“I’m so sorry, Kris. I’m really sorry.” Sabi nito at niyakap siya. “I really thought na ng maging kayo ng anak ko ay mahal ka niya talaga. He even asked you to marry him. Inakala ko na mababaling na sa iyo ang atensiyon niya at kung hindi mababawasan ay mawawala na ng tuluyan atensiyon na binibigay niya kay Bea.” Sabi nito. “Pero nagkamali ako sa pagbasa sa totoong nararamdaman ng anak ko para sa bestfriend niya. I don’t know bakit ka niya niligawan at niyaya ka pa niyang magpakasal. Naging fiance ka niya pero it clearly shows na ..” “Hindi niya ko mahal.” Tapos niya sa gusto nitong sabihin. Malinaw na ngayon ang lahat sa kanya, tama si Kent ng sabihin nito na dapat tigilan na niya ang pagiging bingi, bulag at manhid. Hindi siya mahal ni Alex, ang dalawang taon nilang relasyon ay isang k

