Chapter 6

1304 Words
Nanindig ang balahibo niya sa ginawa ni Cale. Hindi niya aakalaing makikita niya ng harapan ang mukha nitong tila kayang makipag-p*****n. Ang mukha nito kanina habang lumalaban. Nilunok niya ang bara sa lalamunan at hinawi ang kamay nitong nakadiin sa balikat niya. "Uuwi na ako," Hindi siya nito hinayaang makaalis. Isang kumpas lang ng kamay nito ay humarang ang mga kasamahan ng lalaki. Natigilan siya. "Hindi pa nagsisimula ang palabas, be patient," bumalik sa dati ang ekspresyon ni Cale. Nakangiti na naman ito ng mapaglaro at pumwesto sa railings tsaka doon sumandal. Inakbayan ako ng isang lalaki na kasamahan niya at hinala papunta kung nasaan si Cale. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya sabay alis nitong brasong nakaakbay sa balikat ko. Hindi na ako nagawang sagutin ni Cale dahil bigla na namang umingay ang buong arena. Natuon ang pansin naming lahat sa gitna kung saan may bente kataong pinalilibutan ang isang babaeng nakaitim na cape. Hinubad nito ang hood at tumambad ang mukha ni Raven. Kung hindi dahil sa puti nitong damit ay hindi niya ito makikilala. Raven have different make up on. Napakaitim ng lipstick nito at singkapal nito ang eyeliner. Kinilabutan siya sa mga piercing nito. May dalawang piercing ito sa left eyebrow, isang nose piercing na may tila kadena at nakakonekta sa piercing nito sa mga labi. Isali mo pa ang apat na piercing sa right ear nito at dalawa naman sa left side. PARA ITONG TAONG TINUBUAN NG ALAHAS! Napangiwi siya, ang dumi tignan ng mukha ng dalaga. Hinubad ni Raven ang coat at tumambad ang damit nito na suot kanina. Ngunit may dumagdag, mga kadena. Pinasingkit niya ang mata upang aninagin ang mga ito. Ang kadena ay nakakonekta sa mga daliri ng dalaga paitaas sa braso nito. Hindi niya alam kung gaano kahaba ngunit sigurado siyang nakatago ang hindi pa nangangalahating kadena sa loob ng damit nito. Narinig niyang tumawa ng malakas si Cale sa tabi niya. "Sinusuot lang ni Raven ang mga kadenang iyan upang balaan ang kalaban niya," ani nito. "Tama ka, armas ang mga iyan. Ngunit kahit kailan hindi ko pa nakikitang ginamit iyan ni Raven." Ang mga kadenang iyon, sigurado siyang mabigat ang mga ito kahit tila maliliit na kadena lamang ito. "Hmm... I've actually seen her use one of the chains, that chain on her point finger. She used it to fight me," napalingon sila sa lalaking biglang tumabi sa kanila ni Cale. Nakangisi ito at puno ng amusement ang mukha. "Yuujin!" bati ni Cale dito. "Napadaan ka?" Yuujin? Sino na naman ang lalaking ito? Kasamahan nila? Pasimple niyang sinuri ang lalaki. Nakaplain v-neck t-shirt ito na gray ang kulay, broad shorts na military green at puting sneaker. Para itong namamasyal sa mall tapos naligaw sa lugar na ito. "I heard may laban ang kapatid ko," nakangiting sabi nito habang nakatitig sa ibaba ng arena. Isa pa ito, nahuhulaan na niya sa mga ngiti ng lalaking ito na magkaibigan silang dalawa ni Cale. Kapatid? Napalingon siya kay Raven na naghihintay kung sino ang unang susugod sa kanya. May kapatid ang babaeng ito? Lumingon si Cale sa kanya. "Huwag kang maniwala diyan, Dash. Pinsan 'to ni Raven," sabi nito. "Shut up, Cale." Hindi na niya magawang makinig pa sa usapan ng dalawa dahil nagsimula na ang laban. Unang sumubok na patumbahin ang dalaga ay isang lalaking payat na may dalang matulis na kutsilyo. Tumatawa pa ang tukmol habang umaabante, wala namang reaksyon si Raven na pinanood ang lalaking mukhang tanga. Ngayon niya napatunayang hindi totoong may hitsura ang mga gangsters sa mga nakikita niyang palabas. Ang isang 'to na wasiwas lang ng wasiwas sa kutsilyo ay mukhang patpatin na kahit bata kaya itong patumbahin. Smooth na umiiwas si Raven sa mga atake nito at nang makakuha ng tyempo ay umikot siya sa likod ng lalaki at hinampas ang likod ng leeg nito. Pabagsak itong natumba at nawalan ng malay. Hindi man lang pinagpawisan si Raven. Sabagay, warm up palang iyon. Halos hindi magkamayaw ang mga tao sa pagsigaw at pagwawala. Narinig niya kanina na tinawag ng MC si Raven na King of the Arena. Kahit babae ay king pa rin ang tawag sa kanya. Patuloy pa ring nag-uusap ang dalawa sa gilid niya. May kasama pang tawanan na tila wala silang pakealam na nakikipaghabulan si Raven kay kamatayan. Sinulyapan niya lang ang mga ito at muling nagpokus sa laban. Kanina ay paisa-isa pa silang sumusugod sa dalaga, ngunit napagtanto ng mga kalaban na mas tataas ang tyansang manalo sila kapag sabay-sabay silang susugod. Napahigpit ang kapit ni Dash sa railings. Anong gagawin mo ngayon, Raven? Kakayanin ba nito ang ganyan karaming kalaban? Kinakabahan siya sa mangyayari. Ngunit ang dalawa sa gilid niya ay parang walang pakealam na baka mamatay si Raven dito. Ang lalakas pa ng tawa ng mga tukmol. Kunot na kunot ang noo niya sa pinaghalong inis at pag-aalala. Umiiwas si Raven sa mga atake. May mga galaw itong parang gymnastics ang dating. Ilang beses itong tumambling patalikod para umiwas. Nag split tapos ay iniangat ang sarili para paikutin ang mga binti at tinapid ang mga kalaban. Sa mabilis na kilos ay pinatulog niya ang mga ito at umayos ng tayo. Bente nalang ang natira. Wala siyang nakitang gasgas man lang o dumi sa damit ni Raven. Malinis pa rin ang puting t-shirt at pantalon nito. Pati ang addidas na sapatos nito ay mukha pa ring bago. Mas dumoble pa ang ingay sa arena. Wala siyang maintindihan sa mga sinisigaw ng mga tao, pero isa lang ang sigurado siya. Mananalo si Raven sa gabing ito. Matapos niyang makita kung gaano kasimple para dito na pabagsakin ang halos sampu katao, naging panatag ang loob niyang makakalabas ng buo at walang gasgas ang babae. Nakaramdam siya ng tapik sa balikat niya. Paglingon niya ay nakangisi si Cale sa kanya na parang sinasabi nitong, 'You underestimated our King.' "Tch!" Ang mga kalaban ni Raven ay may kanya-kanyang dalang armas. Kanina pa siya walang nakikitang naglabas ng baril, siguro naman pati baril ay pwedeng ipasok dito. "Bawal magpasok ng baril dito," biglang sabi ng lalaking nasa likod niya. Isa ito sa mga kasamahan ni Cale. "Pwede kang magdala ng kahit na anong armas pero ipinagbabawal ang baril dahil maingay kapag ginagamit. Maaari kaming marinig sa itaas kapag ganoon," "Tama siya, Dash," sabat ni Cale. "Hindi naman sa hindi kami marunong gumamit o kaya ay wala kaming mga baril, sadyang nag-iingat lang kami dahil illegal itong ginagawa namin." Tama. Illegal ang ganitong gawain, pero kahit talaga bawal ay nagagawan pa rin ng paraan. Hindi na magawang makasagot ni Dash sa kanila dahil sa kanyang napansin. May binunot mula sa bewang nito ang isang kalaban at itinutok kay Raven. Baril! "Akala ko ba bawal ang baril dito?!" pasigaw na tanong niya kina Cale na napansin din ang dalang armas ng lalaki. Kalmadong ngumiti lang si Cale at natawa pa ang katabi nitong si Yuujin. "May nakakapuslit talaga kahit gaano pa kahigpit ang seguridad dito," "Don't be naive, Dash. This is illegal, do you expect that everyone will follow the arena's rules?" natatawang tanong ni Yuujin sa kanya. Kumuyom ang kanyang kamao, nasa tono nito ang pang-iinsulto. At paano nalaman ng lalaking ito ang pangalan niya? Hindi siya nagsalita at muling itinuon ang pansin sa nagaganap na laban. Ilang putok ng baril ang yumanig sa paligid na siyang nagpatahimik sa mga taong nandito. Binigyang pansin niya ang galaw ni Raven, impossibleng maiwasan niya ang mga bala! Bigla niyang naalala ang mga sinabi ni Cale sa kanya kahapon. "May mas cool pa kay Raven kesa sa talino niya," Impossible it may seem, but Raven was still standing toughly and not even a scratch was made by the enemies. So, this is the Raven they we're so proud of.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD