Panay paikot ng mata si Ashley. Halos isang oras na silang naghihintay kay Andrew na dumating. Lumamig na lang ang mga pagkain na inihain ng mommy niya. "Gutom na ako, Mom. Baka naman pwede na tayong kumain kahit wala ang Andrew na iyon. Pagkagising ko, hindi na ako kumain at dumeretso na ako rito dahil akala ko pagdating ko, kakain na tayo." "Sige, anak, kumain ka na lang," wika ni Teresa na halatang umaasa pa rin na darating si Andrew. "Kumain na lang tayo," wika naman ng ama ni Ashley ni Victor. "Hindi na darating si Andrew. Sige na Teresa, umupo ka na. Kaysa naman masayang itong mga hinanda mo." Sumunod naman si Teresa. "Umasa naman kasi kayo masyado sa Andrew na iyon. Kailan pa ba iyon tumupad sa usapan? Ewan ko ba sa inyo kung bakit paulit-ulit ninyo siyang binibigyan ng pagkaka

