The next day, hindi pumasok si Alexa. Nagkaroon daw ito ng emergency. Mag-isang naglalakad si Ada habang pinapadalhan ng mensahe si Jeremy na sunduin na siya pauwi. Napahinto siya sa paglalakad nang may makitang isang pares ng paa ang nakatayo sa kaniyang daraanan. Alam niyang sinadya ng may-ari ng mga paang iyon na harangin siya. Nag-angat siya ng tingin. Kung hindi siya nagkakamali, iyon ang estudyanteng nakita niya noon sa may engineering department na nakatingin sa kaniya noong unang araw niya sa unibersidad. Tinitigan niya ito. Ipinahayag ng mga mata niya ang tanong kung ano ang pakay nito. "Andrew Fuentevilla," anito sabay abot ng kamay sa kaniya. Bilang hindi naman siya kung sino, tinanggap niya ang kamay ng lalaki. "Adalia Mendoza," tugon niya. "Ada for short." "Shall we walk?"

