Chapter Twenty Four

1985 Words
Chapter Twenty Four Bodyguard  May mga dagang biglang nagsitakbuhan sa dibdib ko. Pamilyar ang boses na 'yon. Yun lang naman ang boses na nagpapatindig ng balahibo ko. Hawak hawak ko parin ang handle ng pintuan ng sasakyan ko at pilit na inaaninag ang taong nasa harapan ko. Humakbang pa ito ng bahagya para makalapit ng kaunti sa akin. Halos mapasigaw ako ng makumpirma ko kung sino ang lalaking nasa harapan ko. "C-Cris?!" Bulalas ko ng makita ko ng tuluyan ang pangit niyang mukha.  Kahit na matagal kaming hindi nagkita ay alam na alam ko parin ang hilatsa ng mukha niya. "Dito lang pala kita makikita..." Nakangising sabi nito.  Tumayo ang lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa sinabi niya. Naglalakad lang siya papalapit sa kinatatayuan ko. "S-stay away from me!" Umatras ako papalayo sa kanya pero patuloy lang ang paglalakad niya patungo sa direksiyon ko. "Bakit ba ang ilap mo sakin ha? Dahil ba hindi ako kasing gwapo ni Garret at yung lalaking palagi mong kasama ha?"  Anong pinagsasasabi niya! Bubuksan ko na sana ang kotse pero bigla ko namang nabitawan ang susi dahil sa sobrang kaba at taranta. Hindi ko na pinulot 'yon dahil nakita kong malapit na siya sa kinatatayuan ko. Umibis ako ng takbo papunta sa gawing kalsada. Nakakailang hakbang palang ako ng mahawakan niya ang braso ko. "Let me go!" Pagpipilit kong bawiin ang braso kong ngayo'y hawak niya.  Nakaramdam ako ng matinding takot ng makita ko ang nanglilisik niyang mata at ang nakangiti niyang labi. Sa sobrang takot ko ay hindi ko na napigilan ang pagluha. Hinapit niya ang bewang kong papalapit sa katawan niya. s**t! Bakit ba kasi ako bumaba pa ng sasakyan! Luminga ako sa paligid pero walang tao sa lugar kung nasaan kami. Mas lalo pa nga yata akong nahilo dahil sa pagtakbo ko eh. "Sh... Stop crying babe. Hindi kita sasaktan." Hinawakan pa nito ang mukha ko.  Isang impit na iyak nalang ang nagawa ko ng lumapat sa mukha ko ang kamay niya. Kahit na anong pilit kong kumawala sa braso niya'y hindi ko magawa. Nauubos na ang lakas ko. Nang maramdaman ko ang pagluwag ng kamay niya ay saka ako nakakuha ng lakas para tadyakan ang hinaharap niya at tumakbo papalayo. Nakita ko siyang namilipit sa sakit at hawak 'yon. Kahit na umiikot ang mundo ko ay hindi ako tumigil sa pagtakbo hanggat hindi ko nararating ang kalsada. May nakita akong sasakyang paparating kaya naman itinaas ko ang dalawang kamay ko at ikinaway ito. Nilingon ko ang pwesto kung saan ko iniwan si Cris at nakita ko siyang paika-ika naring tumatakbo papalit sa lugar ko. Nang makalapit na ang sasakyan ay mas tinaasan ko pa ang kamay ko pero sa pagka dismaya ko'y hindi ito huminto. Nakita ko ang anino ni Crisostomo na papalit na sa akin kaya tumakbo na ulit ako. Kahit na pagod na ako at hindi ko na mahabol ang aking paghinga ay hindi parin ako huminto. God help me! Bulong ko sa sarili ko. Takot na takot ako. Dinig na dinig ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko. Nakaramdam ako ng pag asa ng makita ang head light ng isang sasakyang patungo sa direksiyon ko. Kumaway ako rito at pumagitna na sa kalsada para lang masiguradong hihinto na ito. Hindi ko na alam kung hanggang saan ang kaya kong itakbo. Wala na akong lakas at ngayon ay nararamdaman ko na ang tama ng alak sa huwisyo ko. Parang gusto naring kumawala ng mga alcohol na ininom ko kanina. Umiikot na ang buong paligid ko. Nakahinga ako ng maluwag ng huminto ito. Napahawak pa ako sa harapan ng sasakyan dahil pakiramdam ko'y matutumba na ako. Umibis ang isang lalaki sa sasakyan pero bago ko pa man makita ang mukha niya'y bigla ng lumabo ang panigin ko kasabay ng pagdilim nito. God help me! Masakit ang ulo at buong katawan ko ng magising ako. Napahawak pa ako sa ulo ko bago ko idinilat ang mga mata ko. "Where am I?" Nilinga ko ang mga mata ko sa hindi pamilyar na paligid. Sinuri ko rin ang sarili ko.  