"Tsk! Anong ginagawa nila?"
Banas na tinapon ni Cale ang sigarilyo sa lupa at tinapakan ito. Nakatayo siya sa gilid ng isang booth malapit sa Kart Route at tinatanaw si Raven at Dash. Nakita niya ang ginawa ni Raven kanina kay Dash. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan pa talagang tutukan ito ng baril para lang ayain dito sa amusement park.
Hindi kaya ay nadiskubre ni Raven ang mga bata niya na nakaabang kay Dash?
"Malas," sinipa niya ang basurahan sa gilid at naglakad palayo.
Dinukot niya ang cellphone sa bulsa at may tinawagan. Isang ring lang at sinagot kaagad nito ang tawag niya.
"Umalis na kayo diyan kung ayaw niyong kayo ang mabugbog ni Raven," utos niya sa mga ito.
"Pero boss," aapela pa sana ito pero naputol na ang manipis na pasensya ni Cale at sumigaw.
"Kung gusto niyong mamatay bahala kayo!" natahimik ang lalaki sa kabilang linya. "Sa susunod na makahanap ako ng tyempo, tuloy ang plano." huling sabi niya at binaba ang tawag.
Tinanaw naman siya ng matanda na nagbabantay sa booth na iyon at sinamaan ng tingin. Pailing-iling nitong tinayo ang natumbang basurahan at kunot noong nilinis ang kumalat na basura.
"Mga kabataan talaga ngayon..."
NAPALINGON si Dash sa isang booth na may matandang naglilinis. He could've swear that he felt someone staring at them from that direction. Ngunit wala naman siyang nakitang taong kahina-hinala.
Kibit balikat na itinuon niya ang pansin sa mga kart na nasa harapan nila. Naglalaro ng race ang mga ito at nasa pinakahuli siya. Ang bagal naman kasi mag-drive nitong si Raven. Parang matandang takot kunin ng liwanag.
Kanina pa siya nababagot. Wala namang interesente sa lugar na ito. Lalong lalo na walang interesente sa pakikipag-date sa babaeng ito. Date ba kamo? Date? Date ba ito? Ganito ba ang ibig sabihin ng babaeng ito sa salitang date?
Ah, what a pain. Gusto na niyang umuwi at matulog. O kaya ay magbasa ng libro o kausapin ang alaga niyang si Fiona.
"Are you okay?"
Nilingon niya ang babae na tila nag-aalala sa kanya ngunit hindi niya makita sa mukha nito o narinig man lang sa tono ng dalaga. Tumango siya, wala siyang gana magsalita.
Ilang minutong katahimikan ang naghari sa pagitan nila. Nakatingin lang si Dash sa mga kart na masayang minamaneho ng mga taong nag rent niyon.
"I don't want to drive fast because you are with me," biglang ani nito.
May pumutok yata na kung ano sa loob niya. Naramdaman niyang halos lahat ng dugo niya sa katawan ay parang may meeting na nagtagpo sa magkabilang taenga niya. Napahawak siya sa dibdib kung saan nandoon ang parte ng internal organs niya na tumitibok. Abnormal na yata ang katawan niya, ang bilis ng t***k ng puso niya eh.
Napansin ni Raven ang pananahimik ni Dash kaya lumingon ang dalaga sa binata. Para itong inatake sa puso dahil hindi gumagalaw at nakahawak lang sa dibdib. Hindi maintindinan na Raven ang nangyayari, pero kalmado pa rin siya.
"Anong nangyayari sayo?"
Parang bumalik ang kaluluwa nito sa katawan at natauhan. Sa gulat ni Raven ay lumingon ito sa kanya na may mabangis na mata. Napakasama ng titig ni Dash sa kanya, kulang nalang ay maglabas ito ng kutsilyo at isaksak sa kanya.
Anong problema nito? May nagawa ba siyang hindi nito nagustuhan? Hinawakan niya ang baba at nag-isip. Wala siyang maalalang ginawa maliban sa pagsasalita. O baka may nasabi siyang masama?
Umiling si Raven. Mga lalaki talaga. Wala siyang maintindihan kahit isa sa mga ugali ng mga ito. Sa totoo lang lahat ng tao sa paligid niya hindi niya maintindihan. Given na iyon dahil may sakit siya sa parte ng utak niya.
"Stay away from me," nanghihinang ani nito. "Stay the f**k away from me!"
Wala siyang maintindihan sa tono nito pero isa lang ang alam niya, may balak itong tumakas sa kanya. Nilabas niya ang revolver na nakatago sa ilalim ng school uniform skirt niya at itinutok sa ulo nito.
Mabilis na naiangat nito ang mga kamay sa ere. "Putangna ano na naman ba?!"
"Stay by my side or you'll die,"
Hindi pa alam ni Raven kung nakaalis na ba ang mga lalaking iyon. Hindi niya alam kung ano ang dahilan ni Cale at balak nitong bugbugin si Dash. Pero hindi niya hahayaang mapahamak ang lalaking ito. She swear it on her life.
"Nasisiraan ka na ng bait,"
Kibit balikat lang ang tugon niya at muling binalik ang baril sa hita niya. Tumalon siya sa kart at tinignan si Dash, hinintay niyang umalis ito sa kart dahil plano niyang sumakay ng Ferries Wheel.
Sumonod ito sa kanya ng walang sali-salita. Pasulyap sulyap siya dito habang patungo sila sa booth. Tahimik lang si Dash kagaya kanina, pero mas tahimik ito ngayon. Gusto na ba nitong umuwi?
Tinignan niya ang oras, ala-sinco pa ng tanghali. Medyo napatagal ang paglalaro niya doon sa sports kart. Wala naman na siguro ang mga tauhan ni Cale. Pumihit siya sa kabilang direksyon kung saan patungo sa exit ng amusement park.
Nagtataka si Dash dahil lumabas kagaad sila sa park kahit isang rides lang naman ang nasakyan nila. Pero hindi na siya nagsalita pa at tahimik na sinundan si Raven hangang sa dumating sila sa sakayan ng bus.
Uuwi na siguro sila. Sinulyapan niya muna si Raven at siniguradong pauwi na talaga sila bago naglakad paalis. Pero napahinto siya sa boses nito, akala niya ay hindi nito napansin ang pagalis niya.
"Saan ka pupunta?" tanong nito sa kanya habang nakatalikod pa rin.
"Uuwi na," sagot niya.
"Oo, uuwi na, kaya nga nandito tayo ngayon kasi ihahatid kita," ani nito sabay lingon sa kanya. "Alam mo naman siguro ang mangyayari kapag sinuway mo ako,"
Kumunot ang noo ni Dash, "Hindi na ako bata para ihatid mo, at lalong hindi ako bakla para magpahatid sa isang babae. Kaya ko na mag-isa," saad niya sabay talikod dito, "Salamat nalang," may pagka-sarcastic na dugtong niya.
Nagsimula na siyang maglakad nang wala siyang marinig na tugon mula kay Raven. Ilang minutong katahimikan ang naghari sa paligid ni Dash, nakayuko lang siya sa kanyang dinaraanan at hindi pinapansin ang mga taong nakakasalubong niya.
Pero napansin niyang may pares ng sapatos na sumasabay sa paglalakad niya. Si Raven.
"Sabi ko hindi ko kai—"
"Your life is in danger," putol nito sa sasabihin niya, "Everyone in the underworld knows that an outsider discovered the secret arena, and they are hunting you down."
Underworld. Secret arena.
"Are you joking?" lumingon siya dito para tignan ang ekspresyon ng mukha ngunit kagaya ng nakasanayan na ay blanko lamang ang ekspresyon nito.
Hindi sumagot si Raven. Isang malamig na titig lamang ang naging tugon nito na parang nagsasabing, 'marunong bang mag-biro ang mukhang ito?'
Naunang maglakad si Raven, mabilis ang bawat hakbang nito ngunit tipid at maingat. Sinundan niya ang dalaga hangang sa dumating sila sa bahay nila. Teka, paano nito nalaman kung saan siya nakatira?
Huminto si Raven sa tapat ng gate at humarap sa kanya.
"I don't know why does my heart keeps beating erratically when you're near," ani nito na siyang nagpagulat sa kanya. Nabilaukan siya sa sariling laway, seryoso ba ito?
"Your life is in danger, but as long as I'm living you are under my protection. I have yet to unfold the mysteries of how my body reacts to you. Good night, Gregorio."