Chapter 7

1121 Words
Isang subject lang ang klase ni Dash sa araw na ito. Ito ang ikatlong araw niya sa University. And so far, marami na ang nangyari. Naghihintay nalang sila sa kanilang prof habang may kanya-kanyang ginagawa ang iba. Nagkunwari siyang busy sa pagbabasa ng libro at ilang beses na inayos ang kanyang salamin. Sa kamalas-malasan ang klase niya ngayon ay ang subject kung saan kaklase niya ang dalawang pinagplanohan niyang iwasan. Nararamdaman niya ang pasulyap sulyap ni Cale sa kanya at nandito na naman ang mga titig ni Raven sa mukha niya. Kung hindi na niya kayang pigilan ang sarili ay aangilan na niya ang dalawang ito. "Iniiwasan mo kami," Napatalon siya sa gulat at muntik ng mahulog sa kanyang upuan dahil sa biglaang pagsasalita ni Raven pati na din sa sinabi nito. Nilingon niya ito ng may nanlalaking mata dahil sa gulat. "Kung magsasalita ka give me a warning first para hindi ako magulat," pasangkalye niya dito. Tumango si Raven. "May sasabihin ako," at sinunod nga nito ang sinabi niya! "Iniiwasan mo kami," Kumunot ang noo niya dito at umiwas ng tingin. "Nagtatanong ka ba? Ayusin mo ang tono mo, hindi ko maintindihan ang sinasabi mo," Totoo. Hindi talaga niya alam kung nagtatanong ba ang babae o simpleng sentence ang binibigkas nito. Wala kasi itong tono magsalita, walang laman at parang patay. Sinundan niya ito ng tingin nang bigla itong tumayo at nilapitan ang nagulat na si Cale. "Paano iyong tono?" Hindi siya makapaniwala sa narinig niya mula sa bibig ni Raven. Nagpipigil naman ng tawa si Cale. Seryoso ba ang babaeng ito? Nagtatanong ba talaga siya kung paano ang tamang bigkas ng may tono? Saan ba galing si Raven? Mukha itong kakalabas lang sa lungga nito at walang alam sa mundo! Kung iisipin, ang galing ng mga galaw nito kagabi. Malinis at professional. Kung kilos ang pagbabasehan pasado ang dalaga, pero kapag nagsasalita na ito ay isang mabigat na bagsak! Wala! Walang laman o tono lahat ng lumalabas sa bibig nito! Tinignan niya ang mukha nito kung talagang seryoso ba talaga ito. Ngunit pati mukha ng dalaga walang emosyon! Malinis na ang mukha nito ngayon, wala na ang piercings nito sa taenga at mukha at wala itong nilagay na kahit anong pampaganda. Ibang iba ang Raven na nakikita niya dito sa University kesa sa nakita niya kagabi. Kung hindi niya ito kilala ay hindi niya mamumukhaan ang dalaga. Dumating ang kanilang prof at bumalik si Raven sa sariling upuan. Nagsimula na ang klase ngunit ang katabi niya ay tila lutang. Iniisip ba nito kung paano magsalita ng may tono? Sa kalagitnaan ng klase ay napansin ni Dash ang biglaang pagkawala ni Cale. Walang ibang nakapansin na pumuslit ito. Isinawalang bahala niya nalang kung saan man nagpunta ang kaklase at itinoon ang pansin sa nagaganap na klase. BUMUGA siya ng usok at pinitik ang upos na sigarilyo, saktong pumasok ito sa loob ng basurahan na nasa tapat niya. Tinignan niya ang lalaking nakapamulsang papalapit sa kanya. Nakasuot ito ng pang opisina. Sa pagkakaalam niya ay wala naman itong pasok sa araw na ito. Ano na naman kaya ang trip ng lalaking ito? "Yo, Yuujin." bati niya dito. "Anong meron? Akala mo kung anong importante ang sasabihin mo para pilitin akong mag cut ng klase ah. Ang hirap pa namang pumuslit kanina!" Huminto ito sa tapat niya at nginisihan siya. "Hindi naman masyadong importante. Let's