CHAPTER 54

2061 Words

"Inay? Ano ho ang sinasabi no'ng babae sa bayan kanina? No'ng Laura ba iyon? Ano'ng may anak si Nanay Nina? Hindi po ba matanda siyang dalaga?" usisa ni Mabel sa inang si Pilar pagkauwi nila sa bahay. "Hay naku, Mabel. Napakatsimosa mo naman," ani Pilar. "Personal na problema iyan ni Nina. Hindi tayo dapat nakikialam." Napaismid si Mabel. "'Nay, curious lang ako. Kayo ho ba hindi naku-curious? Hindi ba ang sabi no'ng babae, nabuntis no'ng Don Ismael si Nanay Nina noon? Tapos 'di ho ba si Jeremy lang naman ang nag-iisang anak no'ng Don na iyon. Ibig sabihin ho ba..." "Oo, pinsan mo si Jeremy kapag nagkataon," tugon ni Pilar. "Ano ba iyan! Sana naman hindi," aniya. Nabatukan siya ng ina. "Aray, 'Nay!" "Tumigil ka na, Mabel, ha. May pinag-aralan ka kaya mag-isip ka. Higit pa riyan, kung

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD