Chapter Twenty Two

1965 Words
Chapter Twenty Two Sundo Nagpababa nalang kami ni Trystan sa harapan ng village namin. Masyado na kasi kaming nakaabala kila Jake at isa pa'y naiinis na rin itong katabi ko si Garret. Si Jake pala ay kababata ni Trystan at isa ito sa mga best man sa kasal ng isa pa nilang kaibigan. Nang marating namin ang gate ng bahay ay bigla ng bumilis ang pag t***k ng puso ko. Paano ko haharapin ang pamilya ko? Nagulat pa si mang Pedring ng makita kami ni Trystan na magkasama. "Hija, kay tagal mong nawala nag aalala na ang mommy at daddy mo." Sinulyapan nito si Trystan at sinamahan na kami papasok ng bahay. Nang makapasok na kami sa loob ay nakita ko si Mommy at Daddy na may kausap na mga pulis. "Jasmine oh my God! Where have you been!" Nag aalalang sabi ni Mommy at niyakap kaagad ako ng makalapit ito sa akin. Nakita ko rin si daddy na lumapit sakin. "I'm sorry Mom, Dad. Hindi po ako nakapag paalam ng maayos." Umiiyak na si Mommy. Parang may kumurot sa puso ko. I don't like to see her crying. Tumango lang ito. "You were missing for days Jasmine! What were you thinking?!" Pagalit sakin ni Daddy. "It's my fault Tito Joaquin." Singit ni Trystan. Napalingon ang mga ito na sa gawi niya na parang ngayon lang napansin na kasama ko ito. "Hijo, why are you here?" Naguguluhang tanong nito sa kan'ya. "Kasalanan ko kung bakit hindi nakapag paalam si Jasmine. Ako ang nagyaya sa kan'yang pumunta sa beach pero ng aalis na kami ay biglang dumating ang bagyo. We don't even have a signal to contact you." Pagpapaliwanag niya. Bumuntong hininga muna si Daddy bago tumango. Alam kong naiintindihan niya ang nangyari at alam ko ring malaki ang tiwala nito kay Trystan. "I'm sorry Dad." Niyakap ko siya. "Pinag alala mo kami ng Mommy mo. Don't scare us again okay?" Malumanay ang boses na sabi nito. Nagpaalam na ang mga pulis na nasa bahay kanina. Nagpaalam narin si Trystan kila mommy at inihatid ko na siya sa labas ng bahay. Tumawag nalang ito ng taxi, ayaw niya narin kasing magpahatid at makaabala kay Mang Pedring. "Thank you again Trystan." Sabi ko rito. Lumapit ito sa kinatatayuan ko at hinalikan ako sa noo. Napangiti ako sa ginawa niya. "Get some rest." Yun nalang ang tanging nasabi niya bago siya sumakay ng taxing nasa harapan namin. Kumaway pa ako rito bago muling pumasok ng bahay. "Sinong kasama mo?" Tanong ni Kuya Jacob. Ngayon lang kasi siya nakababa. Ang sabi ni Mommy ay nasa office niya ito at busy sa mga paperworks. "Si Trystan." Kinakabahang sagot ko rito. Nakita ko ang pag tiim bagang ni Kuya ng banggitin ko ang pangalan ni Trystan. "Napapadalas na yata ang pagkikita niyo ah." Puna nito sa'kin. "Where have you been?"Dag-dag tanong pa nito. "Sa resort nila sa batangas. Coastal Paradise." "Kuya..." Hindi na ako pinatapos nito. Gusto ko lang sanang mag sorry sa kan'ya pero umalis na ito sa harapan ko kaya naman nagkibit balikat nalang akong umakyat sa kwarto ko. Ganito naman talaga si Kuya Jacob, Kapag galit siya ay hindi na siya namamansin. Kahit na sanay na ako sa ganoon ay hindi parin mawala sa dibdib ko ang kaba at lungkot. Hindi bale, bukas ay ipagbe-bake ko nalang siya para mawala ang inis niya sa'kin. Pagkahiga ko sa kama ko ay bigla akong nakaramdam ng pagod kaya naman nakatulog na ako. Ito na ang araw na simula ng aming training. Sa mga nakalipas na araw ay binabalewala ko nalang ang pagtatampo ni Kuya. Kahit na sinusungitan parin niya ako ay alam kong ano mang oras ay magbabati narin kami. Sa ngayon ay gusto ko nalang mag focus sa training kaya nama'y maaga palang ay nagising na ako para maghanda. Excited narin akong makita si Ivanna. Napangiti nalang ako ng maalala ko siya. Kinuha ko na ang bag ko at umalis ng bahay gamit ang bmw. Pagkadating ko sa Aviation ay agad kong natanaw si Ivanna. "Ivan!" Masayang bati ko rito ng makababa na ako ng sasakyan at makalapit sa kanya. "Jas!" Niyakap niya ako. "Oh my God, I miss you..." Kahit na hindi pa kami ganoon katagal magkakilala ay parang ang gaan gaan talaga ng loob ko sa kanya. "I miss you too, and