Chapter 5

1242 Words
"I knew you'd come!" Tinalikuran niya ito. "Oo, at uuwi na din ako." Wala na siyang dapat pang asahan sa lugar na ito. Ang mga tao dito ay hayok sa labanan. Mga brutal at walang kinakatakutan. Paano niya dadalhin ang sitwasyon kung gayong wala siyang kaalam alam sa maaaring mangyari sa kanya? This is purely insane. Humarang si Cale sa harap niya na may panunuyang ngiti. "Huwag kang lalabas kung gusto mo pang mabuhay." Cale's voice was dark, so dark that made him took a step backwards. Dumagdag pa ang aura ng buong enerhiya sa takot niya. Tinitigan niya ng husto ang lalaki. He was standing there confidently, looking straight at his eyes like he was reading his soul. Tumindig ang balahibo niya. Nahihirapan siyang huminga! The man just threatened his life! "Joke lang, ano ka ba!" biglang bawi nito sabay tawa. Nawala ang kakaibang ngiti ng lalaki at tinapik pa siya sa balikat. "Kung gusto mo ng umuwi, patapusin mo muna ang laban namin para masamahan ka namin palabas." Nilunok niya ang bara sa lalamunan. "Why would I listen to you?" "Because no one gets out of here alive tonight." sagot nito at walang sabi-sabing naglakad palayo. Susundan niya sana ito ngunit pag lingon niya ay bigla nalang itong nawala. Wala siyang nagawa kundi maghanap ng komportableng pwesto at manood. Natapos na ang laban na inabutan niya, lahat sila sugatan ngunit wala namang nabawian ng buhay. Pero ang pinsalang tinamo nila ay sobrang lala na kapag hindi inagapan kaagad ay maaari silang maubusan ng dugo at mamatay. Draw ang resulta ng laban. Halatang hindi satisfied ang mga manonood sa nangyari, base sa naririnig niya ay hindi lang illegal na laban ang nagaganap dito kundi pati na rin pustahan. Malaking halaga ng pera ang ipinupusta ng mga tao dito. Hindi lang ito kuta ng mga underground fighters. Dito rin nagsusunog ng pera ang mga mayayamang tao. May iilan siyang nakitang mukha ng mga politician, mga sikat na taong mayaman, at iilan ay halatang mga estudyante pa. Hell is empty, indeed. Hindi niya alam na may ganitong lugar pala. Hindi niya alam na possibleng totoo pala ang mga nakikita niya sa pelikula. Tinakpan niya ang bibig at pinigilan ang sariling masuka. Kakaiba ang amoy sa loob. Nagkahalo-halo na ang pawis at body odor ng mga tao, idagdag mo pa ang nakakasukang baho ng dugo na natuyot na.  Paano nasikmura ng mga taong ito ang ganito kabahong lugar? Hindi yata siya magtatagal dito ng isang oras pa. Nagtaka siya dahil biglang tumahimik ang mga tao. Nakatuon na ang kanilang pansin sa gitna ng arena, sa ibaba kung saan ang mga kalahok ay nagpapatayan. Lumingon siya sa ibaba at doon nakita niya ang mga pamikyar na mukha. Mahigit kumulang labing limang kalalakihan ang nakatayo sa gitna, nasa unahan niya ang dalawang taong sa tingin niya ay ang lider ng groupo. Isang babae at lalaki, si Raven at Cale. Nakaitim silang lahat. Maliban kay Raven na mula ulo hangang paa ay puti ang suot.  "Let's welcome our best gang in this arena, the Spiders!" Sigawan ang naghari sa paligid. May mga taong nagwala at tila hindi na makapaghintay pa sa laban na mangyayari. Spiders. Isang uri ng insekto na pinaka-ayaw niya. Mali, hindi sila insekto kundi mga arachnid. Best gang in this arena? Hindi lang iisa ang arena, marami. Maaaring nakakalat ito sa buong bansa, o hindi kaya ay sa buong mundo. Pinagsisihan niyang nagpadala siya sa kuryosidad at pumasok pa dito. Sa nakikita niya palang, alam niyang wala na siyang takas sa mundong ito. Pinakilala kung sino ang magiging kalaban ng spiders. Kung gaano kataas ang kanilang bilang, doble naman nito ang bilang ng kalaban. Bukod sa marami ang kalaban, mukha rin silang malalakas, may dala pang mga armas. Matatalo ang groupo nila Raven. Kailangan nilang umatras sa laban. Ngunit wala siyang nakikitang kahit katiting na pagaalinlangan sa mga mata ng mga ito! Imbis na takot, tila mas ginanahan pa ang groupo ni Raven. Nasisiraan na ba sila ng bait?! Wala silang armas panlaban sa kalaban nila! Sarili lang nila ang dala nila! Siya ang kinakabahan sa mangyayrai eh! Pero wala siyang magagawa. Takot siyang makialam dahil alam niyang wala siyang kalaban laban sa mga ito. Bago nagsimula ang laban, napansin niyang naglakad si Raven papunta sa pinakalikuran. Tamad itong sumandal sa harang na naghihiwalay sa mga manonood at kalahok. Hindi niya alam kung bakit, pero sa tingin niya ay nainsulto ang kalaban nila sa ginawa ni Raven. Sa halip na matuwa ang mga ito dahil tila umaatras si Raven sa laban, bakit nagalit pa ang mga ito? Wala siyang maintindihan sa nangyayari, ang alam niya lang ang magiging madugo ang laban na ito. Iba't ibang armas ang dala ng kalaban. Baseball bat, pocket knife, may nakita pa siyang mga kalalakihan na may kung anong nilagay sa kamao nila. Sa nakikita niya ay dehado sila Raven sa laban na ito. Delikado. Ngunit bakit noong nagsimula na ang laban ay kabaliktaran ang nangyari?! Hindi siya makapaniwala sa nasaksihan niya. Limang minuto lamang ang nakalipas ngunit iilan nalang ang natitirang nakatayo sa kalaban. Kahit walang dalang armas ang groupo nila Raven ay mas nakakaangat pa din sila. Nakikita niya sa mga galaw ng mga ito na sanay silang makipaglaban, may kanya kanyang techniques ang bawat isa. Hindi lang basta-bastang pakikipagbasag ulo ang alam nila kundi para talaga silang isang totoong mandirigma. Hindi niya masyadong makita ang lahat ng pangyayari dahil medyo malayo siya sa gitna ng arena, kitang kita niya kung sino ang tiyak na mananalo. Pitong minuto ang itinagal ng laban, ideneklarang panalo ang pangkat ni Raven! Mas malakas pa ang naging sigawan ng mga tao. Maraming natuwa dahil nanalo sila sa pusta. Tahimik na umupo si Dash sa sulok. Nanghihina ang binti niya, nanginginig pati tuhod niya sa nasaksihan. Delikado. Delikado ang groupo ni Cale at Raven. Ngunit hindi pa rin niya alam ang sukat ng lakas ni Raven. Ni hindi niya ito nakitang kumislot nang may tumalsik na dugo sa kanya. Para lang itong nanonood ng pelikulang pangbata. "Nandito ka lang pala, kanina ka pa namin hinahanap," tumingala siya kay Cale. Nasa likod ng lalaki ang kasamahan nito pati na si Raven na nakatitig sa kanya. "Anong ginagawa niyan dito, Cale?" malamig na saad nito. "Bawal ang mga daga dito," Daga? Gustuhin man niyang ipaglaban ang sarili ngunit wala siyang lakas para sa isang argumento. Walanghiya ka, Raven. Hindi ako daga! "Easy ka lang, King. Safe ang lalaking ito sa mga kamay ko," natatawang ani Cale. "Siguraduhin mong hindi ka nagdala ng extrang bagahe at mapapakinabangan mo iyan." Naglakad paalis si Raven at may isinuot na itim na cape. Tinakpan nito ang mukha gamit ang hood at nawala sa gitna ng mga tao. "Pasensya ka na doon, wala iyon sa mood." sabi ni Cale. "Teka, wala nga ba sa mood si Raven? Kailan ba siya nawala sa mood?" lumingon ito sa mga kasama at humawak pa sa baba na tila nag-iisip ng malalim. Binalik nito ang atensyon sa kanya. "Ganoon talaga si Raven kapag nasa loob ng arena." "Wala akong pakealam sa kanya." inis na sabi niya at pinilit ang sariling tumayo. "Ganoon ba ang sinasabi mong cool? Nagtago sa likod ng kasamahan dahil sa takot? Kung ganoon nga ay nagsasayang lang ako ng oras dito," Natigilan siya dahil bigla siya nitong tinulak at diniin sa pader. "Mag-ingat ka sa lumalabas diyan sa bibig mo, Dash. Hindi mo kilala kung sino ang kinakalaban mo,"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD