"GISING NA, mahal," wika ni Andrew habang marahang niyuyugyog ang balikat ni Ada. Nagmulat naman ng mga mata ang dalaga. Ngumiti si Andrew. "Nagrerespond ka na sa mahal na tawag ko sa iyo, ah," aniya. Tiningnan siya nang masama ng dalaga. Natawa siya. "Hay naku, ang bilis talagang magbago ng mood ng mga babae," aniya. "Bumangon ka na para makapag-almusal na tayo." "Hindi ako kakain!" tugon ni Ada. "Kailangan mong kumain, mahal. Hindi ka pa kumakain mula nang dumating tayo rito. Sigurado akong gutom na gutom ka na." Kinuha nito ang tray na may lamang mga pagkain. "Pasensya ka na at hindi ako nakapagluto. Nag-drive-thru na lang ako. Hayaan mo, mamaya, ako na mismo ang magluluto. Ipagluluto kita ng specialty ko. Namana ko pa iyon kay Lola." Akmang susubuan niya si Ada ngunit iniiwas nito an