you owe me a long explanation." Crap, oo nga pala. Isang tango nalang ang naisagot ko sa kan'ya. Magkasabay na kaming pumasok sa loob. Halos lahat parin ng mga tao sa building na 'yon ay nakatingin sakin. Ewan ko ba pero parang nanunuri ang mga mata nila. Pumasok kami ni Ivanna sa isang room at doon kasama namin ang mga natanggap din sa trabaho. Nakita ko pa sa aking peripheral vision ang aura ni Brianna. Bakit ba tuwing nakikita ko siya'y nagiinit ang dugo ko. Maya maya pa'y dumating na ang isang matangkad na babae na posturang pustura. Medyo may edad na ito pero maganda parin ang kanyang pangangatawan at kutis. Nagpakilala siya bilang isang senior flight attendant. Halos lahat ng nasa loob ay namangha sa ganda niya. "I'm Vale Mauricio and this week I'm in charge for teaching all of you the fundamentals of social etiquette, personal grooming and passenger handling skills." Maluwag ang ngiting sabi nito. Natapos ang mga oras na nakikinig lang kami at syempre ang pag nonotes ng mga bagay na sinasabi ni Ms. Vale. Exciting ang araw na ito, kahit pinapasadahan lang namin ang mga topic ay mas lalo akong naeexcite sa mga susunod pang araw. "Thank you guys! See you again tomorrow!" Pagtatapos na bati nito. Nagsilabasan na kami ng room. Kasama ko ngayon si Ivanna. Tama siya, marami akong dapat ipaliwanag sa kanya. Dapat kong linawin na hindi naman kami ni Trystan at hindi ko rin alam kung magkakaroon ng kami sa future. Napahinga ako ng malalim sa naisip ko. I gave myself to Trystan for the second time, yet we are not even together. Napalitan na nga yata ang pananaw ko sa buhay simula ng makilala ko siya. "So where are we going Jas?" Nakangiting tanong ni Ivanna na nagpaputol sa mga iniisip ko. "I know a coffee shop nearby." Nakangiting sagot ko rin sa kanya. Papalabas na kami ng building ng Lewis aviation ng may makita akong lalaking naka sandal sa labas ng aviation. He's wearing a dark blue jeans paired with a white shirt and a leather brown sneakers. Yung mga kamay niya'y nasa loob pa ng kanyang mga bulsa. Gusto ko sanang hilahin si Ivanna papalayo pero huli na. Nakita na kami nitong papalabas ng building. "Si Sir Trystan ba yun?!" Patiling hiyaw ni Brianna na nagpakulo ng dugo ko. Bakit ba kasi ganun nalang palagi ang reaksiyon niya tuwing makikita niya si Trystan? Pwede naman niyang sarilinin nalang yung opinyon niya. Nakita kong naparolyo ang mata ni Ivanna sabay sulyap sakin at ngumiti. "What?" Kibit balikat kong tanong. "Sundo mo." Nakita ko pa ang bahagyang ngisi sa mga labi niya. "Bakit naman niya ako susunduin?" Hinawakan ko si Ivanna ng makita kong papalapit sa direksiyon namin si Trystan. Pinilit ko pang maglakad papalayo sa kanya pero huminto si Ivanna at hinarap ako. "Jas, I think it's time to annoy someone. Sige ka, baka si Brianna ang sunduin niyan." Pang-aasar niya. Nagpintig ang aking tenga sa narinig ko. Oh hell no! Makipagdate na siya sa lahat wag lang kay Brianna b***h! Mali, hindi. Ayaw ko. Basta. "Oh my God! Hi Mr.Lewis!" Nagha hyper ventilate pang sabi ni Brianna pero nakita kong nilagpasan lang ito ni Trystan kasabay ng paglapit samin ni Ivan. "Let's go." Halos malaglag pa ang panga nito ng makita niyang hinawakan ni Trystan ang kamay ko. "Trys..." Huli na ng sabihin ko 'yon. Umalis na kami sa harapan ng mga ka batch ko. Lahat sila ay halos na estatwa sa ginawa ni Trystan maliban kay Ivan na nag thumbs-up pa sa akin at tinaasan ng kilay si Brianna. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sa ginawa niya. Pero kasi isang malaking issue na naman ito. "Trys, you can't do this whenever you want." Pagalit ko sa kanya ng makasakay na kami sa kanyang maserati. "Do what?" Umibis na ang sasakyan paalis sa parking lot. "Yung pagsundo sakin. Yung makita tayo sa public." Napalingon lang ito sa akin bago muling ibinalik ang mata sa kalsada. "Tsaka, saan ba tayo pupunta?" Nakakainis talaga siya. "I'm hungry." Bale walang sagot nito. "Then eat. You can eat without me." Nakita kong napa tiim bagang siya at hindi na muling nagsalita. Ano ba 'to! Feeling ko tuloy kasalanan ko na naman dahil sa dami ng mga nasabi ko. Kasi naman eh, kaya nga naimbento ang cellphone para makontact ang isag tao. Pwede naman sana siyang magtext nalang na magkita kami kung saan. Nakarating na kami sa Palesene. Parehas lang kaming tahimik habang kumakain. "How's your training so far?" Tanong nito pero hindi man lang ito sumulyap sakin. Napahinto ako sa pagkain at tinignan siya. "Okay lang. Exciting." Sagot ko. "Trys bakit mo ba ginagawa 'to?" Muling tanong ko sa kanya. "I just want to see you." "You're my boss Trystan." This time nakita ko na ang matalim niyang mga mata na napatitig sa akin. "Besides, hindi mo naman ako girlfriend para sunduin sa kung saan man." Pakiramdam ko'y bumigat ang dibdib ko sa mga huling sinabi ko. "Right, I'm sorry." Sagot niya. Matapos naming tapusin ang pagkain namin ay inihatid na ako nito sa bahay. Hindi na rin ito pumasok, umalis na ito simula ng makababa ako ng sasakyan. Bakit parang nalungkot ako? Ano ba kasing pumasok sa isip ko at nasabi ko ang mga 'yon? Hay! Pumasok nalang ako sa bahay at dumiretso sa kwarto ko. Mabuti pa ay magrereview nalang ako ng mga diniscuss ni Ma'am Vale kanina. Panibagong araw na naman at as usual maaga parin akong nakarating sa aviation. Nakita ko ang pagpasok ni Brianna sa silid kasama ang dalawa pang babae doon. Wala parin si Ivan, nasaan na kaya siya. Wala tuloy akong makausap. "At least hindi ako sumisipsip sa boss ko." Pagpaparinig ni Brianna na agad namang sinang ayunan ng dalawa pa niyang kasama. What the heck? Are they talking s**t behind my back? "True ka diyan Brianna." Sabi pa ng isa. "Well knowing the CEO, he's really a playboy." Napapikit ako sa narinig ko. "Baka gusto lang ng one night stand." Nagtawanan pa ang mga ito. Huminga ako ng malalim at pinaalalahanan ang sarili kong maging kalmado. Mabuti nalang at biglang pumasok si Ivan. Nakakunot ang noo nito ng makita ang itsura kong naiinis. "Are you okay?" Bulong nito ng makaupo sa tabi ko. Inayos niya pa ang mga gamit siya at bumaling mulit sa akin. "This B, b***h is talking behind my back." Nakita ko ang pag taas ng kilay niya at ang paglingon sa mga babae sa likod. Napatigil ang mga ito. Paano ba nahire ang mga babaeng ganito ang ugali. Being a flight stewardess, you must be friendly not flirty. "Don't mind them. They didn't know the whole story. Ano nga ba ang story ninyo?" Nakangiti ng sabi nito at bahagya pang itinukod ang kanyang mga siko sa desk dahilan ng kanyang pagkalumbaba. "Walang kami Ivan. I don't know. He said he likes me and that's it." Pagpapaliwanag ko. Napatuwid ito ng upo. "Well at least he likes you." Kumindat pa ito para i cheer ako. Nilakasan niya pa ang pagkakasabi niya ng huling salita para marinig ng mga babae sa likuran. Napatawa nalang kaming dalawa. Pagkatapos ng lecture ay maayos lang naman ang lahat. Next week ay meal service procedures, including food and wine appreciation courses naman ang tatalakayin namin. Niyaya ko si Ivanna na mag coffee pero may pupuntahan daw ito. Pagkalabas namin ng building ay kinabahan ako ulit. Paano kung nakaabang na naman si Trystan at susunduin ako? Baka kung anong chismis na ang ikalat ni Brianna at ng mga kakosa niya about samin. Huminga ako ng malalim at nilinga ang paligid. Nagpaalam na si Ivanna sakin. Nang makalabas na ako ng tuluyan ay bigla naman akong nakaramdam ng lungkot ng hindi ko nakita ang aura ni Trystan. "I told you girl, one night stand lang." Nagtatawanan pa ang mga bruha bago umibis ng kinatatayuan ko. Compose yourself Jas! Bakit sa sinabi nila'y parang naapektuhan ako? One night stand, s*x lang ba talaga ang habol ni Trystan sakin? Naglakad na ako papunta ng sasakyan. Parang gusto kong umiyak dahil sa sikip ng nararamdaman ko. Hindi ba ito naman ang gusto ko? Ang hindi niya ako sunduin. Ang hindi siya magpakita sa akin sa public. Pero bakit parang ang sakit at ang lungkot ng wala siya? Kumawala sa mga mata ko ang ilang mga butil ng luha ng makasakay na ako sa kotse.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD