Chapter 10

1756 Words
Kinabukasan ay maagang gumising si Love para naman gawin ang assignment niya kahapon na tungkol sa batch name nila. Tapos na siya makapag-aral kagabi at makagawa ng assignment sa iba pa niyang subject kung kaya't ang assignment naman sa ROTC ang gagawin niya. Sinulat niya lamang sa likod ng steno notebook niya ang kanyang ideya at thirty minutes bago mag-alas-siyete ay natapos na siya. Oras na para maligo, maghanda sa pagpasok at mag-almusal. Pagsapit ng 7:30 ng umaga ay sabay nanaman silang hinatid ni Cherry ng kanyang tiyuhin papuntang university. Nang makarating sa kanilang classroom ay agad niyang tinabihan sina Mon at Jai. Nang sumapit ang lunch break ay sa DMST office sila dumiretso. Doon na sila pinapapunta ng mga officers tuwing lunch break upang makapagbonding at lubusang makilala ang iba pa nilang kabuddy. Sa Room 202 sila kumakain ng sama-sama, ang room na katabi lamang ng DMST Office. After maglunch ay nagkaroon pa sila ng kaunting oras upang maturuan ng tamang pag-enter sa DMST Office. Depende rin ito sa height. Kung sino ang pinakamatangkad ay siya ang kakatok at magpapakilala. Ngunit kung may kasamang lalaki, ang lalaki ang siyang kakatok at magpapakilala. Dapat rin ay hindi ka palousy-lousy kapag nagpapakilala. Kung sino dapat ang may pinakamataas na rank ay doon dapat titingin at hihingi ng permiso na makapasok sa loob ng DMST Office. Mabilis lang ang oras kung kaya't mabilis lang rin natapos ang kanilang klase sa maghapon at oras na para magtungo sa DMST office. Excited na excited na ang tatlo na pumunta ng DMST Office. Kahit na puro pagpapahirap ang kanilang dinaranas ay tila mas ginaganahan sila sa araw-araw. Bagong karanasan at bagong kaalaman para sa kanila ang pagpasok nila sa organisasyon na iyon. Sa pag-akyat nila ay mga kabuddy lamang nila ang kanilang nadatnan. May mesang mahaba kasi sa labas ng DMST Office at doon ay may gumagawa ng kani-kanilang assignment at ang iba naman ay nakikipagdaldalan lang. "Hello mga buddy!" Bati sa kanila ng kanilang presidente. "Hello rin. Anong oras tayo magsisimula mamaya para sa pagpili ng Batch name natin, Pres?" Tanong ni Love kay Cezar. "Ah.. maya-maya kapag kumpleto na. Mamaya-maya ay nandito na rin ang mga kabuddy natin sa OLPU (Our Lady of Peace University). Alas-kuwatro daw ang tapos ng huling klase nila." Pag-iimporma naman ni Cezar. "Sige. Enter muna kami sa office." Huling tugon ni Love dito. Tumango naman si Cezar bilang pagsang-ayon at saka ngumiti. At dahil si Love ang pinakamatangkad sa kanilang tatlo, siya ang dapat na hihingi ng permiso upang makapasok sa loob. Laking pasasalamat ni Love ng wala siyang mahanap na Lovendaño sa loob. Nahihiya kasi siya at baka mabulol siya sa pagsasalita. Mas okay nang ibang officer ang nasa loob habang nagsasanay pa sila sa ganitong gawain. Pumwesto na silang tatlo sa harap ng pinto. Pak! Pak! Pak! Sinimulan na ni Love na ihampas ang kanyang palad sa pader. "Buddy, up!" Mahinang sambit ni Love sa mga kasama at sabay-sabay silang sumaludo. "Madam, I'm Cadet Probationary 2nd Lieutenant (C/P2LT) Paulo, Love M . Request permission to enter the DMST office, Madam!" Malakas at malinaw na sabi ni Love. "Enter." Sagot naman ni Madam Garado na siyang BN-S1. "Ang snappy ah." Pasimpleng puri pa nito. Pumasok na sila sa loob at naglog-in sa ledger. Pagkatapos ay lumabas na sila ng office at inilagay nila ang kanilang bag sa pinakadulo ng lamesa kung saan nakalagay din ang mga bag ng iba nilang kabuddy. Abala sila sa pakikipag-usap sa iba nilang kabuddy ng biglang nagsalita at tumayo ng diretso ang kanilang presidente. "Buddy, tune!" Sambit ni Cezar. "Sir," sabay saludo sa lalakeng kakaakyat pa lamang. Lahat sila ay tumayo rin ng tuwid. Ang mga gumagawa kanina ng assignment ay agad ring tumayo at humarap sa bagong dating na officer. Sumaludo rin si Lovendaño kaya naman ibinaba na ni Cezar ang kamay niya. Naghatid iyon ng kaba sa puso ni Love. Ngunit hangad rin niya ang kasanayan sa bagong mundong tinahak niya. Hindi ka lang dapat matikas, alerto ka rin dapat. Hindi yata uso ang mataranta sa organisasyong sinalihan niya, dapat ay lagi kang handa anuman ang mangyari. Sinundan nilang lahat ng tingin ang BatCom hanggang sa makapasok ito sa loob ng DMST Office. Nang mawala ito sa paningin nila ay agad silang bumalik sa dati nilang gawi. Ngunit agad rin itong lumabas sa office kaya natahimik muli sila. Halos hindi na huminga si Love ng tumabi sa kanya si Lovendaño. "Huuy! Ang tahimik ninyo bigla. May dumaan bang anghel? Ako lang ito!" Pagpapagaan ni Lovendaño sa paligid. Ramdam kasi niya ang pagkailang at kaba ng mga junior niya. Ayaw niya ng ganoon. Ibig niyang mapalapit sa mga ito. Hindi niya intensyon na manakot at manindak. Hindi niya nais na danasin ng mga junior niya ang paninindak ng mga senior niya noon. Mas gusto niya ng mapayapa at mas magaan na atmosphere sa kanyang termino. Tumawa naman ang lahat sa sinabi ng kanilang BatCom maliban kay Love. Hanggang ngayon kasi ay tensyonado siya. Ewan niya ba pero maski noon pa man ay naiintimidate na siya kay Lovendaño. Approachable naman pala ito ngunit nakatatak na siguro kay Love na nakakatakot ito. Patuloy sa pagsasalita si Lovendaño at nakikipagtawanan na ito sa mga juniors niya ngunit si Love ay tila nalunok ang kanyang dila. Unti-unti na ring nagsisidatingan ang iba pa nilang kabuddy at ang mga second class. Kapag nasa ganitong sitwasyon, hindi na nila kailangan tumayo at magbigay pugay sa bagong darating na cadet officer kung nandiyan na ang may pinakamataas na ranggo. Nakisali na rin sa kwentuhan nila ang ibang second class at nakakabiruan nila ito. Hindi pa rin makahinga ng maluwag si Love. Tensiyunado pa rin siya dahil katabi niya ang BatCom. Nakikitawa lang siya at nagrereact sa mga kwentuhan. "Ang tahimik ni Paulo." Puna ni Suarez kay Love. Pareho sila ni Lovendaño na napatingin kay Suarez. "Diba Sir? Ang tahimik ni Paulo. Patawa-tawa lang. Ikaw naman magkwento." Sabi pang muli ni Suarez. "Sino ba kasing Paolo?" Tanong naman ni Lovendaño. Natawa naman si Suarez. Huli na niya narealize na pareho nga palang Paulo/Paolo ang dalawa. Ang pinagkaiba nga lang ay pangalan ang isa at ang isa naman ay apleyido. "Sir, syempre si Paulo. Yung katabi mo. Hindi naman Paolo ang tawag namin sayo kundi Sir Labs diba o kaya Sir Lovendaño." Paliwanag naman ni Suarez. "Ahh.. Ayusin mo kasi bok! Nalilito si Sir Labs sayo." Singit naman ni Caballero. Nakafeel naman ng awkwardness si Love dahil sa nangyari. Bakit kasi ganoon ang pangalan nila? Love Paulo Paolo Lovendaño Habang hinihintay nila ang kanilang kabuddy galing sa OLPU ay pinaform muna sila ng mga 2CL (second class) sa harap ng DMST Office. Pinabasic drills lamang sila para lalo silang mahasa. Dapat ay snappy sila dahil mga COQC sila. Sa mga higher class din kasi ang balik kapag lousy ang mga junior nila. Hindi nagtagal ay dumating na ang mga kabuddy nila from OLPU. Hinintay lamang nila na makajoin sa formation nila ang mga ito at ang kanilang batch president na si Cezar ang nagcommand para papuntahin sila sa Room 202. Magkakaroon ng meeting ang mga officers kung kaya't malaya silang magkakabuddy na makakapagmeeting din para makapili ng batch name. "Simulan na natin ang ating meeting. Ang mga naisuggest na batch name ay Matatag, Matalim, Magilas, Maaram at Matayog. Maaari bang pumunta dito sa harap ang mga nagsuggest nito?" Ani Cezar at tumayo rin ang limang nagsuggest ng batch name kasama na si Love. "Simulan mo, Abagon." Sabi pang muli ni Cezar. "Ang sa akin ay Matatag. Sa ibang salita, strong, firm and stable. Matibay, malakas at hindi natitinag. Ganyan dapat tayo. Future ROTC Officers tayo eh." "Handa, palakpak!" Wika ni Cezar at nagmilitary clap naman sila. "Ako naman, naisip ko ang batch name na Matalim. Kapag kasi sinabing matalim, ang naiisip agad natin ay mga matatalim na bagay. Tulad ng kutsilyo, espada, itak at marami pang iba. Na kapag mayroon ka ng mga iyan ay may feeling ka na makapagyarihan ka at safe ka. Ganun dapat tayo, matatalim. Na kapag nandiyan tayo, feeling ng mga napapaligiran natin ay safe sila. That's all. Salamat!" Sabi naman ni Morante. Muling nagpalakpakan pagkatapos niyang magsalita. "Hello buddies. Ako naman ang nagsuggest ng Magilas. Ano nga ba ang magilas? Diba may salitang nagpapakitang gilas. Kapag kasi sinabing magilas, ibig sabihin nun ay elegant. Kapag ikaw ay elegant, ikaw ay matikas, makisig at marangal na dapat sumasalamin sa atin. As ROTC Officer, dapat diba all the time matikas tayo? Marangal at makisig. Iyon lang. Salamat." Wika naman ni Dometita. Nagpalakpakan din pagkatapos nitong magsalita. "Me na! Sa akin naman ay Maaram. Maaram kasi is knowledgeable or marunong. Bilang COQC naniniwala ako na dapat lahat tayo ay maaram. Huwag lang masosobrahan at iba na ang tawag doon. Nagmamarunong na iyon." Pagbibiro ng kabuddy nila na si Biag. At nagtawanan naman ang ilan. "Kapag kasi Maaram ka, ikaw ay reliable. At ang pagiging reliable ay isang magandang trait." Dugtong pa nito. Muling nagpalakpakan. Kahit sila-sila lamang na magkakabuddy ay kinakabahan pa rin si Love. Feeling niya ay nalimutan na niya ang inaral niya at niresearch. Nanalangin na lamang siya ng tahimik na sana ay hindi siya mamental block. "Ako naman ang nagsuggest ng batch name na Matayog at ihahalintulad ko ito sa puno ng niyog. Kasi diba, kapag sinabing idescribe ang puno ng niyog, ang unang naiisip natin ay matayog? Ano nga ba ang matayog? When we say matayog, ibig sabihin niyon ay mataas. Bilang COQC, mataas ang pangarap natin. Libre na nga lang mangarap tapos bababaan mo pa? Kung mangangarap ka, tayugan mo na! At lahat tayo dito sa loob ng silid na ito, iisa lang ang pangarap natin. Ang maging tulad ng mga senior natin. Ang maging isang ganap na ROTC Officer." Isang mahabang katahimikan ang namayani sa loob ng silid. Nagising lamang ang lahat ng pumalakpak si Jai and Monic. At sa huli, napagdesisyunan ng lahat na sila ay ang "Batch Matayog". Pagkatapos nila makapili ng batch name ay bumuo naman sila ng batch motto. At nagtulung-tulong sila lahat dahil hindi pwede na gasgas na motto halimbawa na lamang ng "No pain, no gain." At sa huli, ang kanilang naging batch motto ay "Hindi ka magtatagumpay kung hindi ka magsisimula." Na ang paka-ibig sabihin nila dito ay: Ang buhay ay puno ng sugal. At ang pagpasok nila sa ROTC ay isang sugal na sinimulan nila. Lahat ay nangangarap na maging ROTC Officer at hangad nila na silang lahat ay magtatagumpay sa sinimulan nilang bagong yugto ng kanilang buhay sa kolehiyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD