Mabilis na lumipas ang ilang araw at usap-usapan na ang nalalapit nilang Acquiantance Party.
Excited na excited na si Love na dumating ang araw na iyon dahil first time niyang mararanasan iyon ganoon din ang kanyang dalawang kaibigan.
Wala namang theme ang kanilang Acquiantance Party kung kaya't malaya silang makakapamili ng susuotin ngunit may rules and regulations pa rin na mga dapat at hindi dapat suotin. Halimbawa na lamang ng bawal magsuot ng revealing outfits.
Natapos nanaman ang kanilang klase sa buong araw at oras na para pumunta sa DMST Office. Muling dumiretso ang tatlo sa Comfort Room pagkalabas nila ng kanilang classroom.
Itinuck-in nila ang kanilang blouse sa palda. Ganoon kasi ang utos sa kanila ng mga 2CL. Lagi dapat nakapusod ang kanilang buhok at lagi dapat suot ang kanilang nameplate. Si Love pa nga ang naatasan na gumawa ng nameplate ng mga kabuddy niya. Nagbigay lamang sila ng pera para pang-print at pampalaminate nito na may kasama na ring nameplate holder.
Tapos na si Love sa pag-aayos sa kanyang sarili samantalang abala pa sa pagreremove ng lipstick ang dalawa. Hindi na kasi nagme-make-up si Love dahil lagi niyang katwiran na tatanggalin din naman. Palagi tuloy siyang plain and simple tignan ngunit hindi naging kabawasan iyon sa kanyang kagandahan.
Pagdating nila sa DMST Office ay sinabihan sila ng kanilang president na magkakaroon ng meeting. Nagtaka naman si Love dahil Wednesday pa lang dahil tuwing Friday ang meeting nila ngunit ipinagkasawalang-bahala na lamang niya iyon.
Hindi nagtagal ay nakumpleto na sila at nagsimula na ang meeting. Tungkol pala iyon sa Acquiantance Party na gaganapin na sa susunod na Linggo.
"Fouth Class, sino sa inyo ang aattend ng Acquiantance Party?" Tanong ni Lovendaño.
Tataas na sana si Love ng kamay ngunit wala naman ibang nagtaas kung kaya't nanatili lamang iyong nakababa. Nais niyang gumalaw at tignan sina Jai and Monic ngunit hindi niya rin magawa dahil bawal ang masyadong magalaw at baka mapansin pa siya ng mga officers.
Naghaharumentado na siya sa kanyang isipan. Nais niyang magdabog ngunit hindi niya magawa. Wala siyang magawa sa mga oras na iyon kundi mainis ng palihim.
Bakit walang nagtataas ng kamay? Hindi ba sila excited dumalo ng Acquiantance Party? Ayaw ba nila?
Tanong ni Love sa sarili. Sa inis, naikuyom na lamang niya ang kanyang mga kamay.
"Wala? Good." Ani Lovendaño.
"Sure kayo ha?" Sabat naman ni Javier. "Kasi, kung walang aattend sa inyo, ibig sabihin ay magduduty tayo."
Pigil na pigil sa pagkunot si Love. Tila hindi agad maproseso ng kanyang utak ang narinig.
"Huwag na kayo mahiya magtaas ng kamay. Kasi kung hindi kayo aattend ng party, magduduty kayo kasama namin. Mamaya sisihin niyo pa kami dahil hindi kayo sinayaw ni crush." Sabi naman ni Suarez. Nagtuksuhan naman sila pero agad ding natahimik ng sinaway sila ng kanilang president.
"Alright. Uulitin ko, sino dito ang aattend ng Acquiantance Party?" Tanong muli ni Lovendaño.
This time, may mga limang nagtaas ng kamay. Ngunit sa limang nagtaas ng kamay ay hindi pa rin kasali sila Love, Jai and Monic.
Hinihintay ni Love na magtaas ang dalawa, gustung-gusto niyang panlakihan ng mata ang mga kaibigan pero hindi niya magawa sa mga pagkakataong ito.
"Yun oh! May mga kabuddy kayong gustong magparty. Tapos hahayaan lang nila kayo magduty. Papayag ba kayo?" Ani Caballero na tila nagtatanong sa mga hindi nagtaas ng kamay.
"Sir Labs, ihiwalay nga natin yung lima. Papuntahin diyan sa harap." Wika naman ni Dimaano, ang tibong officer. Agad namang pumunta sa harap ang limang 4CL. Pawang kababaihan sila at magkakaklase.
"Gusto niyo talagang umattend ng Acquiantance Party? Hindi ninyo sasamahan magduty ang mga kabuddy ninyo?" Tanong ni Dimaano ngunit hindi sumagot ang lima. "Lumabas muna kayo dito. Diyan muna kayo sa labas dahil hindi naman kayo magduduty." Wika pa nito.
Lumabas naman ang lima at nagrequest permission to leave pa sila kay Lovendaño.
Hindi naman gaanong nagtagal ang meeting nila. Ininform lang sila sa gagawin nilang pagduduty sa Acquiantance Party. Next week ay magkakaroon uli sila ng meeting para sa posting at kung sino ang magkakasama sa bawat post.
At dahil maaga pa, nang matapos ang meeting ay pinapunta sila sa room 203, ang pinakadulong room sa floor na iyon. Iyon din ang room kung saan sila nagluluto ng breakfast at lunch nila every Training Day.
Hindi nagtagal ay dumating na ang ibang 2CL.
Maayos na silang nakaformation ng tawagin muli ang limang mas pipiliing magduty. Pinapunta sila sa harap.
"Okay. Everybody! Push-up position!" Sigaw ni Dimaano.
Agad naman silang nagpush-up position. Magpupush-up position na rin sana ang lima sa harap ngunit pinigilan sila ng mga 2CL.
"Sila lang ang pinapapush-up position namin. Hindi kayo kasama. Panuorin ninyo ang mga kabuddy ninyo na maghirap dahil sa kagustuhan niyo." Wika naman ni Caballero.
Sa kabilang banda, napaisip si Love. Mabuti na lamang ay hindi sila nagtaas ng kamay nina Jai at Monic dahil hindi niya maaatim na makita ang mga kabuddy niya na nahihirapan dahil sa kanya o kanila.
Pipilitin na lang niya ang sarili na tanggapin ang kapalaran niya. Hindi siguro talaga siya nakatadhana na dumalo sa unang pagkakataon ng Acquiantance Party. Naisip niya na hindi man siya makakaparty ng malaya ay nandoon pa rin naman siya. Kahit makikinuod na lang siya ay ayos na sa kanya.
"Ano ba ang tinuturo namin sa inyo? Hindi ba UNITY?!" Galit na sigaw ni Dimaano. "President Cezar!"
Agad na tumayo si Cezar. "Madam, yes madam!"
"Pumunta ka dito sa harap. Ikaw ang presidente nila kaya dapat kapag wala kami, ikaw ang magsusupervise sa kanila. Paulit-ulit naming sinasabi na i-develop ninyo ang UNITY ninyo. Ano ba ang unity?" Galit pa rin ngunit mahinahon na pagkakasabi ni Dimaano.
"Pagkakaisa po, Madam!" Sagot ni Cezar.
"Sa iyo na nanggaling. Pagkakaisa. Pero bakit may mga kabuddy ka pa rin na hindi nakikiisa? Kinakausap mo ba talaga sila? Binibigyan ka na nga namin ng tips para magkalapit kayong lahat. Pero bakit ganito? NASAAN.ANG.UNITY.NINYO?!" Namumulang sabi ni Dimaano. Galit na galit talaga ito dahil sa kawalan ng Batch Matayog ng unity. Hindi nakasagot si Cezar.
Lahat sila ay nalulungkot dahil pinapagalitan ang kanilang presidente. Ito ang sumasalo sa mga kasalanan nila. Labis silang naaawa at nakokonsensya dahil napakabait pa naman nito. Hindi naman ito nagkulang sa paalala sa kanila ngunit may mangilan-ngilan pa ring nagpapasaway.
"Give me 100 counts squat thrust!" Ani Dimaano na agad namang sinunod ni Cezar.
Napailing na lamang si Love sa narinig. Naiinis na tuloy siya sa lima niyang kabuddy. Dahil sa kanila ay napaparusahan ang presidente nila.
Sabay na tumayo si Cabading, ang kanilang bise-presidente at si Love.
"Oh? Bakit kayo tumayo?" Mataray na tanong ni Dimaano.
"Madam, gusto ko pong samahan si Pres." Sagot ni Love.
"Ikaw naman?" Tanong naman nito kay Cabading.
"Madam, gusto ko rin pong buddy-han ang kabuddy ko sa pag-squat thrust." Sagot naman nito.
"Awww.. ang babait naman nila." Maarteng saad naman ni Hiyara. "Wait may naisip ako." Pahabol nito. At pinahinto si Cezar sa ginagawa.
"Everybody, tune!" Tumalima agad ang lahat sa sigaw ni Hiyara. "Kayong lima, join na kayo sa formation."
Agad namang nagjoin ang lima sa formation. Nanatili naman si Love, Cezar at Cabading sa harap.
"Tumayo ng tuwid! Walang galaw ng galaw! Kahit gaano pa kakati na iyang ulo niyo, huwag na huwag ninyong kakamutin dahil ayaw kong makakita ng galaw ng galaw. Maliwanag ba?!!" Sigaw ni Hiyara. May nakita kasi itong nagkamot ng ulo.
"Madam, yes, madam!"
"Dito kayo sa gitna. Sa harap ng mga kabuddy ninyo." Tukoy ni Hiyara kina Love. "Perform 100 counts squat thrust!"
"Mass command in cadence command," ani Cezar.
"Commence exercise!" Sagot naman ni Love at Cabading.
Nagsimula silang magsquat thrust.
Nangangalahati na sila at tagaktak na ang pawis nilang tatlo. Hingal-kabayo na rin sila ngunit wala sa hitsura na hindi kakayanin.
"One two three, 49! One two three, 50! One t--"
"Stop!" Sabi ni Dimaano.
"Nakita ninyo sila? Ang President niyo, Vice at Secretary? Ganyan ang example ng unity. May pagkakaisa sila. Sa dami ninyo, dalawa lang ang nagvolunteer na buddy-han ang president ninyo. Nakakahiya naman kay Paulo. Kababaeng tao pero hindi natakot sa 100 counts squat thrust." Panenermon ni Dimaano.
"Cezar, continue." At pinagpatuloy naman nilang tatlo ang pag-squat thrust. "Kayo naman, squat position, move." Nagsquat position nga ngunit hindi naman sila sabay-sabay. "As you were."
"Squat position, move!" Ngunit hindi nanaman nasiyahan si Dimaano dahil hindi pa rin nagkakasabay-sabay. "As you were! Ano ba? Nananadya ba kayo? Ganyan na ba talaga kayo ka-lousy ngayon?"
Nagpaulit-ulit sila sa pagsquat position dahil hindi talaga nila ito makuha ng sabay-sabay.
Natapos na lang ang tatlo ay hindi pa rin sabay-sabay ang mga kabuddy nila.
Nagreport na si Cezar na natapos na nila ang 100 squat thrust at pinaalis na sila sa room 203 para makapag pahinga.
Naiwan sa loob ang mga natitira nilang kabuddy at alam na nila ang mangyayare. Magkakaroon sila ng sarili nilang mase-mase.
(Mase-mase: Exercise. Pampalakas. Parusa na exercise ang pinapagawa.)
Agad na nagrequest permission to enter sa DMST Office si Cezar.
Pawisan silang tatlo at uhaw na uhaw na sila. Nasa DMST office kasi ang water dispencer. Napansin agad sila ng ilang 2CL at nang dalawang 1CL.
Kumuha sila ng tig-iisa nilang baso at naunang nakapila si Cezar para makapagfill-up ng tubig. Nang mapuno ang baso ay iniabot niya ito kay Love.
"Salamat, buddy." Malugod iyong tinanggap ni Love at ininom agad ang tubig. Iniabot din ni Love ang hawak niyang baso kay Cezar upang iyon ang gamitin niyang baso.
Nang maubos ay kumuha siyang muli ng tubig at diniretso ng inom. Ganun din sina Cabading at Cezar.
"May mga baon ba kayong damit?" Tanong sa kanila ni Lovendaño.
"Meron po ako, Sir." Sagot agad ni Cezar.
"Ako rin po, meron." Sagot naman ni Cabading. Habang si Love ay napangiwi na lang at napakamot sa ulo. Hindi kasi siya nakapagdala ng extrang damit. Nakaligtaan niyang maglagay sa bag bago umalis sa kanilang bahay.
"Ikaw?" Malamig na tanong ni Lovendaño.
"A-ah ano po Sir eh. W-wala po." Mahinhing sagot ni Love na pautal-utal pa.
"Oh bakit wala? Hindi ba sinasabihan naman namin kayo na lagi kayong magdadala ng extrang damit kasi lagi kayong pagpapawisan dito?" Sabat naman ni Javier. Ang kaisa-isahang kabuddy ni Lovendaño na babae.
Ngumiti na lang si Love kahit na napahiya. Tanggap at aminado naman siya sa kanyang pagkakamali.
Lumabas na silang tatlo sa DMST Office at pumunta sa lalagyanan nila ng bag. Agad na kinuha ng dalawa ang mga baon nilang damit at nagtungo ng CR para magbihis. Naiwan namang nag-iisa si Love.
Kinuha niya ang kanyang nokia 1100 na cellphone at nagcheck kung may nagtext ba.
Habang abala sa pagcecellphone ay biglang lumitaw sa tabi niya si Lovendaño kung kaya't siya ay nagulat. Napahawak pa siya sa kanyang dibdib sa sobrang pagkabigla.
"Hay, nagulat naman ako sa inyo, Sir." Hingal na sabi ni Love. Napangiti naman si Lovendaño sabay abot ng puting plastic.
"Ano po iyan?" Tanong ni Love pero imbes na sagutin ay pinahawak na ito ni Lovendaño sa kanya.
"Magbihis ka na. Sa susunod, huwag mo nang kakalimutan magbaon ng extrang damit ha." Wika nito sabay pasok sa DMST Office.
Napangiti naman si Love. Sakto namang labas ng dalawang niyang kabuddy sa CR kung kaya't siya naman ang papasok doon upang magbihis.