“Alex, tumayo ka diyan.” Natatarantang sabi niya dito ng bigla itong lumuhod sa harapan niya. “I’m so sorry, B. Please forgive me.” Sabi nito na sinalubong ang tingin niya at kita niya ang namumuong luha sa mga mata nito. “Alex, tumayo ka diyan.” Sabi nya ulit dito. Tumayo siya at sinubukan hilahin ito para tumayo. “Tumayo ka diyan, please. There is no need to do this.” “No, I have to do this. I have to kneel to make you see na nagsisisi na ako.” Sabi nito na umiiling pa. Tila may sumuntok sa kanya ng makitang tumulo na ang luha nito. “Alex, please! Please get up!” Sigaw niya dito. “Forgive me first.” Sabi nito habang pinupunasan ang mga luha sa mata nito. “Hindi ako tatayo dito hanggang hindi mo ko pinapatawad.” Napapikit siya at napahawak sa dibdib niya. Kahit na anong sama ng lo