just say out of curiosity." ani nito. "At ngayon lang ang day-off ko sa trabaho, pagbigyan mo na, may pinapakain akong pamilya eh," "Ulol, wala kang pamilya, gago," natawa si Yuujin sa turan niya. "Anong curiosity? Curious ka kung paano ako nag cut sa klase? Kademunyohan mo, Yuujin!" "Easy there, Cale," Inangilan niya lang ito at kumuha ulit ng panibagong stick ng sigarilyo. Sinindihan niya iyon at humithit, binuga niya ang usok sa pagmumukha ni Yuujin. Hindi naman nag-react ang huli at tinaboy ang usok gamit ang palad. "Ano ba kasing kailangan mo? Alam mo namang ayaw na ayaw kong nadidistorbo sa klase." "Mukha mo, palagi ka ngang bagsak eh!" Pinandilatan niya ito ng mata. Kaya nga bumabawi siya ngayon dahil ang hirap kumuha at ipagsabay ang napakaraming subjects. Idagdag mo pa ang mga laban nila sa arena na hindi nila basta basta kayang tangihan. Syempre, kwarta na nga ang papasok, pagsasarhan pa ba nila ng pinto? Hindi naman sa naghihirap sila. Sadyang hindi lang nila tinatangihan ang grasya. "Cale, magtapat ka nga sa akin," natuon ang pansin niya dito dahil sa wakas ay nagseryoso na ang gago. "Bakit mo pinapunta ang lalaking iyon sa underground arena? Alam mo ba kung anong gulo ang ipinasok mo sa buhay ng lalaking iyon, Cale?" Mukhang seryoso na talaga ang isang ito. Tinapon niya ang sigarilyo at inapakan. Isang tao lang naman ang alam niyang tinutukoy ni Yuujin. Sa totoo lang ay inaasahan na niyang magtatanong ito sa kanya kaya kahit nasa kalagitnaan ng klase ay pumuslit talaga siya para dito. Nasa isang iskinita sila malayo sa University na pinapasukan niya, mabuti nalang at dala niya ang motor niya kaya hindi siya nahirapan papunta sa lugar na ito. "Dash Gregorio," bigkas niya sa pangalan ng kaklase. "Transfer student, mabait sa unang tingin at tahimik. Mukhang matalino at maraming alam sa mundo. Isang lalaking biglang sumulpot sa kalagitnaan ng second semester," Lumingon siya sa kasama ng may nakapaskil na ngiti sa mukha. "Hindi ba ay nakakapagtaka?" Napaisip si Yuujin. Hindi niya alam na trasferee pala ang lalaking iyon. Inobserbahan niya ang mga kilos nito kagabi, para lang itong isang normal na taong baguhan sa mundong nasaksihan nito kagabi at isang estudyante na nag-aalala sa kaklase. Normal naman ito, ngunit may punto si Cale. "Hindi natin alam ang nilalaman ng isip ng isang tao, Yuujin." ani Cale. "Maaaring kaibigan mo nga ako, pero pinapatay na pala kita sa isip ko," "Nakukuha ko ang ibig mong sabihin," "May kakaiba sa kanya, hindi ko mawari kung ano kaya sinubukan ko siyang dalhin sa arena. Papapasukin ko siya sa mundong ginagalawan natin, dahil may kutob akong hindi normal na college student ang lalaking iyon." "Siguraduhin mo lang na walang mapapahamak, Cale. Lalong lalo na si Raven," babala ni Yuujin. Naiintindihan ni Cale ang concern ni Yuujin para sa pinsan. Pero wala itong dapat na ipag-alala. Kung antas ng lakas lang naman ang pag-uusapan, mas lamang ng isang paligo si Raven kesa dito. Ngunit naalala niya ang sinabi nito kagabi na ginamit daw ni Raven ang armas nito laban sa kanya. Chains, huh? Natawa si Cale. "Don't be naive, Yuujin," pang gagaya niya sa sinabi nito kay Dash kagabi. "Sa mundong ginagalawan natin, wala sa bokabolaryo ang salitang ligtas dahil lahat tayo nakabaon na sa lupa ang isang paa."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD