Chapter Twenty Three

2241 Words
Chapter Twenty Three Past time Dalawang linggo na ang nakalipas ng huling makita ko si Trystan sa labas ng aviation. Medyo hindi narin nagpaparinig ang grupo ni Brianna. Siguro imbes na isipin ko lahat ng hinaing ko ay mabuti pang ituon ko nalang ang pansin ko sa training. Marami na rin akong nakakasundo sa mga ka batch ko maliban syempre sa mga babaeng mahadera at malalandi. "Let's go to Parissiene,  Jas." Masayang sabi ni Ivanna.  Tapos na kasi ang training namin ngayon. Maaga nga itong natapos kumpara sa mga nakarang araw. Palinga linga ako sa paligid ng makalabas kami ng building at mapadpad sa parking lot kung saan nakapark ang bmw. Bakit ganon? Isang linggo na siyang hindi nagpapakita o kahit man lang magparamdam. Ganoon na ba kasama yung mga nasabi ko sa kanya? Hindi ko naman sinabing hindi na kami pwedeng magkita eh. Ang sabi ko lang hindi niya na ako pwedeng sunduin sa public. Hay! "Jas?"  Tanong ng isang bulto na ngayon ay nasa harapan namin ni Ivan. Pupunta sana kami sa isang boutique ng makasalubong namin ito. "Garret." Bakit parang habang tumatagal lalong nagiging gwapo itong si Garret. Siguro dahil sa new hairstyle niya. "Ahm, Garret this is Ivanna my friend. Ivanna this is Garret my schoolmate." And ultimate crush. Bulong ng utak ko.  Nag handshake ang dalawa at pagkatapos ay muli ng nagsalita si Garret. "Are you free tomorrow?" Aniya. "I guess, but not until my training is finished." Hindi ko rin kasi alam kung anong oras kami matatapos bukas. "Can I just get your number?" Gustong tumutol ng utak ko pero sa huli ay ibinigay ko nalang 'yon sa kanya.  Maybe Garret can help me forget about Trystan just a little. Nagpaalam na ito at tumuloy na kami ni Ivan sa shop. Hindi maalis ang ngiti sa mukha niya na para bang nang aasar. "Where did you find all these hottie Jasmine!" Pabulong na sabi nito ng makapasok na kami. Agad akong pumunta sa isang rack ng mga dresses pero sinundan niya ako doon. "I don't know. Sa tabi tabi." Gusto kong matawa sa sinabi ko. "Nasaan nga pala si Trystan? Hindi ka na niya sinusundo?" Bigla akong kinabahan at napahinto dahil sa sinabi niya. "I don't know." Kibit balikat kong sagot. "Nag away ba kayo?" Kinuha nito sa rack ang isang itim na dress at isinukbit sa kanyang braso. Umupo ako sa couch na nasa loob ng store. Parang gusto kong manghina. "I just told him na hindi pwedeng sunduin niya ako sa aviation and stuff." Napayuko ako. Naramdaman ko ang pag upo ni Ivanna sa tabi ko. "Tignan mo, kung ano anong chismis tuloy ang pinapakalat ni Brianna." Pagpapatuloy ko.  Nakita ko ang sinseridad sa mata ni Ivan bago ito muling sumagot. "Bakit mo kasi pinapansin yung sinasabi ng b***h na yun? I'm sure inggit lang ang mga yun sayo. Why don't you call him? Or surprise him? Baka nagtampo lang yun sa'yo." Suhestiyon niya.  Paano ko naman gagawin 'yon? Ni hindi ko nga alam kung nasaan siya. "Ivan, hindi naman kami eh. Wala ako sa posisyon para surpresahin siya or something." Nakita ko na naman ang pagtaas ng isang kilay niya. "So? What if ikaw naman ang sumundo sa kanya?" Kahit na hindi ito seryoso sa mga sinabi niya ay parang gusto kong gawin 'yon. "Do you think? Hmm hindi ba masyadong awkward?" "Not really. If you really miss him and if you truly love him." Tama siya. Why not take the risk.  Natapos na kaming mamili at kumain. Nagpahatid lang si Ivanna sa bus stop at ngayon nama'y tinatahak ko ang daan papunta sa main building ng Aeroflot. Kahit na hindi ako sigurado kung madadatnan ko ba siya doon ay wala akong pakialam. Siguro nga na offend siya sa mga sinabi ko. Ipinark ko ang sasakyan ng makarating ako sa mataas na building na 'yon. Lumabas na ako ng sasakyan at agad na pumasok dito. Naririnig ko ang pag kabog ng dibdib ko habang patuloy na naglalakad ang mga paa ko. Tinanong ko sa front desk kung tama bang dito ang office ng CEO. Medyo may pagaalinlangan ito ng sumagot. "I have an appointment with Trystan Lewis." Inayos ko ang postura ko at nilakasan ang loob bago masabi 'yon.  Hindi ko naman pwedeng sabihing gusto ko lang makipagkita sa CEO nila. "What company ma'am?" Tanong ng front dest officer sa harapan ko.  Shit, ang dami namang tanong nito. Teka, hindi ba may deal si Kuya at Trystan? "Delaney Worldwide." Taas noong sabi ko. "For a moment Ma'am. Mr. Lewis is still in a meeting." Sabi nito at iginiya ako sa floor kung saan ang main office ni Trystan.  Umupo ako sa isang itim na couch doon. Patuloy parin ang pagdagundong ng dibdib ko. Paano kung hindi niya naman talaga ako gustong makita? Paano kung ayaw niya na talaga akong makita forever? Parang may kung anong kumurot sa dibdib ko ng maisip ko 'yon. Thirty minutes na ang nakalipas pero wala paring lumalabas sa office niya. Bumaba muna ako sa cefeteria na nasa loob lang ng building. Pinindot ko ang elevator pababa doon. Bumili ako ng dalawang hot coffee. Ibibigay ko nalang kay Trystan ang isa. Napangiti ako sa naisip ko. Naghihintay na ako ng elevator paakyat. Ng makasakay na ako doon ay parang naging doble ang kabog ng dibdib ko. Huminga pa ako ng malalim ng marinig ang tunog ng elevator tanda na narating ko na ulit ang floor ng office ni Trystan. Pagbukas non ay may isang pamilyar na bulto ang bumungad sa harapan ko ng bahagya akong makalabas sa elevator. Saan ko nga ba siya nakita? Pinag cross niya ang kanyang dalawang kamay ng makita niya ako kasabay ang pagtaas ng kanyang kilay. Tama siya yung Raffie. Yung nakasalubong namin ni Trystan sa Palesene. "Well well..." Is she talking to me? Nagtaas ako ng tingin para salubungin ang mga mata niya. "Are you visiting your fake boyfriend? Or should I say my boyfriend?!" Nagpintig ang tenga ko sa sinabi niya. Parang nilalamukos ang puso ko. Sino ba siya sa akala niya? At sino ba talaga siya sa buhay ni Trystan?! "Boyfriend?" Tanong ko rito.  Lumapit pa siya sakin. Walang tao sa paligid kaya mas lalo akong kinabahan. Paano kung saktan niya ako? Hindi ko forte ang makipag-away. "Why? Hindi ba obvious? Trystan is my boyfriend and you are just... Just his past time." Diniinan niya pa ang salitang past time.  Huminga ako ng malalim at nagpaskil ng isang pekeng ngiti. "I don't believe you. Maniniwala lang ako kung kay Trystan mismo mang gagaling ang mga yan." Kompiyansang sagot ko.  Nakita ko ang pag ngisi niya at pag ibis sa loob ng elevator. "Then ask him. But I'm sure he is still exhausted after we made a hot steamy s*x in his office." Nananatili ang nakakalokong ngiti niya ng sabihin niya yon.  Bago sumarado ang elevator ay narinig ko pa ang mala bruha niyang pagtawa. Parang nawala lahat ng lakas ng loob ko sa mga sinabi niya. Is Trystan f*****g her like he f****d me? Hindi ko kayang isipin ang mga 'yon. Parang may mga blade na pilit gumuguhit sa puso ko ng paulit-ulit. Nawala ang buong lakas ko para lumakad papasok ng office niya. Parang ayoko ng makita siya. Bakit nga ba ako nandito? Bakit ba may pabili bili pa ako ng kape para sa kanya?  Napahigpit ang kapit ko sa dalawang kapeng nasa magkabilang kamay ko kahit na mainit ang mga 'yon ay parang hindi ako makaramdam ng sakit galing don. Lahat ng sakit ay galing sa dibdib ko. Nakakapasong sakit. "Miss Delaney, Mr. Lewis is ready for you." Narinig ko ang sambit ng babae na nagpabalik sa katinuan ko. Pinipilit kong palakasin ang loob ko at pigilan ang pagiyak.  Jasmine! Kahit ngayon lang, ipakita mo namang malakas ka. Bulong ng isip ko. Kahit na ang sakit sakit ng nararamdaman ko ay sinundan ko nalang ang babae papasok sa office ni Trystan. Anong makikita ko sa loob ng office niya? Bakit para akong naduwag na makita siya. Kumatok muna ito bago binuksan ang pinto para makapasok ako. Nakita ko siyang nakaharap sa kanyang  computer. Ang bilis niya namang magbihis at mag-ayos after ng hot steamy s*x nila nung Raffie na 'yun! "Jasmine?" Gulat na tanong nito ng masulyapan ako.  Sumarado na ang pinto at napuno ng katahimikan ang loob ng office niya. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan niyon. Alam kong noise proof ito. Tapos may pintuan pa sa hindi kalayuan.  Anong meron doon? "I thought it's Jacob." Tumayo na ito at lumapit sakin.  Hindi ko napigilan ang inis ng makita ko ang malawak na ngiti sa kanyang mga labi. This guy is really a player! Nakakangiti pa siya ng ganito matapos niyang hawakan o kung ano man ang babaeng 'yon? Masakit isiping kahit nasasaktan ako ay wala naman akong karapatang magalit o manumbat ng kung ano sa kanya. Kasi in the first place wala namang kami. Pinilit kong magpaskil ng ngiti at iniabot ang cup ng coffee sa kanya. "Thanks. Have a sit." Bumalik na ito sa pwesto niya kaya naman ay umupo ako sa harapan ng kanyang lamesa. "What brought you here?" Tanong nito.  Wow Trys, siguro kung ihahalintulad sa paminta ang puso ko ngayon ay ito yung pamintang durog. As in durog na durog. Bakit nga ba ako nandito? Gusto ko lang naman talaga siyang makita at isurprise pero ako pa yata ang mas na surprise ngayong araw na 'to. "Nothing. I'm just wondering what are you up to..." Napakunot ang noo niya sa sinabi ko.  Right, wala nga pala akong karapatan sa kanya. Wala akong pakialam sa ginagawa niya. "Kung... kung na-offend kita?" Dagdag ko. "I'm not. I'm sorry hindi ko nasabi na nagkaproblema sa aviation kaya sobrang busy ko ngayon." Ngumiti lang ako. "It's okay. You don't have to explain anything."  I'm not your girlfriend.  Gusto kong idagdag 'yon pero hindi na muling bumuka ang bibig ko. "Sige Trys, I'll go ahead." Tumayo na ako at mabilis na tinungo ang pintuan.  Hindi ko na siya hinayaang magsalita pang muli. Nanlalabo na ang mga mata ko. Dali-dali akong pumunta sa elevator. Mabuti nalang at sakto naman ang pagdating nito.  Pumasok na ako sa loob at pinindot ang ground floor. Nakita ko si Trystan na papalapit sakin. Tumulo na ang mga luha ko. Bago pa man siya makapasok sa elevator ay sumarado na ito. Nakita ko sa mga mata niya ang pag-aalala. Pero para saan pa? Nasaktan na niya ako. Hindi ko siya masisisi, hindi ko pinigilan ang sarili kong mahulog ng tuluyan sa kanya. Hinayaan ko siyang magkaroon ng access sa buhay ko pati narin sa sarili ko. Patuloy ang pag agos ng mga luha sa mata ko hanggang sa makasakay na ako ng aking sasakyan. Binuksan ko ang engine nito at agad na