Chapter 8

1165 Words
Pagkatapos ng kanilang klase ay wala na siyang pasok para sa araw na iyon kaya uuwi nalang siya para magpahinga at magbasa ng libro. Hindi niya na napansing bumalik si Cale sa klase kanina, una dahil wala naman siyang pakealam, pangalawa ay mas gugustuhin niyang mawala sa paningin niya ang mga ito. Wala siyang balak na ipahamak pa ang sarili niya dahil nakikipag-usap siya sa mga gangster na iyon. Isa pa ito si Raven, titig ng titig sa kanya 'e wala namang interesante sa mukha niya! Kung hindi lang talaga siya naiilang dito ay matagal na niya itong kinumpronta. May nadaanan siyang book store pauwi sa kanila kaya naisipan niyang sumaglit muna at baka may makita siyang magandang libro. Ngayon niya lang napansin na may book store pala sa lugar na ito. Kadalasan kasi ay nagco-commute siya pauwi at ngayon niya lang naisipang maglakad. Hindi lang pala libro ang binebenta dito, may mga gamit din pang decorations sa library. The items we're beautiful, but he is not interested. Sa nakikita niyang signage sa labas ng store ay second hand books ang binebenta nila. So some of the items we're damaged. But not severely. Mga bente minuto lang ang inilagi niya sa loob at lumabas siyang walang dala. Inayos niya ang salamin habang naglalakad pauwi. Hindi naman malayo ang bahay nila, mga fifteen minutes walk lang galing sa University. Palingon lingon siya sa paligid, naghahanap ng interesenting bagay ngunit wala siyang makita. Disappointed, he sighed and look up to the sky while still walking. Hindi mawala sa isip niya ang nangyari sa underground arena. Hindi siya makapaniwalang may mga tao pala talagang halang ang kaluluwa. Mahiwaga nga ang mundo, may mga bagay na hindi mo pa alam ngunit alam na ng ibang tao. May mga pangyayari na hindi inaasahan at hindi maiiwasan. Katulad ngayon. Yumuko si Dash sa kanyang sapatos ngunit hindi lang ang sa kanya ang nakita niya. May isang pares ng sapatos din ang nakahinto sa harap niya. Mabuti nalang at mabilis siyang tumigil bago pa siya mabanga sa taong iyon. Inangat niya ang ulo para sana humingi ng pasensya dahil klaro naman na may kasalanan din siya kung bakit muntik na silang magkabanga, ngunit imbis na mukha ng isang tao ang sasalubong sa kanya, nguso ng baril ang nakatutok na ngayon sa noo niya! "Pasensya ka na kung binigla kita dito," saad ng boses ng isang babaeng pamilyar talaga sa kanya. Pati ang tono nitong hindi akma sa sinasabi nito! Naramdaman niya ang nguso ng baril na mas diniin nito sa noo niya. Tinignan niya ang mukha ng babae, si Raven! "H-hoy, ano to?!" takot na tanong niya habang nakataas sa ere ang dalawang kamay. "Anong balak mo?! Atsaka, saan ka ba galing nitong shotgun ha?! How can you roam around freely while wielding this gun?!" "There's really no one around," sagot ni Raven. "Dash, can I ask you something?" Gustong agawin ni Dash ang baril pero baka paputukin ito ng babaeng may maluwag na turnilyo ata sa utak. Hindi pa siya sira para isakripisyo ang sarili niyang buhay! Bahala na, makikipag-cooperate siya sa sirang babaeng ito! "A-ano ba yun ang kailangan pa may nakatutok na shotgun sa noo ko?" kinakabahang tanong niya. Maraming posibilidad na tanong ang lalabas mula sa bibig nito. Ngunit wala siyang panahon para isipin pa ang mga iyon dahil natataranta na siya sa sobrang takot. Sino ba kasing hindi matatakot kung may nakatutok na baril sa ulo mo?! Kulang nalang maihi siya sa pantalon niya, pinipigilan niya lang kasi mas nakakahiya iyon! Bumuka ang bibig ni Raven para magsalita, tinutukan niya iyon ng mabuti para mas mabilis siyang makagawa ng sagot at posible ay mga sinungaling na sagot sa magiging tanong nito. Malay ba niya na baka personal na detalye niya ang itatanong nito, na hindi talaga niya basta basta ibibigay sa kahit na sino. Kahit pa sa babaeng ito. "Pwede ba kitang yayain na mamasyal sa amusement park?" Tila yata nabingi siya sa narinig. Kinalikot niya ang taenga at bakasakaling may nakabarang dumi ngunit malinis naman dahil kakalinis niya lang ng taenga kaninang umaga. "Are you asking me on a date?" "Yes," Teka, teka, teka, panaginip ba ito? Sinampal niya ang sarili, natural nasaktan siya dahil hindi naman ito panaginip! Tested and proven na, may sira talaga sa ulo ang babaeng ito. Binaba niya ang dalawang kamay. Lahat ng muscles niya sa katawan ay nag-relax, hindi katulad kanina na kulang nalang ay pumutok ang ugat niya sa leeg. Nilagay niya sa kanyang isang kamay sa bulsa ng pantalon at humalumbaba. "Paano kapag tumangi ako?" Ang sunod na narinig niya ay nagpayanig sa hindi lang buong pagkatao niya kundi pati kaluluwa. Pinutok nito sa gilid ng ulo niya ang baril, tinamaan ang poste sa likod niya. Umuusok pa ang nguso ng shotgun nang idiin ito ng babae sa noo niya. "s**t! s**t! Ang init!" "Bibigyan kita ng limang segundo para makapag-paalam sa mahal mo sa buhay," walang emosyong saad nito at kinasa ang baril. Mabilis niyang binalik sa ere ang dalawang kamay sabay sigaw ng, "Oo na! Sige na! Sasama na ako!" Satisfied na binaba ni Raven ang shotgun. Nakahinga siya ng maluwag nang makitang naglakad si Raven sa isang sasakyan at may lalaking naka-suit ang tumangap ng baril. Nag-bow muna ang lalaki bago pumasok sa sasakyan at pinaharurot ito palayo. Dahan dahang naglakad si Dash para sumibad, wala na ang baril ng sadistang babae kaya wala siyang dahilan na sumama pa dito sa amusement park na sinasabi nito. Hindi pa siya nakalalayo nang makarinig siya ng pagkasa ng baril. Automatic na naitaas niya ang dalawang kamay. Seriously?! Ilang baril ba ang tinatago ng babaeng ito?! "Don't try to escape or else..." sinadya nitong putulin ang sasabihin. ANO ba kasing pumasok sa utak ng babaeng ito at naisipan nitong makipag-date sa kanya sa pangbatang lugar na ito? O kung date ba talagang matatawag itong ginagawa nila. Kulang nalang ay hilain ng lupa ang labi ni Dash sa sobrang simangot niyon. Kunot na kunot ang noo at nagtatagpo na ang kilay. Wala siyang ibang ginawa kundi sundan si Raven na palakad lakad lang sa malaking amusement park. Balak ba nitong libutin ang buong lugar? Kung walang trip ang babaeng ito sa buhay hindi na sana ito nandamay pa ng inosenteng tulad niya. Maraming tao sa lugar, puno ng tawanan at kulitan. Kahit normal na araw ay punong puno pa rin ang amusement park. Huminto si Raven sa isang malaking sports version kart. May lumapit na staff sa amin at nagdemonstrate bigla kung paano gamitin ang sasakyan. Kasya ang dalawang tao, may nakita pa akong couples na dumaan sakay ng kart at may ruta itong sinusunod. Sa gulat ko ay sumakay si Raven sa sports kart. Sa pwesto pa ng driver, sabay lingon sa akin na parang sinasabi niyang 'sumakay ka kundi mamamatay ka.' Kahit wala naman talaga akong nakikitang ekspresyon sa mata at mukha niya. No choice, buhay ko ang nakataya kaya sumakay ako kahit labag sa loob ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD