Hindi maipaliwanag ni Ada ang nararamdaman nang makita sa ganoong tagpo sina Jeremy at si Nina. Nangilid na lang ang kaniyang mga luha at masaganang bumagsak ang mga iyon. "Ada!" bulalas ni Nina nang sa wakas ay mapansin siya. Parang bigla na lang kasing nagkaroon sila ng anak ng sariling mundo. "Okay na kayo?" nanginginig ang boses na wika ni Ada. Jeremy smiled and nodded. "Yes, baby. Okay na kami ni Nanay." "Nanay?" ulit ni Ada. "She prefers to be called nanay than mommy." He chuckled. Sinenyasan niya ang nobya na lumapit. Umupo si Ada sa kaniyang tabi. Hinawakan niya ang kamay nito. "I wanna thank you, baby, kasi kung hindi dahil sa iyo baka pinangunahan na ako ng galit ko. Maybe this moment won't happen if it weren't you," aniya. "Maraming salamat, Ada," wika naman ni Nina. "Ngay