tinapakan ang gas dahilan para mabilis na umandar ito. Gusto kong mapalayo sa kanya. Ayoko na siyang makita. Bakit ba pinipilit kong maging parte ng buhay ng isang tao na ni minsan alam kong hindi naman magiging sakin? Sinabi na ni Kuya Jacob na playboy si Trystan pero hindi ako nakinig. Mas pinakinggan ko ang bulong ng puso ko. Kahit na alam kong mali. Nagpadala ako sa utos ng utak at katawan ko. Pinunasan ko ang mga luha ko ng matanaw ko ang village namin. Nagpalit ako ng direksiyon, imbes na pumasok at dumiretso sa bahay ay dumiretso ako sa isang pub. Pagkapasok ko doon ay wala naman gaanong tao. Dumiretso ako sa bar area at um-order ng isang vodka. Tinanggal ko ang coat ko. Masyado kasing pormal ang suot ko para sa lugar na 'to. Naiwan ang aking sleeveless gray blouse na low cut ang sa likod. Binigay ng bar tender ang isang shot ng vodka sa harapan ko at agad kong ininom 'yon. Habang lumalalim ang gabi ay napupuno naman ng tao ang pub. Hindi naman ako masyadong nagpapakalasing. Alam ko naman ang limit ko. Besides, may training pa ako bukas. Siguro ay nakaka limang shot palang ako. Itinuon ko ang mga mata ko sa paligid. Ngayon lang ako nakapunta sa ganitong klaseng lugar. Maya maya'y may tumugtog ng banda sa gilid ng pub na 'yon. Masayang mga tawanan ng tao ang naririnig ko sa kabuuan. Naramdaman ko ang pag-upo ng isang tao sa tabi ko. Sinulyapan ko lang siya. Isang morenong lalaki na hindi katangkaran ang nakita ko. Hindi naman siya gwapo na kagaya ng level ni Trystan pero hindi naman siya kasing pangit ni Crisostomo. Bumaling ito sakin at itinaas ang kanyang shot glass. Tumango lang ako at saka tinungga din ang akin. "May problema ka 'no?" Lapit at bulong nito sa akin. Tumango nalang ako sa sinabi niya. "Do you wanna talk about it?" Bulong niyang muli. Napailing ako sa sinabi niya. Nandito ako para makalimutan ang mga problema ko kahit sandali. Hindi para mag reminisce ng ikakasakit ng puso ko. "No... Let's drink about it." Sabay angat ko ulit ng panibagong shot glass kong may lamang vodka. Lumipas ang oras at ng sulyapan ko ang aking wrist watch ay nakita kong alas diyes 'y medya na. Maaga pa ang training ko bukas. Pwede na siguro akong umuwi tutal hindi naman na namamaga ang mga mata ko at sigurado rin akong tulog na ang mga magulang ko. "I need to go Neo." Nakangiting paalam ko rito.  Tumayo na ako pero nakita ko ang pag alalay nito sa akin. "Are you sure you can drive?" Tanong nito. "Of course. Tsaka, malapit lang ako dito." Nginitian ko siya ulit.  Pero nagpumilit itong ihatid ako. Pinagbuksan niya pa ako ng pintuan ng kotse bago muling nagpaalam. Nagpahinga muna ako sa loob ng sasakyan. Pakiramdam ko kasi ay tinatamaan na ako ng alak. Inihawak ko ang magkabilang kamay ko sa manibela saka himigit muli ng isang malalim na hininga. Bago pa man ako makaandar ay may isang lalaki ang humarang sa harapan ng aking sasakyan. Hindi ko siya maaninag dahil madilim ang parking lot sa pub na 'yon.  Sinuri ko ang kabuuan niya. Alam kong hindi ito si Neo dahil mas maliit ito kumpara sa kanya. What the hell? Bakit siya nakatayo sa way ko? Paano ako aandar? Nang-iinis ba siya?! Ilang minuto ang nakalipas pero hindi parin ito natitinag. Bumaba na ako ng sasakyan para tignan kung sino ang bultong nakaharang sa dadaanan ko. "Long time no see Jasmine..." Sabi nito sa isang nakakapangilabot na boses.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD