"WHAT WAS THAT?" tanong ni Ashley kay Jeremy. Agad-agad niyang tinawagan ito nang makaalis siya sa mansiyon. "Ang alin?" ani Jeremy. "What you did with Ada. Sinadya ba ninyong dalawa iyon? How pathetic! Halata namang nagpapapansin lang kayong dalawa." "At kanino naman kami magpapapansin, sa iyo?" Ashley rolled her eyes. "You're trying to make me feel jealous, Jeremy. Hindi ako tanga para hindi ko mahalata," aniya. She heard Jeremy chuckled. At nainuslto siya ro'n. "Tuloy ang agreement natin, Jeremy. And I want you now. Puntahan mo ako rito ngayon sa unit ko. "You need to make me happy para mawala ang inis ko sa iyo," aniya. "Hindi ako pwede ngayon," tugon ni Jeremy. "And why not? Hindi pa ba kayo tapos sa paglalampungan ni Ada? Pumunta ka na rito o isesend ko na sa kaniya ang video."

