In the next day, Dash arrived in class with bruises and dirty uniform. His classmates quickly got intrigued and approaches him, ngunit nilampasan lang niya ang mga ito at dumiretso kay Raven na kampanting naka-upo at nakatingala sa kanya.
"So this is what you mean that my life will be in danger," he gritted his teeth and glared at the woman before him, "Those sly sons of a b***h,"
Hindi na nagulat pa si Raven sa nakita. She expected it na gagalaw kaagad si Cale kahit pa binalaan na niya ito. Ano ba kasing plano ng lalaking iyon?
Sinuri niya si Dash mula ulo hangang paa. Surprisingly he was not badly injured. Madumi ang uniform at magulo ang buhok ni Dash, ang bag nito na nakasabit sa balikat ay puno ng alikabok. May dugong dumadaloy mula sa noo nito pababa sa pisngi, isang black eye at medyo may karamihang gasgas mula sa braso.
Tumayo si Raven at hinila si Dash sa kwelyo. "Let me bring you to the infirmary,"
Sinulyapan niya si Cale nang malampasan nila ito, nakayuko ang lalaki at nagkukunwaring tulog.
Nang makalabas sila ng classroom ay binitawan niya ang kwelyo ni Dash at binigyan ito ng panyo.
"Itampal mo sa noo mo. Baka patay ka na bago pa tayo umabot sa clinic ng school,"
Tinangap naman ng huli ang blue and white checkered na panyo. He must have been hit in the head, but Raven was surprised to see him standing firmly. Habang naglalakad sila papuntang infirmary ay naisip ni Raven na baka ay nakuha na ni Cale ang gusto nito.
Sigurado siyang may nalaman itong hindi niya alam. Pero nagkibit balikat na lamang siya, it is not her business anyway. Her only business was to keep this man beside her safe.
Pagdating nila sa clinic ay gulat na gulat ang nurse na sumalubong sa kanila. Sino ba kasing hindi magugulat kung duguang tao ang bubulaga sa iyo sa umaga? Inasikaso kaagad nito si Dash, pagkatapos linisan ang sugat sa noo at lagyan ng lunas, sinunod nito ang mga gasgas.
Naghanap si Raven ng ice bag at nilag iyon ng ice cubes tapos ay inabot kay Dash. Dinampi-dampi ng huli ang ice sa kaliwang mata nito na may black eye.
Pagkatapos lagyan ng lunas lahat ng sugat ni Dash, doon na nagtanong ang nurse. Raven knows that Dash don't know what excuses he will give to the nurse so she beat him to it.
"Nasagasaan ng bike papunta dito," tipid na ani Raven. Binigyang pansin niya si Dash, "Ang tanga mo,"
Hindi na nagtanong pa ang nurse at sinabing pwedeng dumito muna si Dash at magpahinga. Huling sulyap ang binigay niya sa binata bago ito iniwan at bumalik sa kanilang classroom.
"HOW was he?" bungad ni Cale.
Nilingon siya ni Raven, "Alive,"
Natawa si Cale at napailing. Titig na titig si Raven sa kanya. Trying to read his mind and solve the puzzle on why on earth would he do that to one of his friends. Because after all, Cale was the one who approached Dash first and offered friendship.
Kumunot ang noo ni Raven. Why would people befriend each other and then betray them after?
She really don't understand people.
"Be careful Raven," biglang sabi ni Cale matapos tumawa, "You're may be taking care of a snake,"
This time, it is Raven's turn to laugh. Na siyang ikinagulat ni Cale. Ang tawa ni Raven ay matamlay, walang laman, at walang buhay. Kinilabutan si Cale sa kadahilanang hindi niya maintindihan.
"Be careful Cale, what you did may backfire at you,"
Isang malakas na bell ang tumunog hudyat ng pagsisimula ng klase. Bumalik sa katinuan si Cale at umupo sa kanyang silya. Just now, he just witnessed another side of Raven. Raven the brain, that's what they call her. Not because she's intelligent, but because she has a lot of information from the people around her.
Umiling si Cale nang may na-realise. He underestimated Raven, hindi siya makapaniwalang nakalimutan niya ang bansag nila sa dalaga. Ang bansag na siya mismo ang gumawa.
Pagkatapos ng klase ay dumeritso si Raven at Cale sa clinic kung nasaan nagpapahinga si Dash. Cale looked like a hundred percent worried over Dash when in the first place he was the one who planted those injuries into Dash's body.
Unbelievable. How could someone act like they did nothing wrong to the person they just recently hurted? Raven placed her hand on her chin and shook her head. This is purely unbelievable.
Napansin siya ng dalawa na umiiling-iling. Nagkatinginan ang mga ito, si Cale ay natatawa habang kunot noo naman si Dash. Sa isip ng huli, nabubuang na talaga ang babaeng nasa harap niya.
"Sasamahan ka na namin ni Raven pauwi, Dash," alok ni Cale. Napalingon siya dito at umiling.
"Salamat pero huwag na kayong mag-abala pa. Kaya kong maglakad," tangi niya.
"No, I insist. I felt responsible dahil siguradong ang underworld ang may kagagawan nito. Pasensya ka na at nadamay ka pa sa gulo ng mundo namin,"
Raven listened to them quietly. Nakakamangha si Cale dahil kung walang alam si Raven sa nangyari at kung ordinaryong teenager lang siya ay papaniwalaan niya ang lalaking ito. Bumaling siya kay Dash and she observed the man's expression.
Wala ng nagawa ang huli at nanahimik nalang.
Raven and Cale escorted Dash on his way home. Nakakahiya naman kung hindi niya papasukin sa pamamahah niya ang dalawang nag-abala pa talagang samahan siya pauwi.
"Pasensya na kayo at medyo maliit ang bahay. Dalawa lang kasi kami ng pinsan ko dito," ani niya habang nililigpit ang kalat sa salas, "Ito talaga si Latina ang kalat!"
"Latina?" takang tanong ni Cale, "Babae ang kasama mo dito?"
"Oo, pansamantala lang naman habang hindi pa nakakahanap ng malilipatan ang babaeng iyon,"
"Ilang taon na iyon?" tanong muli ni Cale.
"Ahh, sa tingin ko nasa mga seventeen?"
Ngumisi si Cale na parang may binabalak, napansin iyon ni Dash kaya inunahan na kaagad niya ang lalaki.
"May boyfriend na iyon," bagot na saad niya.
Gulat na napanganga si Cale, "Ano?! Ang aga naman yata nag boyfriend?!"
Natapos na sa pagliligpit si Dash dahil tinulungan din siya ni Raven. Nginisihan niya si Cale at pabagsak na umupo sa sofa sabay nag cross legs at lagay ng braso sa backrest ng sofa.
"Mahal niya eh,"
Umupo na rin si Cale, "Pag-ibig nga naman," iiling iling na ani niya, "Sayang, hindi pa naman sana nagkakalayo ang agwat ng edad namin, tsk, tsk!"
"Gago to oh,"
"Hmmm, mahal?" sabay na napalingon ang dalawa nang magsalita si Raven na kanina pa nananahimik, "Ano yun?"
It's Dash's turn to drop his jaw. Hindi siya makapaniwala sa narinig mula sa bibig ni Raven. Tawa naman ng tawa si Cale sa reaksyon niya.
"Anong ibig sabihin mo? Hindi mo pa ba nararamdaman mag-mahal?"
Raven's eyes reeks of innocence as she looked at Dash. "What is love?"
Napa-face palm si Dash. He can't believe a woman doesn't know about love. Sa mga ka-edad nila ngayon ay ang dami ng mga ex-boyfriends o girlfriends! Pero ang babaeng ito, ni walang ka ediya-ediya sa salitang love!
Tinapik siya ni Cale na hindi pa tapos sa pagtawa. Mag gusto itong sabihin ngunit hindi nito kayang pigilan ang sariling tawa. Nang kumalma na ito ay saka palang ito nagsalita.
"May sakit kasi iyan sa utak," nakangising saad ni Cale.