Chapter 9

1452 Words
Nang matapos ang kanilang meeting ay pinatawag din sila agad ng mga cadet officers. At dahil alas-singko na kaya pinapunta sila sa katabing room ng DMST Office, ang room 201. Maayos silang nagformation doon. Kinakausap-kausap lamang sila ng mga babaeng officers. At hindi nagtagal ay dumating na ang mga first class. Si Lovendaño at si Javier. "Pinapunta namin kayo dito dahil gusto naming makilala kayo. Pero bago yun, kami na muna ang magpapakilala sa inyo." Panimula ni Lovedaño. "Umpisahan mo, De Luna." Utos pa nito. "Ako nga pala si Cadet 2LT Marlon De Luna. Ang provost marshall. I'm the one who supervises the military police of a command." Wika nito. Matangkad itong lalake na mayroong matipunong pangangatawan. 2LT (Second lieutenant) "I'm Rachel Rivera. Delta Company Commander. Taking up Bachelor of Secondary Education major in Social Studies." Wika naman nito. Maliit lamang ito na morena at hanggang leeg ang buhok. "I'm Cara Sancio. Charlie Company Commander. Taking up BS in HRM. Hindi ako magaling magluto. Yun lang." Maikling niyang sabi. Cute na cute ito sa magkabilaang dimples nito. Morena ito at kulot. "I'm Shirly Hegina. Bravo Company Commander. Taking up FBPS. Mukha lang akong mataray pero mabait talaga ako." Natatawang sabi naman niya. Pero lingid sa kaalaman ni Hegina, may mangilan-ngilang COQC ang naiinis sa kanya. Namamalditahan kasi sila dito. "I'm Sweet Caballero. Alpha Company Commander. Taking up BS in Business Administration major in Marketing. Istrikta talaga ako pero para rin naman iyon sa inyo kaya sana walang sumama ang loob sa akin." Poker face na pagkakasabi naman niya. Kahit sinabi na nitong sana ay walang sumama ang loob sa kanya ay hindi na maiwawala pa sa puso't isip ni Love ang ginawa nito sa kanya. Isa ito sa nanghamak sa kanya ngunit mabuti na lamang ay tinatagan niya ang kanyang loob at hindi nagpadala sa pinagsasabi ng kabayuing mukha na si Caballero. Pero biglang nagtaka si Love. Bakit si Caballero na ang Alpha Company Commander? Hindi ba't si Romero iyon? Napakaraming tanong sa isip ni Love ngunit hindi naman niya magawang magtanong dahil nahihiya siya. "Diba po si Sir Romero ang Alpha Company Commander noon?" Tanong ni Cezar. Pagtingin ni Love sa kanilang presidente ay nakataas ito ng kamay. "Yes, pero sadly, nagquit na siya." Seryoso namang saad ni Lovendaño. Muntik nang mamilog ang mga labi ni Love. Mabuti na lang ay napigilan niya. Nagulat siya sa nalaman. Pagkatapos niyang sumali sa ROTC ay biglang magqu-quit si Romero??!! Ano yun? Joke!? Isa pa naman sana si Romero sa naging inspirasyon niya sa pagsali sa ROTC. Why naman ganun? "Aww sayang naman. Si Romero pa naman ang dahilan kung bakit ako nagCOQC." Nagbabakla-baklaang sabi ni Suarez. Tila nabasa nito ang isip ni Love. May mangilan-ngilan na natawa sa tinuran nito. "Tama ba? Sino ang nagCOQC dito dahil kay Romero? Taas ang kamay. Umamin na kayo." Natatawang sabi pa ni Suarez. Syempre, walang balak magtaas ng kamay si Love. Takot na lang niyang maging tampulan ng tukso. Ngunit mayroon siyang nararamdaman na mumunting sundot sa kanyang likuran. At kilala niyang si Monic iyon. Napakalakas talagang mang-asar ng kaniyang kaibigan. Mabuti na lamang ay tumigil din agad ito. Nagkaroon ng kaunting ingay at yung iba pang kabuddy ni Love na babae ay nagtuturuan pa. "Quiet!!" Masungit na sigaw ni Javier. "Ang haharot ninyo! Next na magpapakilala." Isang tikhim ang nagpatahimik sa lahat. "I'm Ella Manalo. Battalion Staff 5. The Civil-Military Operations Officer. Taking up BS in Tourism Management. Hindi naman ako mataray at istrikta tulad ng mga kabuddy ko. Ako ang pinakamabait sa lahat." Nakangiting sabi nito kaya lumitaw ang dalawa niyang sungki na pangil. Hindi naman na tumutol ang mga kabuddy nito. Halata din naman sa hitsura nito na mabait ito at wala sa hitsurang magsusungit. "I'm Cindy Hiyara. BN S-4. Logistics Officer. Taking up BSBA major in Marketing. Akong bahala sa pera ng organization natin. Istrikta ako pero mabuti naman akong tao. Tulad ng sabi ni Cabs, para sa inyo rin iyon. Hindi tayo magkakaproblema kung susunod kayo sa amin." Wika nito. Isa rin itong babae na ito ang hindi malilimutan ni Love. Pero dahil sa mga sinasabi nila ngayon ay unti-unti siyang naliliwanagan. "My turn. Good afternoon everyone! I'm Persius Suarez. The Operation Officer or S-3. Mas madalas tayong magkakasama at ayoko ng lousy. Hinding-hindi ko palalagpasin kahit babae ka pa. Pero pag maganda... orayt.." wika nito na hitsurang manyak. Binatukan tuloy siya ng mga kabuddy niyang babae at agad naman silang sinuway ni Javier. "Mamaya kayo sa akin." Mahina pero dinig ng lahat na banta ni Javier sa mga second class (2CL). Agad namang nagsi-ayos ang mga babaeng second class. "Next!" "Good afternoon everyone. I'm Charmaine Dimaano. Ang inyong BN S-2 o Intelligence Officer. At dahil tsismosa ako kaya ako ang nilagay dito." May mangilan-ngilan na natawa sa simple nitong biro. "De joke lang. Mabait naman ako pero pag may nagawa kayong mali, pasensyahan tayo. Hane?" "Madam, yes madam!" Sagot ng lahat. Isa itong tibo na officer. Halata kasi sa kilos nitong boyish. Bagamat abot balikat pa rin ang itim nitong buhok ay hindi pa rin nito maitatago ang kilos nito. Astig itong tignan at kumilos. Kasalukuyan itong may pinopormahan na kabuddy noong sila pa ay COQC. Hindi iyon nakapasa sa exam kaya hindi ito nakapagpatuloy ng pagcacadet officer. Maya-maya ay isa namang maliit na babae ang nagsalita. Kahit maliit lamang ito ay hindi iyon naging hadlang upang hangaan ng ilan ang simple nitong kagandahan. "Hello! Ako nga pala si Cecille Garado. Taking up BSE major in Filipino. Ako din ang S-1 or Adjutant. More on paper works. Mag-ingat ingat kayo sa hallway, kapag hindi kayo nagside step sa akin tapos nakita ko, matic na hane?" Wika nito. "Kaya talas-talasan ang mga mata ha? Maliit man itong si Garado, pero napakaistrikta nito. Small but terrible yan." Sabi naman ni Lovendaño na sinabayan ng tawa. "Hala Sir. Grabe naman sa small but terrible hehehe" nahihiyang wika ni Garado. "Okay, enough. It's my turn." Pagpuputol ni Javier sa biruan ni Lovedaño at Garado. "I'm Yssa Javier. Taking up BS in HRM. Battalion Ex-O. Nag-iisang kabuddy ni Lovendaño. Kapag wala siya, ako ang pansamantalang papalit sa kanya. Ang gusto ko lang mangyari sa inyo ay magkaroon kayo ng unity para everbody happy." Wika ni Javier. "Ikaw na buddy." Sabi niya kay Lovendaño. Halatang-halata ang closeness nila Lovendaño at Javier. Dalawa lang kasi silang 1CL at magkabuddy na natira sa batch nila. D' survivors ika nga ng iba. Silang dalawa lamang ang umabot sa pagiging first class. "And last but not the least. I'm Cadet Lieutenant Colonel Paulo Lovendaño first class, Battalion Commander 2012-2013. Taking up BS in HRM. Be a good follower to be a good leader. Dahil sabi nga nila, Great Leaders are Great Followers. Ang gagawin niyo lang ay SUMUNOD. SUMUNOD. SUMUNOD. Naiintindihan niyo ba?" Maawtoridad na wika ni Lovendaño. "Sir, yes, Sir!" Sabay-sabay naman na sagot ng mga COQC. Hindi nagtagal ay pinaform ang mga COQC sa tapat ng DMST office habang sinasarado ito. Nagbigay pa ng instruction si Lovendaño bago niya ipinatiwalag ang mga ito at sabay-sabay na silang bumaba. Pagdating sa gate ay kanya-kanya na silang pamamaalam. Ang iba ay sumakay na ng tricycle. Ang iba ay naglakad pagawing kanan at si Love naman ay naglakad pagawing kaliwa. Magkakasama pa rin sila nina Mon at Jai. Napagkasunduan nilang maglakad papuntang simbahan at tumambay na muna. "Sayang no. Nagquit na pala si Sir Romero. Napakadaya." Sambit ni Love. Tinawanan naman siya ng mga kaibigan. "Ituturo nga sana kita kanina eh nung nagtanong si Sir Suarez kung sino daw ba ang pumasok sa ROTC ng dahil kay Sir Romero." Sabi naman ni Mon at nahampas tuloy siya ng wala sa oras ni Love. "Ikaw talaga. Lagi mo akong pinapahamak. Ginawa niyo na nga akong secretary eh tapos may binabalak ka pa diyang ganyan." Naiinis na untag ni Love sa kaibigan. "Eh syempre, para lalong hindi ka makawala. Secretary ka na ng batch natin kaya kakailanganin ka namin." Tugon naman ng kaibigan sa kanya. Nang makarating sa simbahan ay saglit silang pumasok doon at nanalangin. Matapos manalangin ay dumiretso sila sa likod upang bumili ng kwek-kwek. Ang sampung pisong pamasahe sana nila ay pinambili na lamang nila ng limang pirasong kwek-kwek. Rinamihan na din nila ng paglagay ng pipino at sauce na may sili. Hindi pa nila natatapos ang kanilang kinakain ay natanaw nilang tatlo si Lovendaño na bumibili rin ng kwek-kwek at kasama nito si Manalo, ang BN-S5. Nagtataka tuloy sila kung bakit magkasama ang dalawa. Ang akala pa man din nila ay rules sa ROTC organization na bawal ang magkarelasyon. Though, wala namang masama kung magkasama sila. Ang tanong, bakit nga ba silang dalawa magkasama ngayon na kakain ng kwek-kwek?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD