"Ano'ng nangyari?" tanong ni Alexa kay Ada. "Sabi ko naman sa iyo," ani Ada. "Iyon nga ang iniisip ng mga tao." Napabuntong hininga siya. "Pakiramdam ko, magiging mas komplikado lang ang lahat ng bagay pagdating ng araw. Ngayon pa nga lang, marami na ang hindi natutuwa. Hindi ko gusto ito." "Ayan ka na naman. Nag-o-overthink ka na naman. Bakit kasi feelings ng iba ang iniitindi mo? Feelings n'yo ni Jeremy ang importante rito." "Iyon na nga. Iniisip ni Jeremy na okay ako sa mga desisyon niya, pero hindi. Hindi naman sa paggawa niya kay Ethan na tagapagmana niya ako sasaya. Simple lang naman ang gusto ko. Okay naman na ako na nandiyan siya para sa amin. Sobra na nga iyon sa sapat." "Let him be, Ada. Pero kung ayaw mo talaga, ipaintindi mo sa kaniya kung bakit. Pero para sa akin, wala nam

