“Sige, sige.” Sabi niya kay Alex at saka ibinaba ang tawag. “Mang Isko!” Tawag niya sa driver ni Alex na nakaupo sa kabilang lamesa. Tumayo ito at lumapit sa kanya. “Yes, sir?” Sabi nito ng makalapit sa kanya. “May utos po si Alex. Makibili daw po kayo ng single foam at saka electric fan sa may palengke.” Utos niya at inabutan ito ng pera. “Leo, baka puwede pasamahan sa mga tao mo si Mang Isko.” Sabi niya kay Leo. “Oo naman.” Sabi nito na tinawag na din ang dalawang tao na nakaupo sa may kabilang lamesa. “Pakisamahan si Mang Isko at may pinabibili si Alex.” Sabi nito ng makalapit din ang dalawa sa lamesa nila. Tumango ang mga ito at saka umalis na kasama si Mang Isko. “Tingin mo nagkaayos na iyong dalawa?” Tanong ni Leo sa kanya ng sila na lang dalawa. “Hindi ako sigurado pero kilala

