanya.Ito na marahil ang secretary ni Lawrence.Naka pag tataka at bakit lalaki ang secretary ni Mr.Flores. "Miss Reyes ?Ako si Lucy Garcia ,personal assistant ni Mr.Flores.Will you come with me,please?" Ito pala iyong pobreng babae na sinigawan minsan ni Lawrence sa kanyang cellphone. Pinagmasdan siya ni Menerva habang sumusunod siya dito sa mga corridors. Mukha namang masaya ang kawani. Sanay na siguro ito sa isang katulad ni Lawrence Flores. "Medyo maraming paliko-liko dito pero masasanay ka din kapag matagal ka nang nagtatrabaho dito," ani Lucy Garcia Nabuhayan ng pag-asa si Menerva. Baka nabanggit ni Lawrence ang ibibigay niyang trabaho sa kanya sa assistant nito. Biglang huminto ang kasama ni Menerva sa harap ng pintuan sa bandang kaliwa nila. Kumatok muna ito bago niya itinulak ang pintuan. "Narito na ho si Miss Reyes," anito at pinapasok niya si Menerva. Sa gitna ng malaking tanggapan at malapit sa bintana ay naroon ang leather-topped desk na puno ng papeles sa ibabaw. Ngunit hindi nito dinodomina ang buong silid. Iyon ay para sa lalaking nakaupo behind it, his keen black eyes scrutinizing every inch of her as Menerva walked from the door and came to a conscious halt before him. Hindi alam ng dalaga kung bakit inaasahan niyang nagbago ang milyonaryo. Marahil ay dahil Lawrence had haunted her dreams magmula nang huli nilang pagkaka-enkuwentro at naging demonyo-ito of almost outside proportions, terrifying her feelings and her emotions. Ngayon ay isa itong proper businessman, dignified sa suot niyang well-tailored suit. Lawrence Flores was a dangerously good-looking man. Tila kakaunti ang panahon ng negosyante para sa kanya. Pinaupo siya nito at tinanong kung paano siya nito matutulungan. Ang tinig ni Lawrence ay tulad nang natatandaan niya ... malamig at impersonal. Kung natatandaan ng lalaki ang tungkol sa nangyari nang huli silang magkita, tila wala na sa isip nito iyon. Binigyan siya ng note pad at nagdikta ng isang business letter si Lawrence. Pagkatapos nitong ipabasa iyon kay Menerva, tinanggap niya ito at sinabihang magsimula nang magtrabaho ito sa Lunes. Higit na mataas ang sahod na binanggit ni Lawrence kaysa sa dati niyang tinatanggap. Hindi nga inaasahan ni Menerva ang ganoong kalaking halaga. Nalaman din ni Menerva na ang magiging trabaho niya ay bilang personal assistant ni Lawrence. Magiging kapalit siya ni Lucy Garcia na magre-resign na pala dahil ikakasal na ito. "Sabihin mo kung hindi mo kaya," tila nakakalokong sabi ni Lawrence. "Pero iyan lamang ang bakanteng puwesto na maaari kong ibigay sa iyo ngayon." Nairita si Menerva. Tinatawaran ni Lawrence ang kanyang kakayahan. "Of course kaya ko," itinaas niya ang baba niya. "I always welcome a challenge". "Inaasahan ko ang standard efficiency. At ayaw ko ng pinagpapantasyahan ako at inaaksaya ang oras ko. Naging sanhi ito ng mga problema sa nakaraan kong karanasan. Hinagod siya nang tingin ng lalaki. "Ngunit sa nakita ko na sa iyo, alam kong hindi mo gagawin ang gayong pagkakamali." Napaka-self conceited talaga nito, naisip ng dalaga. "Sa palagay ko ay puwede mong ipanatag ang loob mo sa bagay na iyan. Immune ako sa charms mo, kung iyan ang tinutukoy mo." Tila hindi pinansin ni Lawrence ang insulto. "Dapat kang batiin, kung gayon," pormal na wika nito. "Ngunit kung hindi nga lamang dahil sa magiging epekto nito sa trabaho dito sa opisina, natutukso akong buwagin ang immunity na sinasabi mo. Magiging isang kasiya-siyang karanasan ito." "Para sa iyo o sa akin?" "Sa ating dalawa.": "Mabibigo ka, Mr. Flores." "Palaging may first time,Miss Reyes." "Hindi ko na aaksayahin ang panahon mo. Sa palagay ko ay marami kang trabaho." Tumayo si Menerva at inilahad niya ang kanang kamay in a gesture of farewell. Nagdaop palad sila. Ang mga daliri ni Lawrence ay kumubkob sa kamay niya. "Dumaan ka sa sekretarya ko ... kay Mr.Garcia at tanungin mo ang mga dapat mong gawin Including how to handle the boss." Naiturong mabuti ni Lucas ang office routine kay Menerva at natuklasan ng dalaga na kayang-kaya niya ito. Kaswal ngunit pormal ang pakikitungo sa kanya ni Lawrence at bihira itong ngumiti kay Menerva. Nasanay agad ang dalaga sa quick-fire decisions ng boss niya, anticipated his orders and coped in his frequent trips abroad. Aminado si Menerva na matalino at matinik si Lawrence Flores pagdating sa pagpapalakad ng negosyo. At sa capacity ng lalaki for hard work. Naging malamig ang pakikitungo sa kanya ni Lawrence at bihira itong ngumiti kay Menerva. Marahil dahil sa napakalamig din ng pakikitungo ng dalaga dito although aminado siyang mahirap gawin ito. Ngunit sa palagay niya ay higit na mabuti na ang ganoon. Na ang tingin sa kanya ng boss niya ay isa lamang siyang mahalagang office equipment. Kahit kailan ay wala siyang narinig na ano mang appreciation mula kay Lawrence sa kanyang mahusay na pagganap sa trabaho. Ngunit alam din niya na minsan lamang punahin ni Lawrence ang mga pagkakamali ng isang kawani. Patay na patay sa kanya ang mga babaeng kawani sa kumpanya at obvious ang pagkainggit nila kay Menerva sa closeness niya kay Lawrence sa trabaho. "Nakakainis ang mga arte nila na halos magkandarapa ang mga ito kay Lawrence," reklamo nito sa kaibigan niyang si Cristal. "Na tila napaka-espesyal niya." "Ang ibig mong sabihin ay hindi ganoon ang tingin mo sa kanya?" maang na tanong ni Cristal. "Hindi." "Dahil ba na kay Maynard pa rin ang isipan mo? Sana ay kalimutan mo na siya." "Kinalimutan ko na siya." Ngunit hindi masabi ni Menerva na matagal bago niya makalimutan ang kataksilang ginawa sa kanya ni Maynard Gavina. "Kung gayon, bakit hindi mo buksan ang puso mo sa ibang opportunities? Natitiyak kong karapat-dapat si Lawrence Flores. Alam niyang paligayahin ang isang babae. Kakain kayo sa pinaka-expensive restaurants, nightclubs at fabulous parties. Mag-e-enjoy ka. Bakit hindi mo subukan?" Tumawa si Menerva at napailing. "Hindi gusto ni Lawrence na nagkakakursunada sa kanya ang kanyang mga sekretarya. Gusto ko ang trabaho ko at hindi ako interesado personally kay Mr. Flores." "Ewan. Parang hindi ako makapaniwalang wala kang nararamdaman sa kanya lalo na't magkalapit kayo sa trabaho." "Oo, attractive nga siya, pero ... " "Attractive? Isa siyang Adonis na pangarap ng bawat babae.' "Hindi para sa akin." Hindi pinansin ni Cristal ang sinabi niya. "Sophisticated, guwapo, macho, mayaman, matalino ... " "Arogante, mayabang, walang puso, dominante, antipatiko," tinapos ni Menerva ang listahan. "Hay naku.Hindi, hindi mo makikilatisang isang tunay na ginto kapag kaharap mo, wala ka nang pag-asa. Alam ba niya kung ano ang palagay mo sa kanya?" "Sa palagay ko ay oo. Bakit?" "Sana ay huwag niyang maisipan na ibahin ang palagay mong iyan sa kanya. Kapag nagkataon, alam ko kung sino ang mananalo." "Mali ka." "Kaya ?Sa mga nababalitaan ko,siya ang uri ng lalaki na hindi pa nabigo kahit kailan sa pagkuha ng isang bagay na gusto niya.Sa negosyo man o sa babae." "Kung gayon ay mabuti naman at wala siyang kursunada sa akin.Dahil ayaw kong masaksihan ang una niyang pagkabigo mo,as well."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD