Culinary arts ang napiling kurso ni Ada tutal mahilig siyang magluto. Ngayon ay pangarap na niyang magkaroon ng sariling restaurant pagdating ng araw. "Kapag nagkaroon ka na ng sariling restaurant at nagbukas iyon, ako dapat ang unang customer," wika ni Jeremy sa kaniya habang nagmamaneho ito. Ihahatid-sundo raw siya nito araw-araw hanggang sa makapagtapos siya tutal ay dalawang taon lang naman ang gugugulin niya sa kolehiyo. "Syempre naman," tugon niya. "At habangbuhay kang makakakain nang libre sa restaurant ko." Ngumiti siya. "Pagbutihin mo ang pag-aaral, Ada. I'm rooting for you," wika pa ni Jeremy. "Gagawin ko ang best ko," pangako niya. "Ayaw kong biguin ka. Kahit ang makapagtapos man lang ang maisukli ko sa lahat ng binibigay at ginagawa mo para sa akin at kay Ethan. Alam ko na

