Pagtingin ni Jeremy sa dereksyon na pinanggalingan ni Ada, nagkasalubong ang mga mata nila ni Ashley. Sa puntong iyon ay may ideya na siya sa nangyari. Bago pa siya makalapit Kay Ashley ay sinalubong na siya ni Alexa. Halata niya sa mukha nito ang panggigigil. Hinarang niya ito. "Alexa, ano ang nangyari kay Ada?" tanong niya sa kaibigan ng dalaga. "Hay naku, Jeremy! Katakut-takot na pang-aalipusta lang naman ang natanggap ni Ada mula sa bruhang nagngangalang Ashley na iyon." Turo nito kay Ashley. Napalunok naman si Ashley at nag-iwas ng tingin kay Jeremy. "Tinawag niya ng kung anu-ano si Ada- linta, mukhang pera, oportunista, mambubudol, at kung anu-ano pa. Kung hindi lang ako pinigilan ni Ada, baka nilampaso ko na ang Ashley na iyan sa sahig. At hindi ko talaga siya titigilan hangga't h

