Chapter Twenty Five

2173 Words
Chapter Twenty Five Let me go "Good morning!" "Mother father!" Napapitlag ako sa boses na 'yon ng makalabas ako ng double door naming pintuan. Papasok na ako ngayon sa training. Medyo maaga ako ngayon dahil hindi ako nakapasok kahapon, gusto ko sanang mag catch up ng mga lessons. "Garret? Why are you here?" Gulat paring sabi ko. "I'm your bodyguard remember?" Kumindat pa ito matapos magsalita. Oh my! Ipinilig ko ang ulo ko at nag iwas ng tingin sa kan'ya. Pakiramdam ko kasi ay nag-iinit ang magkabilang pisngi ko. "Are you sure?" Bumaba na ako sa hagdan at lumapit sa kan'ya. "Of course!" Masaya paring sabi nito. Lumapit siya sa sasakyan at binuksan ang passenger's seat para makasakay ako. Itinuro pa niya 'yon ng makita niyang nakatayo parin ako at hindi natitinag. Napapitlag ako at agad na sumakay. I'm still not sure about this. Bakit kasi tinototoo niya pa lahat. "Garret baka busy ka, nakakahiya na sa'yo. Sobrang abala na 'to e." Papunta na kami ngayon sa center. Two weeks nalang ang natitira sa training ko at pagkatapos ng two weeks na 'yon ay magiging ganap na flight attendant na ako. Hindi ko lubos maisip na ilang araw na lang ang layo non. Excited na ako sa first flight ko, parang gustong lumabas ng puso ko sa sobrang tuwa tuwing naiisip ko ang bagay na 'yon. Dati pangarap ko lang makapunta sa rome pero ngayon alam kong anytime soon ay makakarating na rin ako hindi lang doon kundi kahit saang lugar ko pa gustuhin. "It's okay Jas. I just want to keep you safe." Parang isang masarap na musika ang mga sinabi niya sa tenga ko. "Thank you Garret." Bumaling ito sa akin at ngumitng muli. Ano ba 'to, bakit ba siya ngiti ng ngiti? Naiilang na tuloy ako. "Text me when it's done. Okay?" Isang tango nalang ang isinagot ko sa kanya bago ako naglakad papasok ng building. Wala ring traffic kaya wala pang thirty minutes ay nasa aviation na kami. "Is that the guy at the mall?" Curious na tanong ni Ivanna ng makita niya ako sa hallway. "Yes." Maikling sagot ko. "Where's Trystan? Anong nangyari sa'yo bakit hindi ka nakapasok?" Magkasunod na tanong niya sakin. Nakarating na kami sa room bago ko ikwento sa kanya ang lahat ng nangyari ng araw na 'yon. "What?!" Bulalas nito ng mai-kwento ko na sa kanya ang lahat. "Holy freaking smokes!" Hindi ko alam kung para saang part ang sinabi niya. Yeah, alam kong masalimuot ang buong nangyari sa araw ko noon pero at least I can say that I'm a survivor. And I'm still surviving. "But I'm fine." Sumeryoso ang mukha niya na para bang nakikisimpatya. "Don't lie Jas. Hindi bagay sa'yo." Napangiti nalang ako ng mapait. My world turned up side down noong nakita ko palang si Raffie sa main building ng mga Lewis. Alam kong mayroon silang koneksiyon ni Trystan pero hindi ko naman alam na girlfriend niya pala ito. He just used me to annoy her. Pero ako ito, si tanga. Nagpadala sa mga salita niya. I jump off my limitations kasi akala ko iba siya. Akala ko totoong gusto niya ako. Siguro nga totoong gusto niya ako... Gusto niya akong saktan. Ang sakit na naman ng dibdib ko. May sakit na nga yata ako sa puso e! Natapos ang training namin kaya naman tinawagan ko na si Garret para sunduin ako. Kahit na nahihiya na ako sa kanya ay narealized kong tama siya. I can't protect myself. Hindi ako kasing lakas ng akala ko. Palabas na kami ng building ni Ivan