Chapter Twenty Seven Girlfriend Magkatabi kaming nakahiga ni Trystan ngayon sa kama ko. Ang ulo ko ay nasa dibdib niya, dinig na dinig ko pa ang malakas na pagtibok ng puso niya na para bang isinisigaw ang pangalan ko. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa'kin. "I miss you, Jas..." Nag angat ako ng tingin. Nakita ko siyang naka tingin lang sa ceiling pero ng maramdaman niya ang pag galaw ko ay sinalubong niya ang mga mata ko. "I miss you too." Hindi ko na pinigilan ang sarili kong sabihin 'yon sa kanya. Alam kong talo ako sa lahat ng laro ni Trystan pero bahala na si batman. Isa lang ang alam ko ngayon, ang i-cherish ang oras naming magkasama. He slowly lowered his face and reach my forehead. He left a sweet kiss na nagpapikit sakin. "Jas!" Isang malakas na katok ang

