"Hi, Ada!" bati ni Andrew sa dalaga. Iiwas sana si Ada ngunit hinarang niya ito. "Gusto ko lang ibigay ang cellphone mo," aniya. "Nahulog mo nga sa may palayan." "Salamat," tugon ni Ada matapos tanggapin ang cellphone. Nagpatuloy siyang maglakad ngunit hinarang siya ulit ni Andrew. "Please, Andrew," aniya. "Oh, akala ko ba hindi mo na ako iiwasan?" nalulungkot na wika ng binata. "Akala ko rin," tugon ni Ada. "Pero kasi Andrew, hindi ko gusto ang nangyayari kapag pinapansin kita. Ngayon nga, ilang araw nang hindi umuuwi si Jeremy sa mansiyon. Ayaw niya akong kausapin. Hindi kinakaya ng konsensya ko na dahil iyon sa sumama ako sa iyo." "Hindi mo naman kailangang makonsensiya dahil inako ko na nga ang nangyari, 'di ba? Ako ang may kasalanan. Hindi ba iyon maintindihan ni Jeremy? Pinipilit