ng makita ko ang itim na maserati ni Trystan na nakaparada sa parking lot. Sumibol ang kaba sa dibdib ko ng makita ko 'yon. Hindi pa man kami tuluyang nakakalabas ay bigla akong napaatras ng makita ko naman itong papalapit sa kinatatayuan namin. Hinila ko kaagad si Ivanna papasok muli ng building pero huli na. "What took you so long?" Iritadong tanong nito. Napatingin ako kay Ivan pero kahit siya ay hindi rin makapag salita. "Are you talking to me?" Sarkastikong sagot ko rito. Duh! Bakit siya nandito? Eh hindi naman ako ang girlfriend niya. Tsaka, ayoko na siyang makita pa! Napatawa ito ng sarcastiko bago muling sumeryoso at tumingin ng diretso sa mga mata ko. Hindi na ito nagsalita pang muli. Lumapit na ito sa akin at hinawakan ang isang kamay ko saka iginiya papalabas ng building. "Get off me Trys!" Bawi ko sa kamay ko na hawak niya ng makarating na kami sa parking lot. Nakatiim ang kanyang bagang ng humarap muli sa akin. Nanlilisik din ang mga mata niya. "Why are you being so stubborn?!" Pagalit niya sakin. Pinindot niya ang car keys niya at bumukas ito. "Get in the car." Pabulong niya at lumakad na papalapit dito. Binuksan na niya ang drivers seat. "I won't Trystan. I'm not being stubborn! I just don't like this!" Napahinto siya dahil sa mga sinabi ko. Naglakad ako paalis sa harapan ng sasakyan niya pero nahawakan niyang muli ang kamay ko. But this time, his eyes were full of emotion. Parang gustong manglambot ng mga tuhod ko. Nang puso ko. "Please..." Pabulong niya pang sambit. Pero bago pa man ako makapagsalita ulit ay nakita ko na si Garret na papalapit sa aming dalawa. "No Trystan. Let me go!" Pagpoprotesta ko. "Let her go Trystan." Napalingon ito sa kakalapit lang na si Garret. Naramdaman ko ang mas lalo nitong pag higpit sa wrist ko. Bumalik ng muli ang tingin niya sa akin. Kahit na halata sa mukha niya ang galit ay nakikita ko rin sa mga mata niya ang pagmamakaawa. "Let me go now." Bulong ko. Habang nararamdaman ko ang dahan dahan niyang pagbitiw sa kamay ko ay kasabay din nito ang pag sikip ng dibdib ko. Parang mayroong parte ng utak ko ang nagsasabing wag niya akong bitawan. Wag niya akong pakawalan. Pagkatapos niyang bitawan ang kamay ko ay agad naman itong hinawakan ni Garret. Nakita ko ang pagkumo ng  dalawang kamay ni Trystan pero bago pa man may mangyari ay mabilis na akong umibis para makalayo kaming dalawa ni Garret kay Trystan. Way to go Jasmine! Pagbati ng utak ko. Kahit na nagawa ko 'yon with a strong face ay hindi naman maikakaila na sobrang nanghihina na ang loob ko. Habang papalayo ako kay Trystan ay parang mas bumibigat ang dibdib ko. Para bang hindi tama ang ginawa ko. Pero anong magagawa ko? Ayokong umasa habang buhay sa lalaking alam kong hindi kailanman kayang magseryoso. Habang nasa biyahe ay ramdam ko parin ang kamay ni Trystan na nakahawak sa akin. Napapikit pa ako ng maalala ko yung mga oras namin sa resort. That night when we passed the bachelor party. Those grip that makes my heart whole. "Are you okay?" Pagbasag ni Garret sa katahimikan. Malapit narin kami sa village. Wala rin kasing traffic ngayon kaya medyo maaga ang pag-uwi ko. "Yeah." Ngumiti pa ako sa kan'ya. "So Trystan..." Napalingon ako ulit kay Garret. "What relationship do you have?" Napailing ako sa kanya. "Nothing." Pinilit kong maging normal ang kilos ko. Totoo naman kasing walang kaming relasyon di'ba. Pinipiga ang puso ko. Hindi na muling nakasagot si Garret. Nakarating na kasi kami sa bahay. Mabuti narin 'yon. Ayaw ko narin kasing sumagot sa mga tanong na wala naman talaga. "Thank you Garret and please drive safely." Paalam ko rito. Ngumiti lang ito bago umalis sa harapan ko. "Hija, hindi ka raw nagpahatid kay mang Pedring?" Tanong ni Mommy ng tuluyan na akong makapasok sa loob ng bahay. "Hindi Mom." Niyakap ko ito at binigyan ng isang halik sa pisngi. "Sinundo ka ba ni Trystan? Siya rin ba ang naghatid sayo ngayon?" Usisa pa nito. Nawala lang ang ngiti niya ng umiling ako. "Ah, so sino ang naghatid sayo?" Pumunta kami ng living room ni mommy at umupo sa couch.  Nakabukas pa ang TV na tanda ng panunuod nito ng isang cooking show. Mahilig magluto si Mommy at kahit na mayroon kaming mga taga luto dito sa bahay ay minsan siya parin ang naghahanda ng mga pagkain namin. "Si Garret po." Napakunot ang noo nito. "Garret?" "Schoolmate ko po, I gotta go Ma. May gagawin pa pala ako." Pag-iwas ko sa mga susunod niya pang tanong. Lumabas na ako sa living room at tinungo ang kwarto ko. Pagkatapos kong maligo ay napansin ko ang pag ilaw ng cellphone ko na ngayon ay nakapatong sa aking computer table. Pinunasan ko pa ang basa kong buhok bago ko tuluyang abutin 'yon. Puro text lang ito ni Ivanna. Puro sorry ang nabasa ko doon. Dahil wala daw siyang nagawa kanina sa pagdating ni Trystan.  I texted her. Ako: It's okay. I'm home Ivan. See you tomorrow! Nakapansin pa ako ng isang text pero this time galing naman ito kay Trystan. Bubuksan ko na sana ang message niyang 'yon pero bigla namang nag ring ang cellphone ko. Muntik ko na itong mabitawan. Fuck. Mas lalo pa yata akong nagulat ng makita ang pangalan ni Trystan sa screen ng telepono ko. Bago ko pa man ito sagutin ay nawala na ang tawag. Napaupo ako sa kama ko. Hinihintay muli ang pagtunog no'n pero hindi na ito nangyari. Pagkatapos naming mag dinner ay nagpaalam na ulit ako kila Mommy. Bukas ay simula na ng last phase ng training. Kailangan ko ng maghanda para sa hands on namin. Excited na rin akong subukang sumigaw para sa emergency. Mahina ang boses ko kaya naman buong gabi lang akong nagsisisigaw sa kwarto ko. Good thing dahil sound proof naman ito. Lumipas ang ilang araw na si Garret ang kasama ko. Siya ang tanging taga sundo at hatid sakin. Mabuti nga at hindi na masyadong mahigpit si Kuya pagdating sa mga lalaki e. Siguro ay narealized na niyang hindi na ako bata para pagbawalan niya. Habang tumatagal ay mas nakikilala ko ngayon si Garret. Ngayon ko lang din nalaman na isang beses palang siyang nagkakaroon ng girlfriend pero nakipag-hiwalay din ito sa kan'ya. "Kaya pala ang ilap mo sa mga babae e." Natatawang sabi ko rito. Nasa park kami ni Garret ngayon. Maaga kasing natapos ang training kaya naman nagyaya muna akong maglibot tutal bukas ay wala akong pasok. "Mailap?" Kunot noong tanong nito. "Yeah. 