Halos magdadalawang buwan na agad ang lumipas mula ng magjoin silang magkakaibigan sa ROTC.
Sa kanilang tatlo ay si Love ang naging super busy dahil siya ang secretary. Siya ang hinahanapan ng attendance ng mga kabuddy niya at hinihingian ng mga contact numbers kung may importanteng kailangan. Active na active pa rin ang mga kabuddy nila sa OLPU at tuwing Miyerkules lang sila hindi nakakapagreport dahil sa kanilang night class.
Marami na silang natututunan. Pero sa kanilang tatlo, si Love ang hasang-hasa sa basic drills at command sa kadahilanang siya ang pinakamatangkad sa mga babae. Kapag wala kasi ang kalalakihan ay wala siyang magawa kundi ang maging leader pansamantala.
Araw-araw, tuwing hapon ay tinuturuan sila ng basic drills at pasamasid. Sinisigurado pa nilang sabay-sabay ang tunog ng kanilang paglalakad.
Hinati sila sa dalawa. At napasama si Love, sa unang grupo. Tag-pitong tao kada grupo. Mabuti na lang ay may lalake siyang kasama sa grupo dahil kung wala ay siya ang magcocommand dahil siya ang pinakamataas sa babae.
"Pasulong, 'kad!" Wika ni Cezar. "Kaliwa. Kaliwa. Kaliwa, kanan. Kaliwa, kanan. Kaliwa. Kaliwa."
Sabay -sabay silang naglakad ng nakapila.
"Liko sa kaliwa, kad!" Naglikuan naman sila pakaliwa. May bilang ito hanggang dalawampu't isa sabay sigaw ng, "Who Army!"
"Kaliwang panig, kad!"
This time ay naglalakad na sila ng magkakatabi, hindi tulad kanina na nakapila.
"Pugay kamay, na! (One, two)" Sabay-sabay sila sa pagsaludo. "Baba, na!" At ibinaba na nila ang kanilang kamay na nakasaludo.
"Kanang panig, kad!" Sabay-sabay silang pumanig pakanan at naglalakad na silang nakapila nanaman.
"Liko sa kaliwa, 'kad!"
"Liko sa kaliwa, 'kad!"
"Who army!!"
"Liko sa kaliwa, 'kad!"
"Pulutong, hinto!" At huminto na sila sa pagmamartsa. "Harap sa kaliwa, 'rap!"
Hindi pa rin ganoon kaperfect ang pasamasid nila dahil may nagkakamali pa rin. At dahil may nagkamali sa kanila kanina ay nag-20 counts squat thrust muna sila bago magperform ang kabilang grupo.
Every Friday ay nagkakaroon sila ng meeting para sa Training Day kinabukasan. Inaassign rin kung sinu-sino ang magluluto ng almusal at tanghalian nila. Nag-aassign din kung sino ang mga magiging platoon leaders.
Si Love naman ay palaging naka-assign sa visual aids. Isa siya sa nagchecheck kung kumpleto pa ang mga visual aids na gagamitin sa classroom instruction. At kapag kulang ang visual aids ay siya ang tagasulat sa manila paper.
ARAW ng Sabado. Maagang gumayak si Love papuntang university. Nakaputing t-shirt siya na pinaresan ng army short na olive green at nakarubber shoes. Naka-athletic attire siya. First time nilang magkakabuddy na mag-army short ngayon dahil kakarating lamang kahapon ng inorder nilang army shorts na galing pa sa Cavite. May kalakihan din ang bag na dala niya dahil nandoon ang kanyang military fatigue uniform, garrison belt, combat shoes, black t-shirt, pamalit na damit pagkatapos ng training at marami pa. Alas-singko pa lang nang madaling araw ay nasa university na siya. Sakto, nakasabay niya si Jai. Pagdating nila sa DMST Office ay mangilan-ngilan pa lamang sila at nandoon na si Lovendaño sa loob. Naabutan nilang may nagrerequest permission sa labas ng pinto pero palaging pinapaulit ni Lovendaño. Kaya naman laking pasasalamat ng kabuddy niya na dumating si Love.
Huminga muna ng malalim si Love. Ilang beses na rin naman na kay Lovendaño siya nagrerequest permission pero palagi pa rin siyang kinakabahan. Siguro ay pansin niya ang init ng ulo ng kanilang BatCom ngayong umaga.
Sa mga nakalipas na araw, linggo at buwan ay napag-alaman niyang kwela at kengkoy pala itong si Lovendaño. May sense of humor kumbaga. Halos close nang lahat ng kabuddy niya si Lovendaño maliban lang sa kanya. Hindi rin naman siya masyadong pinapansin ni Lovendaño sa oras ng biruan at kwentuhan pero palagi siya nitong kinakausap regarding sa mga visual aids na gagamitin at sa attendance nilang magkakabuddy. Kumbaga, kung mag-uusap man sila ay puro lamang tungkol sa kanilang organisasyon. Never pa niyang nakakwentuhan ang BatCom o nakabiruan. Kahit kilalang kwela ang BatCom ay tila hindi rin ito nakakapagbiro sa kanya. Naiisip na lang rin ni Love na siguro ay seryosong-seryoso ang tingin nito sa kanya.
Pak! Pak! Pak!
"(Buddy, up) Sir, I'm Cadet Probationary Second Lieutenant Paulo, Love M. Request permission to enter the DMST Office, Sir." Wika ni Love. Buong-buo ang boses nito at napaka-snappy.
Tumango lamang si Lovendaño senyales na pinapapasok na sila. "Thank you, Sir." Sabi pang muli ni Love sabay pasok sa loob.
Pinapakinis lamang ni Lovendaño ang kanyang combat shoes pero ramdam nila ang kaseryosohan nito ngayon. Dati-rati naman, kapag may nahihirapan magrequest permission ay binibiro-biro pa niya iyon. Ngayon ay iba. Kaya tahimik lamang silang nag-attendance sa ledger.
Kumuha agad ng walis si Love pagkatapos mag-attendance. Gumaya na rin si Jai na kumuha ng bunot upang sundan ang pagwawalis ni Love. Ang iba naman ay umalis na sa loob ng office at nakipagkwentuhan sa ibang kabuddy.
Nilinis nila ang DMST Office at pinakintab ang sahig. Napansin ni Love na marami pang nakasulat sa black board kung kaya't nais niyang burahin iyon. Ngunit natatakot siyang magpaalam sa kanilang BatCom. Naisip niya na mamaya na lang siguro niya buburahin ang mga nakasulat doon pagkatapos niyang maglinis.
Ngunit natapos na lang sila magwalis at magbunot ay nandoon pa rin si Lovendaño na nakakunot ang noo habang nagpapakinis ng combat shoes.
Bumuntong-hininga si Love. Lalakasan na lamang niya ang kanyang loob. Kinuha niya ang eraser at sabay humarap kay Lovendaño.
"Sir Labs, b-buburahin ko na po yung m-mga nakasulat po dito ah." Utal-utal niyang sabi. Nais niyang batukan ang sarili dahil sa pautal-utal niyang pagkakasabi.
Nagkatinginan sila ng mag-angat ng tingin si Lovendaño. Ang kaninang nakakunot na noo nito ay biglang nawala at napalunok pa ito.
"Ok-okay, Love." Hindi makatinging sagot ni Lovendaño. Tila nahiya ito bigla at bahagyang namula ang tainga nito.
Sinimulan nang burahin ni Love ang mga nakasulat sa black board. Halos hindi siya huminga para hindi siya makalikha ng ingay. Napakatahimik tuloy sa loob ng DMST Office pero yung puso ni Love ay hindi mapakali at napakaingay pa.
Kung hindi lang Love ang pangalan ko, kikiligin na sana ako eh.
Kastigo ng kanyang isipan. Pero napapikit na lang siya ng mariin para alisin sa isipan ang naisip.
Kikiligin ka diyan? Hindi pwede no! Dahil bawal ang relasyon dito.
Sabi pa uli ng kanyang isipan. Huminga na lamang siya ng malalim upang pakalmahin ang sarili. Sa tingin niya ay nababaliw na siya dahil kinakausap niya ang kanyang sarili sa isip.
Ngunit pigilin man niya, hindi mapigilan ng kanyang labi na mapangiti dahil sa pagtawag nito sa kanyang pangalan. Inisip na lamang niya na nawiwirduhan siguro ito kung tatawagin siya nito sa kanyang apelyido na parang pangalan na rin ni Lovendaño.
Lingid naman sa kaalaman ni Love, si Lovendaño ay bahagyang napatulala sa dalaga dahil sa pustura at kasuotan nito. Unang beses niyang nakita na naka-army shorts ito. Litaw na litaw ang mapuputi't makikinis nitong hita at binti na labis na nakapukaw sa mata ni Lovendaño. Sa tatlong taon niya sa ROTC ay ngayon lamang siya nakakita ng ganoong kagandang COQC.
Hindi nagtagal ay kumpleto na ang mga fourth class (4CL). Hindi pa man kumpleto ang mga officers ay nagsimula na silang mag-exercise.
Pumunta sila sa covered court at doon nagstretching. Si Lovendaño ang nangunguna dito. Siya rin ang nagcocommand kung ano ang stretching exercise na gagawin.
"Let's perform all army dozen exercise. All army dozen exercise has been done at 4 counts and 10 good repetition. The first army dozen exercise is the warm-up exercise. The first warm-up exercise is stork walk." Ani ng kanilang BatCom na si Lovendaño.
"Stork walk!" Sabay-sabay namang sagot ng 2CL hanggang 4CL.
"Mass command in cadence command!" Sigaw ni Lovendaño.
"Commence Exercise!!" Sagot muli ng lahat sa BatCom at nagsimula na silang i-perform ang stork walk.
Sumunod na warm-up exercise ay ang bobber na sinundan ng back field crouch.
"The second army dozen exercise is the army dozen proper. The first army dozen proper is the high jumper." Wika ni Lovendaño.
"High jumper!!" Sagot nilang lahat. May mangilan-ngilan na dumarating na 2CL officers at nagmamadali silang makapunta sa DMST Office upang mailapag ang mga dalang gamit. Patakbo pa silang humahabol sa reveille hanggang sa makumpleto ang mga 2CL.
Nang matapos nilang maiperform ang lahat ng army dozen exercises ay pumila na sila para magjogging.
Gustung-gusto talaga ni Love ang tunog ng mga yabag nilang sabay-sabay. Nakakarelax ito sa pandinig niya kung kaya't hindi niya ramdam ang pagod sa pagjojogging. Isa pa siya sa mga taga-tulak sa mga dying niyang kabuddy.
"Repeat after me!" Ani Lovendaño.
"Repeat after you!" Sagot nila.
Isa pa sa gusto niya sa pagjojogging ay ang pagchachant habang tumatakbo na pinapangunahan ni Lovendaño at uulitin naman nila.
"Dead na dead talaga ako!" (Repeat by 2CL and 4CL)
"Sa mga pakembot-kembot mo!" (Repeat)
"Kapag ikaw ay ngumingiti!"
"Ako'y medyo nakikiliti!"
"Kailangan ko ang iyong labi!"
"Kailangan ko ang iyong pisngi!"
"Kailan kaya kita maiuuwi!"
"Sige na sige na!"
"Sige na sige na!"
Nagtawanan sila. Ang cute kasi ng kanta na ginawang chant ni Lovendaño.