Sa sobrang inis ay sinuntok ni Andrew ang pinto, dahilan upang magkasugat at dumugo ang kaniyang kamay. Lalo niya pang hinigpitan ang pagkakakuyom ng kaniyang mga palad. He swears, mapapatay niya talaga si Ashley. And he doesn't care kung kapatid niya pa ito. She totally ruined everything. And it's his biggest mistake to put his trust on her. Naalala niya ang baril na nakatago sa maliit na cabinet na nasa kaniyang kwarto mismo. Kinuha niya iyon at walang pagdadalawang-isip na binaril ang siradura. Kaagad namang nasira ang lock niyon at mabilis siyang lumabas ng kwarto. Kumaripas siya ng takbo palabas ng bahay papunta sa kaniyang sasakyan. "I'm gonna kill you, Ashley. You better drive fast," gigil niyang wika. Binuhay na niya ang makina ng kaniyang sasakyan at pinaandar iyon. Ngunit wala