'Yun bang ilag sa mga babae. Ganun." Pagpapaliwanag ko. Pero parang mas lalo niyang hindi naintindihan ang sinabi ko. "I'm not." Pagdedepensa niya. "Sa dami mong fans noon, bakit ni isa ay wala kang nagustuhan?" Nakakacurious kasi eh, noon nakikita ko ang mga ka-team niya na may kanya kanyang babaeng dala pero siya gano'n parin. Ilag, suplado, masungit. "I don't have fans." Sagot niya. "Uy, pahumble." Pinindot ko pa ang braso niya. "Ang dami kayang may crush sayo. Sikat na sikat ka nga eh. Lalo na nung last two years dahil ikaw na palagi ang MVP." Napalingon siya sakin. Hindi ko maintindihan kung ano ang nasa isip niya. Masyado yata akong naging fan girl sa harap niya. "Alam mo rin 'yun?" Tanong niya. Nawala ang ngiti ko ng makita ko ang mga seryosong mata niyang nakapukol sa akin. "Oo naman! Number one fan mo kaya ako." Kahit na pilitin kong maging kalmado ay parang hindi ko napigilan ang sarili ko. Nasabi ko pa yun in a high pitch voice. Natawa siya dahil sa sinabi ko. Pero maya maya pa'y sumeryoso na muli ito at tumingin sa mga taong nasa park. "So crush mo ako?" Bigla akong nakaramdam ng kaba sa dibdib ko. Naglayo ako ng tingin. This is so darn awkward. "Uy." Pagkuha niya ng atensiyon ko. Paglingon ko sa kanya ay nakatingin na siya ulit sa akin. "Nako. Wala 'yun matagal na yun e'" Pagiwas ko sa tanong niya. E kasi naman! Babae ako, hindi natural na sabihin ng isang babae na gusto niya or kung ano man ang isang lalaki. Well, that's just my thought. "I just want to know." Ngumisi pa ito. Wala na akong nagawa kundi ang tanguan siya. Honesty is the best policy diba? "Why don't you join the basketball association?" Pag-iiba ko ng topic. "I'm thinking about it. Siguro nasa sixty over forty na ako. But now, knowing that you're my fan, that made me go eighty over twenty." Napangiti ako dahil sa sinabi niya. He should play. Swerte ang team na mapupuntahan niya. I've watched all of his games back then at alam kong magiging successful siya sa field na 'yun. "But seriously, you should do it! I promise to watch your first game tapos kung gusto mo, gagawa pa ako ng cheer. Kung gusto mo lang!" Natatawang sabi ko. Natawa narin siya at sinabing pagiisipan niya ulit ang pagpasok sa basketball. Nagyaya na akong umuwi ng dumilim na ang paligid. Inihatid niya parin ako kahit na sinabi ko sa kanya na hindi na kailangan. Halos isang linggo narin ang lumipas pero hindi ito bumitaw sa pangako niyang magiging bodyguard ko siya. Sa loob ng mga araw na lumipas ay patuloy parin ang pangungulit sa akin ni Trystan. Pero lahat ng mga texts niya at agad kong binubura. I don't wanna be his other option kapag hindi sila okay ni Raffie. "What are you doing tomorrow?" Tanong ni Garret bago ako makababa ng kanyang sasakyan. "I don't know. Why?" Tanong ko rito. "Basta. I'll see you tomorrow. Pick you up at four pm?" Nakangiting sabi nito. "Okay.m." Bumaba na ako ng sasakyan at hinintay siyang makaalis bago ako tuluyang pumasok sa loob. Nang hindi na makita ng paningin ko ang sasakyan niya ay pumasok na ako. Himala yata at tahimik ang buong bahay namin. Siguro ay wala pa sila Mommy at Daddy ngayon. Tuluyan na akong pumasok. Walang tao sa living room gaya ng inaakala ko. Dahan dahan akong lumapit sa may garden. Nakita ko si Kuya Jacob at si Juliana doon. Inilapag ng huli ang isang bote ng alak sa bilog na lamesa saka dali daling umalis. Kinuha naman ni Kuya ang alak ang nagbuhos sa basong nasa harapan niya saka ininom ito habang nakatingin sa papalayong babae. I sighed. Umatras na ako at tinungo nalang ang daan papunta sa grand staircase ng bahay. Medyo napagod kasi ako ngayon sa training. Pakiramdam ko ay nag work out ako ng limang oras dahil sa swimming at emergency lessons. "Holy s**t!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD