At lumipas nga ang maghapon, walang umuwing Ada. Alalang-alala na ang mga nakakakilala sa dalaga- ang mga kaibigan nito at kaklase, higit sa lahat, si Jeremy. At hindi lang kay Ada sila nag-aalala kundi pati kay Ethan. "Ano ang gagawin natin, Jeremy? Kanina pa iyak nang iyak si Ethan. Hinahanap na niya ang mama niya at ubos na rin ang gatas na naiwan ni Ada," tanong ni Nina habang pinapatahan si Ethan. "Bilhan na lang kaya muna natin si Ethan ng gatas, Yaya? Kaysa naman magutom siya," tugon ni Jeremy. "Pwede naman. Kaya lang ay hindi sanay ang sikmura niya sa formula milk. Baka sumakit ang kaniyang tiyan," nag-aalalang wika ni Nina. "Hindi iyan, Yaya," ani Jeremy. Nilapitan ni Jeremy si Ethan at kinarga ito. "Huwag kang mag-alala, baby Ethan, ha?" aniya. Inatasan niya si Nina na kumuha

