"I TOLD YOU SO, tatamaan ka rin ng pana ni Kupido kahit ano'ng iwas mo," wika ni Jake nang malaman nito ang tungkol sa relasyon ni Jeremy at ni Ada. "Malalim nga ang pagkakapana, bro. Napuruhan ako," nangingiting tugon ni Jeremy. "Hindi naman halata. Noon pa man, nakikita na namin na espesyal si Ada sa iyo. You never treated any woman the way you treat her. Kaya hindi na ako nabigla sa pag-amin mo. This is just a confirmation. Congratulations, bro!" Ngumiti si Jeremy at nagpasalamat. "Paano, kailan ka magpapatali?" "Kung pwede lang, as soon as possible. Pero hindi pa pwede. Nag-aaral pa si Ada. Gusto kong matupad muna niya ang kaniyang mga pangarap. I don't wanna cage her in. Gusto kong maranasan niya muna ang mga bagay na normal na nararanasan ng mga babaeng kagaya niya bago ko siya

