"HELLO!" Sinagot ni Jeremy ang tawag ni Mang Danny. Hindi niya alam ngunit bigla na lamang siyang kinabahan. Sa loob ng limang araw na paghahatid-sundo nito kay Ada ay ngayon lang ito tumawag sa kaniya. "Sir Jeremy, wala ho si Ma'am Ada," sumbong nito sa kaniya. "Wala? Ano'ng wala?" aniya. Kaagad nag-panic ang kaniyang kalooban. Napatingin siya kay Nina na nakikinig sa kanilang usapan. "Susunduin ko na ho sana si Ma'am Ada. Kaso wala na siya rito. Bumalik ho ako sa mansiyon kasi ang akala ko ay nag-commute na lang siya, pero wala pa siya ro'n. Pagkatapos bumalik ho ako ulit dito sa university, wala pa rin siya. Nagtanung-tanong na po ako sa mga estudyante pati sa guard at iisa lang ang sinasabi nila- isang estudyante na nagngangalang Andrew ang huling nakita nilang kasama ni Ma'am Ada.