I am wearing a white man's shirt sa isang cream na kwarto na may mga mamahaling muebles. Napaupo ako sa puting kama at pilit na inaalala ang mga nangyari. Fuck! I swear magbibigti ako sa kwartong 'to kapag nalaman kong nakuha ako ni Cris. Nagsitaasang muli ang aking mga balahibo dahil sa naisip ko. Ano bang kailangan niya sakin? At bakit ba siya ganon ka obssess sa akin? Parang gusto na namang kumawala ng mga luha sa aking mga mata. Tuwing pinipikit ko kasi ang mga mata ko ay nakikita ko ang mukha niyang nakangisi. Nakarinig ako ng mga yabag sa labas ng kwarto kaya naman mabilis akong humiga sa kama at kunwari'y nagtulog-tulugan. Maya maya pa'y bumukas na ang pinto. Nakatalikod ako doon kaya hindi ko rin nakita kung sino ang pumasok. Narinig ko rin ang marahang pagsara nito at ang paglapit nito sa kinahihigaan ko. Napapikit ako n madiin ng maramdaman kong umupo ito sa may paanan ko pero ng masagi nito ang kanang paa ko ay bigla na akong bumalikwas ng upo papalayo sa kanya. "Don't you fuckin touch-" Natigilan ako ng makita ko siya.  Naka paskil sa mukha niya ang galit at pag-aalala. "G-garret? Why are you here? Where am I? What happened?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Huminga siya ng malalim bago muling nagsalita. "You're in my house." Sa dami ng tanong ko ay yun lang ang tanging sinagot niya.  Teka eh bakit nandito ako sa bahay niya? "Why?" Naguguluhang tanong ko rito. "You we're drunk last night and passed out." Naalala ko na naman ang pagtakbo ko para lang makalayo kay Crisostomo.  Itinukod ko ang mga tuhod ko sa kama at lumapit sa kanya. Hindi ko narin napigilan ang sarili kong yakapin siya. "Garret thank you for saving my life... Again!" Bulong ko sa gitna ng pagyakap ko sa kanya. Bakit ba siya nalang lagi ang nagiging knight in shining armour ko. "Why are you even in that pub?" Iritadong boses ang sumagot sa akin.  Napabitiw na ako sa kanya at nagbaba ng tingin. Bakit nga ba? Kasi nasaktan ako. Nasaktan ako dahil nagmahal ako. Nagmahal ako kaya naglasing ako para makalimutan ko ang taong nakasakit sa akin. "Nothing..." Mahinang sagot ko.  Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya ang mga nasa isip ko. Magmumukha lang akong tanga. "And that guy..." Napalingon ako sa kanya. Nakita ko rin ang isang kamao niyang nakakumo. "I will kill him next time."  Totoo bang kaya niyang pumatay para lang sakin? Bakit ba pakiramdam ko ay safe ako kapag kasama ko siya? Kung sabagay, he saved my life twice. "W-what did you do to Cris?" Tanong ko rito. "Nung nawalan ka ng malay, nakita ko siyang nakasunod sayo. I beat him up." Kaya pala mayroong maliliit na blisters sa magkabilang kamay niya. "Jas hindi ba sinabi ko na sayo na ireport mo na siya sa pulis? You can have restrictions para may laban ka or might as well he can go to jail." Parang tumaba ang puso ko sa sinabi ni Garret.  Tama siya pero ewan ko ba kung bakit noong una palang ay hindi ko 'yon ginawa. "I didn't know na magkikita pa ulit kami." Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "What if hindi ako napadaan don? Ang kulit mo kasi eh!" Patuloy na pagalit niya sakin.  Nag-iwas pa ito ng tingin sakin. Kahit na alam kong galit siya ay hindi ko naman mapigilan ang pag ngiti. Para kasi siyang cute na baby sa hitsura niya ngayon eh. "Why are you even smiling? I'm serious!" Napahinto ako dahil sa sinabi niya pero lalo lang akong natawa sa kanya. Kumunot pa lalo ang noo nito dahil sa ginawa ko. "From now on let me be your bodyguard." Napahinto ako dahil sa sinabi niya. "Garret..." "No Jas, hanggat hindi nakukulong ang lalaking 'yon ay alam kong hindi ka niya titigilan. He's crazy!"  Tama siya, wala naman akong magagawa kundi ang pumayag sa suhestiyon niya. Sa tuwing naiisip ko ang mga nangyari at ang mukha ni Cris ay parang nangangatog ang mga tuhod ko. One more thing, sino ba ako para tanggihan ang gwapong nasa harapan ko? "Okay." Mabuti nalang may isang Garret na laging nandiyan para i-save ako. Bigla akong kinabahan ng tumunog ang cellphone ko. Nasa ibabaw ito ng table na katabi ng lampshade. Shocks! Paano ang training ko? 11am na pala! "s**t!" Nasambit ko ng makita ko ang oras at ang mga tawag sa phone ko. "Why?" Tanong nito. "Yung training ko Garret." Patay, paano na 'to! "I called them earlier. I told them that you were sick." Hay mabuti naman kung ganoon.  Pero paano ako uuwi sa bahay? Lagot na naman ako kay Kuya. "Thank you Garret." Napatitig ako sa kanya.  Dati hanggang court lang at hanggang tingin lang ako sa kanya tuwing naglalaro siya. Tapos ngayon, nasa harapan ko na siya at magiging bodyguard ko pa. "May dumi ba ako sa mukha?" Tanong nitong nagpabalik sa katinuan ko. "Nothing... May naisip lang."  Ginulo niya ang buhok ko pero sa ginawa niya ay naalala ko lang si Trystan. Yung araw namin sa Resort. Yung time na nagseselos siya dahil kay Garret. Hay, reminisce na naman Jas? "Sige na. Ipapa-akyat ko nalang dito ang mga damit mo para makapag lunch na tayo. Ihahatid narin kita sa inyo." Tumayo na ito at naiwan akong nakatulala. Tumayo na rin ako ng makalabas siya at tinungo ang banyo sa loob ng kwartong 'yon. Pagkatapos kong maligo ay nakita ko na ang mga damit kong nakapatong sa puting kama.  Mabilis akong natapos mag-ayos dahil wala naman akong dalang make up or kahit lipstick man lang. Nasa loob kasi ng sasakyan ang lahat ng gamit ko. Bumaba na ako at nakita si Garret na nakaupo na sa lamesa at hinihintay ako. Malaki ang bahay nila pero kagaya rin ng sa amin, tahimik din ito. Pagkaupo ko ng lamesa ay iniabot niya pa ang kanin para sakin. "Where are your parents?" Tanong ko rito sa gitna ng aming pagkain. "Work." Maikling sabi niya. Kaya naman pala tahimik ang bahay nila. "How about your siblings?" Curious kong tanong rito.  Kasing gwapo at ganda niya rin kaya ang mga kapatid niya? "My brother is still at school and my sister is out." Natapos na kami sa pagkain at agad na pinuntahan ang pub.  Pinilit ko kasi itong daanan ang sasakyan na naiwan ko kagabi. Nang marating namin 'yon ay nakita ko pa ang susi sa ilalim ng kotse. "Susundan nalang kita." Sabi nito. "Garret this is too much. I can go home safely. Malapit nalang naman ang village dito." Pagpupumilit ko pero hindi ako nito pinansin.  Sumakay lang ito sa kanyang sasakyan kaya naman wala na akong nagawa kundi ang magdrive pauwi. Si Garret naman ay nakasunod lang sa akin hanggang sa marating namin ang bahay. Pinagbuksan pa ako ni mang Pedring. Nagpaalam na ito ng makapasok na ako sa bahay. "Jas, are you okay? Makakapasok ka na ba bukas?" Tanong ni Ivan ng sagutin ko ang tawag niya.  Naalimpungatan pa ako dahil sa tawag na 'yon. Kahit na gabi na ay nananatili paring masakit ang katawan ko at ramdam ko parin ang pagod. Pakiramdam ko nga ay daig ko pa ang sumali sa marathon eh. "Yeah. Madami ba akong na miss?" Tanong ko rito. Sayang excited pa naman ako sa topic namin ngayon. Hindi bale, bukas ay magka catch up nalang ako. "Not really. Nag re-cap lang about sa kahapon. Teka ano bang nangyari sayo? Okay na ba kayo ni Trystan?" Narinig ko pa ang boses niyang excited. "No. Basta mahabang kwento." Pagiwas ko rito. "E'di i-summary mo..." Pilit niya. "I promise bukas. Makikita mo rin bukas kung ano ang ikekwento ko."  Mas lalo yata siyang nacurious dahil sa huling sinabi ko. Hindi na ito nagpumilit at pagkatapos ay ibinaba na rin niya ang telepono. Nakita ko ang pagdating ng isang message na galing kay Trystan. Hindi ko pa man nakikita ang laman non ay bigla ng dumaloy ang kaba sa dibdib ko. From: Trystan Where are you? Are you okay? Bakit kailangan niyang tanungin sakin 'yon. Dapat nga ako ang magtanong sa kanya kung bakit niya ako pinapaasa ng ganito. Bakit ba kasi ako umaasa. Hay! Pinatay ko nalang ang cellphone ko. Bakit ba ang galing niyang mag panggap na parang wala lang ang lahat ng nangyari? Tsk, Akala ko ba handa kang lumaban sa mga babae niya? Pangaasar ng isang tinig sa ulo ko. Paano naman ako lalaban kung alam kong ngayon palang talo na ako? May girlfriend na siya. Naramdaman ko na naman ang sakit sa dibdib ko. Para bang may mga kung ano doon na pilit pinupunit ang puso ko. Hindi ko yata kayang makasira ng isang relasyon. I don't wanna be a relationship wrecker!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD