Chapter 13

2102 Words
Hindi maalis ang ngiti ni Love sa harap ng salamin habang suot-suot ang damit na pinahiram ni Lovendaño. Amoy pabango pa ito ng binata kung kaya't siguradung-sigurado si Love na damit iyon ng BatCom. Humanga siya sa pagiging thoughtful ng binata at ayaw na niya itong bigyan pa ng ibang kahulugan. Mabait lang talaga si Sir Lovendaño. Mabait! Mabait! Mabait! Paulit-ulit iyong binabanggit ni Love sa kanyang isipan kahit na ba walang tigil sa pagrigodon ang kanyang dibdib. Mas malala pa iyon sa tuwing may recitation sila sa klase. Pilit niyang itinatatak sa kanyang isipan na sadyang mabait lamang ang kanilang BatCom. Paglabas ni Love sa CR ay bumungad sa kanya ang dalawa niyang kabuddy na nakikipag-usap at tawanan kay Lovendaño. Ang kabuddy ni Lovendaño na si Javier ay nagpaalam ng mauuna nang umuwi. Ang mga 2CL naman ay nasa room 203 lahat. Hindi makatingin ng tuwid si Love. Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang mukha dahil nakikita siya ni Lovendaño na suot-suot ang damit nito. Kahit maluwag at malaki ay bagay naman iyon sa kanya. Itinuck-in na lamang niya iyon sa kanyang suot na palda. Tahimik lamang siyang nakikinig sa tatlo nang tawagin siya ni Cabading at pinalapit sa kanila. Wala namang magawa si Love. Inakbayan siya ni Cabading at hinawakan nito ang ulo niya na tila ginugulo ang kanyang buhok. Napahawak rin tuloy siya sa kanyang buhok at umakto siyang naiinis dahil nagulo nito ang buhok niya. "Ay! Ano ba yan! Ginugulo mo naman buddy ang buhok ko eh." Kunwaring naiinis na ani Love. Tinawanan lamang siya ni Cabading. Sinimangutan naman ito ni Love. "Ano nga palang ginagawa mo rito? Diba kapag Wednesday, may night class kayo?" "Nagprisenta na lang ako na huwag muna pumasok para makaattend sa meeting. Yung mga kabuddy na lang daw natin ang bahala sa attendance at quiz ko." Proud na proud pang sagot ni Cabading kay Love. Nanlaki naman ang mga mata ni Love dahil sa narinig. Magsasalita pa sana siya ng utusan siya ni Lovendaño na maglinis muna ng loob ng DMST Office. Aapila sana si Love ngunit sumunod na lang siya. Isa rin sa motto sa ROTC ang, "OBEY FIRST BEFORE YOU COMPLAIN." Maliit na bagay lang naman ang iniutos ng BatCom at mas maganda nga na maglinis siya habang walang tao sa loob. Sakto, pagkatapos niyang maglinis ay siyang labas ng iba niyang kabuddy mula sa room 203. Nagsisitakbuhan ang mga ito na pumunta sa lalagyanan nila ng bag at sabay-sabay na pumunta ng CR. Sa second floor ang mga babae at sa CR naman sa third floor ang mga lalake. Sa loob ng 10 counts ay binigyan sila ng pagkakataon na makapagbihis. Inabisuhan si Cezar na ipa-form silang mga 4CL para sa pag-uwi. Nang makapagform sila ng maayos ay sumali na rin sa formation si Cezar. Hindi nagtagal ay pinatiwalag na sila ni Lovendaño. Habang naglalakad papuntang gate ay kanya-kanya na sila ng kwentuhan na para bang walang nangyari. Nakikipagtawanan na sila sa mga officers ngunit hindi pa rin mawawala ang gap. Tinuruan din kasi sila nito na matutong dumistansya at rumespeto. Na hindi porke nasa labas na sila ay mawawala na ang gap. Nang nasa gate na sila ay nagulat na lang sila na ginigitgit ni Biag si Lovendaño. Kabuddy nilang babae na sobrang kalog at palasagot. Nagtatawanan sila ng malakas hanggang sa mapasandal na si Lovendaño sa gate at patuloy siyang iniipit ni Biag. "Hoy buddy, adik ka! Tama na iyan." Suway sa kanya ni Morante. "Si Sir kasi eh. Ang lakas mang-asar!" Pangangatwiran pa ni Biag. Nang makalabas sila ay kanya-kanya na rin sila ng lakad at sakay pauwi. KINABUKASAN ng umaga, nakatanggap si Love ng text mula sa kanilang presidente. May meeting nanaman daw sila mamayang hapon at kailangan nilang makumpleto. Agad na nagcompose ng text message si Love at nag group send. Pinadalhan niya ng mensahe ang lahat ng kanyang kabuddy na magkakaroon ng meeting upang hindi malate. Naglulunch sila Love, Jai and Monic sa cafeteria kasama ang mga classmates nila. Hindi muna sila sumabay sa mga kabuddy nila sa DMST Office dahil sila ay magkakaroon ng practice para sa gagawing role playing. Nang palabas na sila ng cafeteria ay agad na namataan ni Love si Garado, ang BN-S1. Kahit maliit ito ay nakita niya agad. Mabuti na lamang ay alerto siya. At dahil nasa indoor sila ay hindi na kailangan sumaludo ni Love kay Garado. Sapat na ang side step kapag nagkasalubungan sa daan. Agad namang nagside step ang tatlo habang dumaraan sa harap nila si Garado. Tila sila mga talangkang naglalakad. Hindi na lamang sila nito pinansin. Nang makalabas sa cafeteria at patungo naman sila sa restroom ay may namamataan nanamang officer si Love. Si Lovendaño!! Kahit nagtataka ay napaside step na lamang silang tatlo ng mapadaan sa kanila si Lovendaño. Binati nila ito. "Nakita niyo ba si Manalo?" Pagtutukoy niya sa BN-S7. "Hindi po, Sir." Sabay-sabay nilang sagot. Tumango lamang si Lovendaño at umalis na rin ito agad. Hindi na nila ito masyadong napag-usapan pagpasok nila sa rest room dahil nacurious ang mga kaklase nila sa ikinilos nila kanina lamang. Ipinaliwanag naman nila sa mga ito kung bakit kailangan nilang gawin iyon. NANG matapos ang kanilang klase sa maghapon ay dumiretso na ang tatlo sa DMST Office dahil magkakaroon sila ng meeting. Nadatnan nilang nakaformation ang mga kabuddy nila sa harap ng office. Nagrequest permission si Love upang makajoin sa formation na agad namang sinang-ayunan ni Hiyara na siyang nagpaform sa mga 4CL. Hindi nagtagal ay pinapunta sila nito sa room 203. Sumunod din ang ibang 2CL. Wala ang magkabuddy na 1CL dahil may klase pa ang mga ito. "Siguro naman may idea na kayo kung bakit tayo may meeting." Nakataas kilay na sabi ni Hiyara. Hindi sumagot ang mga 4CL kung kaya't nakaramdam ng inis si Hiyara. "SAGOT!" Sigaw nito. "Madam, No/yes, madam!" Magkakaibang sagot ng mga 4CL. "Ano ba talaga? Yes or no?" Natatawang wika ni Dimaano. May iba ring 4CL na nakitawa ngunit agad niya itong pinatahimik. "Everybody, push up position..move." suwabeng sabi ni Dimaano. Maya-maya ay may nilagay silang takip ng bote o tanzan sa mga 4CL na katapat ng mga ulo nila. "Nakikita niyo yan? Pupunuin niyo yan ng pawis ninyo. Ang makakapuno, makakapagpahinga na. Ang hindi, pasensyahan tayo." Sabi ni Hiyara. Nagulat na lang sa kanya-kanya nilang sarili ang mga 4CL. Si Love naman ay napaikot na lang ang mata na hindi naman mahahalata ng mga officers. "Paano kami madam makakaipon ng pawis kung nakapush-up position kami?" Ani Dimaano kay Hiyara. Tila nabunutan ng tinik sa lalamunan ang mga 4CL dahil sa sinabi ni Dimaano dahil natatakot silang magtanong. "Nasagot yung tanong niyo, 'no?" Ngingisi-ngising sabi nito. "Kanya-kanyang paraan na lang iyan." Sabi naman ni Hiyara. "Babalikan namin kayo after 30 minutes. Ang makakapuno ay pwede na magpahinga." Wika nito muli at umalis na ang mga 2CL sa room na iyon. Kanya-kanya namang papawis ang mga 4CL. Iba't-ibang exercises ang ginagawa nila kung saan sa tingin nila mas pagpapawisan sila. Ang kanilang kabuddy na si alyas "MAJIN BUU" ay mabilis na nakapuno. Mataba kasi ito at sadyang pawisin. Tumutulo-tulo pa ang pawis nito sa baba nang mapuno niya ang tanzan at saglit na nagpahinga bago maupo. Ang mga babaeng 4CL naman ay nakisahod sa pawis ni Majin Buu. Si Love naman ay sukang-suka sa nakikita niya. Hindi niya maatim na makisahod ng pawis ni Majin Buu hindi dahil matapat siyang tao kundi dahil nandidiri siya. Hindi naman sana siya maarte ngunit maduwal-duwal talaga siya sa itsura ng kabuddy na pawisan. Titiisin na lang niya ang hirap na makapag-ipon ng pawis kaysa makalapit kay Majin Buu. After 30 minutes, nang makabalik ang mga 2CL ay ni-isang patak, wala pang nakakapatak sa tanzan ni Love. Pawisin siya ngunit hindi naman sa puntong tumutulo ng malala. Si Majin Buu pa lamang din ang nag-iisang nakapuno at nagpapahinga na. "Uy! Hayahay na si Majin Buu ah." Ani Caballero. "Ano na? Kamusta na yung iba?" Tanong naman ni Hiyara. Inisa-isa ng mga 2CL ang pagcheck sa mga tanzan at napansin nila na ang tanzan ni Love ay hindi pa rin napapatakan kahit isa. "Ano na Paulo? Bakit wala pang patak iyan?" Tanong ni Caballero kay Love na kasalukuyang nagmo-mountain climbing exercise. "Hindi ka yata masyadong nainom ng tubig eh." Hindi nagtagal ay pinatigil na sila. Pinatayo na sila pero pina-squat naman. "Alam niyo ba ang kasalanan ninyo?" Panimula ni Hiyara. "Masyado na ba kaming maluwag sa inyo? O sadyang mga bastos lang kayo?" Mataray ng sabi nito. "Biag, ano ang kasalanan ninyo? May idea ka ba?" Tanong ni Hiyara kay Biag. Halata ang gulat sa mukha ni Biag. Tila nagtataka ito kung bakit siya ang tinatanong ng mga 2CL. Matagal siyang hindi sumagot dahil nag-iisip siya ng isasagot. "Sagot!" Sigaw ni Hiyara kay Biag. "Madam, wala po akong idea, madam!" Tapat na sagot ni Biag. "Magbobber ka nga. 20 counts." Ani Hiyara na agad namang ginawa ni Biag. Nang matapos ay pinag-squat uli ito. "Kayo? Ano sa tingin ninyo ang kasalanan ninyo?" Tanong muli ni Hiyara. "Paulo, anong kasalanan ninyo?" Napaisip rin tuloy ng wala sa oras si Love. Ngunit hindi nagtagal ay may naisip siya. Hindi lamang siya sigurado kung iyon nga ba ang kasalanan nila. Ika nga, kasalanan ng isa ay kasalanan na ng lahat. "Madam, sa tingin ko po, dahil sa hindi kami kumain sa DMST Office kanina. Sa cafeteria po kami kumain kasama ng kaklase namin." Sagot ni Love. Napangisi naman si Hiyara sa sagot niya. Binalingan naman niya ang ibang 4CL. "Madam, baka po dahil hindi po ako nagsalute nung may nakasalubong po akong officer." "Madam, dahil po bumili ako sa cafeteria kanina nang ako lang mag-isa at walang kabuddy." "Madam, dahil po yata tumambay kami ng mga kaklase ko sa puno ng mangga." Lahat ng sinagot ng mga 4CL ay mali dahil hindi naman iyon ang kasalanan nila. Ngunit nang dahil sa pinapahula sa kanilang kasalanan ay nagsilabasan tuloy ang iba pa nilang kasalanan. "Nagsilabasan ang mga kasalanan ninyo ah. Mukhang naluluwagan na nga kayo sa amin. Oras na para higpitan na uli namin kayo. Marami nang hindi sumusunod eh. Masyado na kayong matatapang. Ultimo gap na itinuro namin sa inyo, nawawala na rin sa inyo. Diba, Biag?" Panenermon ni Hiyara sabay baling kay Biag. "Wala kang idea sa kasalanan ninyo? Ano pala ang ginawa mo kahapon sa BatCom natin?" Ani Caballero kay Biag. "Sagot!" "Ginitgit ko po, Madam!" Sagot naman ni Biag. "Ginitgit mo, diba? With matching hampas hampas pa. Sa tingin mo, tama ba ang ginawa mo?" Nanggagalaiti na sabi naman ni Hegina. "Sa inyong lahat ikaw ang pinakabastos, alam mo ba yun? Ikaw ang pinakamareklamo. Ikaw ang palaging may nasasabi. Naiintindihan at isinasapuso mo ba talaga ang itinuturo namin?" Dugtong pa nito. "Madam, sorry, madam!" Sagot ni Biag. "Walang sorry sorry dito! Pagbayaran niyo kung anong nagawa mo. Simula ngayon, maghihigpit na uli kami sa inyo. Alam niyo ba na kung ano kayo ay nagrereflect sa amin? Paano pa kapag nakita kayo ng mga alumni o higher officers? Ano na lang sasabihin nila sa amin?" Panenermon pa ni Hegina. "Isa pa, kahit kailan hindi namin ginanun si Sir Labs. Kayo lang, ang batch niyo lang. Mga walang disiplina!!" Pinarusahan pa sila ng mga 2CL. 5:30pm na nang matapos. Pagpunta nila malapit sa DMST Office ay nadatnan nila si Lovendaño at si Manalo na parehong nakacivilian kasama si Javier na nakauniform pa. Habang kinukuha nila ang kanilang extra t-shirt ay may biglang dumating. Paglingon ni Love sa dumating ay biglang bumilis ang t***k ng puso niya kasabay ng nakakakiliting kalabit sa kanya ni Jai at Monic. Agad niyang ibinalik ang tingin sa bag at ngiting-ngiti niyang isinarado iyon. Dumiretso na ang mga babaeng 4CL sa CR sa second floor at sa third floor naman ang mga lalaki. Ini-lock nila ang pinto ng buong CR at sabay-sabay silang naghubad ng pang-itaas. Dahil puro babae naman sila ay hindi na sila naiilang. "I love you, baby And if it's quite alright I need you, baby To warm the lonely night I love you, baby Trust in me when I say Oh, pretty baby Don't bring me down, I pray Oh, pretty baby Now that I've found you, stay And let me love you, baby Let me love you.." kanta ni Love. Medyo nasisintunado pa iyon dahil hindi naman niya iyon seryosong kinanta. Idinaan na lang niya sa kanta ang kilig na nararamdaman niya ng makita si Romero. Alam rin ng mga kabuddy niya ang pagkakaroon niya ng paghanga kay Romero. Dahil sino nga ba ang hindi magkakaroon kahit kaunting pagtingin? Gwapo na, matangkad pa, matalino pa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD