Nag-aagahan si Leandro nang maagaw ang kaniyang pansin ng business page ng binabasang diyaryo. Nasa litrato si Jeremy De Vera, ang nag-iisang anak ng katunggali niya sa negosyo noon na si Don Ismael. At ang babaeng kasama nito sa negosyo... Pamilyar ito sa kaniya. "Adalia Mendoza?" aniya nang makompirma na si Ada nga iyon. At ang batang hawak ni Jeremy, iyon na ba ang anak ni Ada? Si Jeremy De Vera ba ang ama ng anak nito? Binasa niya ang article at nakompirmang anak nga ni Ada ang bata, ngunit hindi iyon anak ni Jeremy De Vera. Ngunit ibinigay na di umano ni Jeremy ang apelyido nito sa bata at ginawang tagapagmana. Big time pala ang nakapulot kay Ada. Napahigpit ang hawak niya sa tasa ng kapeng hinihigop. Sa kaniyang nalaman ngayon, mas umigting ang pagnanais niyang makuha ang bata. S

