Ang lahat ng pagasa niya na baka mahal din siya nito ay nawala ng ligawan ni Alex si Kristina Valle noong huling taon nila sa college. Galing din ito sa may sinasabing pamilya at alam niya na kapahero ito ng antas ng buhay ng bestfriend niya. Sobrang sakit ang naramdaman niya ng sabihin ni Alex sa kanya ang balak na pangliligaw kay Kris. Pero itinago niya iyon kagaya ng pagtatago niya ng pagtingin para dito. Sinuportahan niya ito sa panliligaw at maging ang relasyon ng dalawa ng maging magkasintahan ang mga ito. Alam niya na ayaw ni Kris sa kanya kahit hindi pa man ito girlfriend ni Alex. Sinubukan din niyang maging malapit kay Kris pero sadyang mainit ang dugo nito sa kanya. Hindi niya makakalimutan ang pagtawag nito sa kanya ng prinsensa ng araw na pupunta sila sa Zambales. Labis na p

