Chapter Twenty Six Home Sweet Home Paikot na ako papunta sa hagdan. Ewan ko ba kung bakit bigla akong nakaramdam ng takot. Madilim kasi ang buong bahay namin na tanging ang mga lampshade lang ang natitirang ilaw na bukas. Nagtitipid na ba kami ng kuryente? Napakapit ako ng mahigpit sa mga gamit na yakap ko habang patuloy parin ang paglalakad papunta sa grand staircase. Konting kembot nalang papunta sa hagdan ng may biglang isang malaking bulto ang bumangga sa akin. Muntik na akong mapasigaw pero ng makita ko siya ay nabitawan ko ang lahat ng hawak kong gamit. "Holy s**t!" Bulalas ko rito. "Jeez! Calm down." Sabi nito kasabay ang pagpulot ng mga gamit kong nalaglag sa sahig. Yumuko narin ako para kunin ang mga 'yon. What the hell is he doing here?! Dinig ko ang malakas na pagkabog ng

