The next morning, gano'n pa rin ang ginawa ni Andrew. Malambing niyang ginising si Ada. "Mahal," aniya. "Almusal na ulit." Niyuyugyog niya ang balikat ni Ada. Kumunot ang kaniyang noo nang maramdaman ang mataas na temperatura ng katawan ng dalaga. Inilapat niya ang kamay sa leeg at noo nito. May lagnat nga si Ada! "Mahal," muli niyang wika. Mabilis niyang inalis ang mga tali ng kamay ni Ada at pinahiga iyon sa kaniyang kandungan. "Bakit mainit ka? Napaano ka?" nag-aalalang wika niya. "Andrew, masakit na ang dibdib ko. Kailangan ko nang padedehin si Ethan," nanghihinang tugon ni Ada. "Pauwiin mo na ako, parang awa mo na." "D-dahil ba sa dibdib mo kaya nilalagnat ka?" tanong ni Andrew sa dalaga. Tumango si Ada. "Please, Andrew," aniya. Bumuntong hininga si Andrew. "Hindi pwede," aniya.

