Nagising si Bea mula sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana. Inabot niya ang cellphone at nakita niyang mag-aalas otso na rin ng umaga. Nilingon niya si Alex na tulog pa rin sa tabi niya. Nakayakap ang braso nito sa may bewang niya at nakasiksik sa leeg niya ang mukha nito. Isa ito sa mga bagay na na mamimiss niya, once na makasal na ito at si Kris.
Alam niyang hindi niya dapat na pinapayagan matulog ito sa tabi niya pero alam din niya na wala namang mangyayari sa pagitan nila. Malaki ang tiwala niya kay Alex na napatunayan naman nito sa kanya. Sa tagal nag pagpapalipas nito ng gabi sa condo niya ay ni minsan hindi ito nagpakita ng motibo o nagtangka man lang na samantalahin ang tiwalang binigay niya dito.
Umikot siya paharap dito at para matignan maigi ang mukha nito. Sadyang napakaguwapo ni Alex. Hindi niya lubos maisip na magiging kaibigan niya ito at naging best of friends pa sila. Hinaplos niya ang pisngi nito at saka marahang tinapik “B, gising na” sabi niya dito. Sumiksik lalo ito sa leeg niya “Hmmm” anito at lalo siyang niyakap. “Gising na po. Hindi ba pupunta ka pa kila Kris para makausap ang parents niya” sabi niya dito at hinaplos ulit ito sa pisngi.
Dumilat ito at nginitian siya “Good Morning” bati nito sa kanya “Good morning” bati niya din dito. Hinalikan siya nito sa noo at saka kumalas mula sa pagkakayakap sa kanya. Tumayo na ito at pumasok sa banyo. Bumangon na rin siya at pumunta sa kusina para maghanda ng breakfast nila. Saktong nakaset na ang table nang marinig niya si Alex na naglalakad at base sa pagsasalita nito ay alam niyang si Kris ang kausap.
“Yes, Love. Kakain lang kami ng breakfast and bibili ng shoes tapos deretso na ko diyan sa inyo” Sabi kito sa kausap “I know, I know. I will try my best to be there at least by lunch time, okey? I have to go lalamig na iyong breakfast na hinanda ni Bea, bye” paalam nito kay Kris at saka umupo.
Ininom nito ang kape na tinimpla niya at pinaglagay niya ito pagkain sa pinggan. “Sarap nang breakfast, homemade tocino with itlog na maalat and kamatis plus garlic rice.” Anito na dumukwang para halikan siya sa noo “Thank you, B” anito at nagumpisa nang kumain. Tumataba ang puso niya na makita itong maganang kumakain. Kahit na hindi pang first class restairant ang luto niya ay kinakain pa din nito.
“B, pagkatapos nating kumain magprepare ka na ako na magliligpit dito. Para makaalis na tayo at makabili ng bago mong shoes” sabi nito na patuloy lang sa pagkain.
“B, sunod na lang tayo bumili ng shoes. Puntahan mo na si Kris” sabi niya dito habang naglalagay ng pagkain sa pingan niya. Kita niya ang paghinto nito sa pagsubo at tinitigan siya “Alam niya na ngayong umaga ang oras ko para sa iyo at mamayang tanghali sa kanya” sabi nito na seryoso at alam niya na sa tono ng pananalita nito ay hindi ito papayag.
“Pero, B. Gusto ko sana magpahinga ngayon. Marami pa ako gagawin dito sa bahay, maglilinis, maglalaba at magvideo call kami nila Tatay medyo matagal na rin kaming hindi nakakapagusap” naglalambing na sabi niya dito. Nakatitig lang ito sa kanya na tila hindi naniniwala sa mga binigay niyang rason “Sabi ko naman kasi sa iyo dapat paluwasin mo sila Tatay dito para kahit papano makapagbakasyon” seryosong sabi nito na huminto na sa pagkain.
Napabuntong hininga siya alam niya na mahihirapan siya na kumbinsihin ito lalo na at nabanggit pa ang mga magulang niya. “Alam mo naman si Tatay ayaw nabiyahe ng malayo. Saka hindi din iyon mapapanatag dito, magrereklamo lang iyon sa usok at ingay dito sa Manila.” Mabilis na sabi niya at nilagyan pa ulit ng pagkain ang pinggan nito.
“Sinubukan mo ba naman kasing yayain man lang?” Tanong nito sa kanya
“Nabangit ko pero hindi naman umoo hindi din naman humindi. Balak ko na ako na lang din ang uuwi para mabisita sila” isinigit na din niya ang balak na bakasyon dahil alam niyang hindi ito papayag na umalis siya na hindi ito kasama. “Pag naayos na ang kailangan sa kasal namin ni Kris saka ka na umuwi para makasama ako. Matagal ko na rin silang hindi nakikita.” Anito at kumain na ulit.
“Pero B, matagal pa iyon. Balak ko sana na bumiyahe by next week, Di ba aalis kayo ni Kris pa New York noon? Since wala ka dito puwede ako magstay sa Quezon kahit isang Linggo lang para mabisita at makabonding ko rin sila Tatay.” mas nilambingan pa niya ang boses para mapapayag ito.
“At sino naman nagsabi sa iyo na hindi ka kasama sa New York?” Tanong nito sa kanya.
“B, hindi na ko sasama. Makakaistorbo lang ako sa inyo ni Kris” tanggi niya.
“No! Hindi ako papayag na maiwan ka dito. Saka gusto kang makita ni Lola. Isang taon na rin since nang last na visit natin” anito at kitang-kita ang pagtutol sa mukha nito sa sinabi niya.
“Hindi ba at lakad ninyo ng Fiance mo iyon. Hindi na ako dapat sumama sa out of country trip ninyo. Lalo na at imeet ninyo ang Lolo George at Lola Linda. Saka nahihiya na ko kay Kris, B. Lagi na lang akong sabit sa mga lakad ninyo. Tapos lagi ka na lang nagaaksaya ng oras sa akin. Dapat sa kanya na naka-focus ang oras mo at saka sa paghahanda para sa kasal ninyo” Mahinahon na sabi niya dito.
“B, alam ni Kris na ang oras na binibigay at inaaksaya ko sa iyo na gaya nga nang sabi mo ay dapat niyang tanggapin. Alam niya iyon mula umpisa pa lang nang relasyon namin. Huwag mo kong gamitan ng dahilan mo na nahihiya ka sa kanya o nang mga katwiran mo na dapat ko siyang pagtuunan ng pansin dahil ikakasal na kami.” Galit na sabi nito at tinitigan siya .
“Alam mo napapansin ko na madalas mo kong pinagtutulakan na puntahan si Kris kada magkasama tayo at saka lagi ka nang natangging sumama sa mga lakad namin. Kailangan pa kitang pilitin para sumama.” Sabi nito na huminto na sa pagkain at tumingin sa kanya.
“Tapatin mo nga ako, may nililihim ka ba sa akin?” Tanong nito sa kanya “Kinausap ka ba ni Kris o baka naman ikaw ang may gusto na lumayo sa akin kaya may nakikita akong pagbabago sa iyo lately?” Anito na tinitigan siya na tila ba binabasa kung ano ang nasa isip niya.
“B, ano ba iyang pinagsasabi mo. Siyempre, kahit alam ni Kris at pinapayagan niya na magspend ka ng oras na kasama ko, nakakahiya pa rin sa kanya dahil siya ang Fiance mo at bestfriend mo lang ako. Tangap man niya pero dapat maging sensitive pa din ako at aware sa mararamdaman niya. “ Paliwanag niya dito habang nakatingin sa pinggan niya. Hindi niya kayang salubungin ang tingin nito dahil hindi niya kayang magtago dito at siguradong malalaman nito ang totoong dahilan kung bakit niya ito tinutulak papunta kay Kris.
“Kagaya kagabi hindi mo tinapos ung party at nagpunta ka dito. Tapos dito ka pa natulog at may lakad pa tayo ngayong umaga. Inaantay ka ng parents ni Kris para mafinalize na ang detalye ng kasal ninyo. Kagabi pa nagaantay si Kris at ang parents niya pero uunahin mo pa kong samahan para bumili ng sapatos na puwede naman nating gawin sa ibang araw.” Sabi niya dito na hindi pa rin makatingin sa kaibigan.
“Sabihin mo nga sa akin ayaw mo na ba akong kasama? Nasasakal ka ba o nalulunod sa oras at atensiyong binibigay ko sa iyo?” Galit na sabi nito sa kanya na naging dahilan para tignan niya ito. Kita niya ang pagkuyom nito ng kamao at ang pagtiim ng bagang nito. Alam niyang galit na naman ito sa kanya. Kababati lang nila kagabi dahil sa ginawa ni Kent na pangaasar dito tapos ngayon magaaway na naman sila.
Hindi niya inaasahan na ganito ang magiging reaction nito sa pagtangi niya na bumili ng bagong sapatos ngayong araw na ito. Nagulat siya na inis at galit ang pinakita nito imbes na matuwa dahil sa pagbibigay niya ng oras dito para mas makasama ng matagal ang fiance nito pero kabaligtaran ang nangyari. Ngayon galit na naman ito at kung ano ano na ang pumasok sa isipan.
“B, ano ka ba? Saan mo ba nakukuha iyang mga pinagsasasabi mo?” Aniya dito na sinubukang alisin ang namumuong tensiyon sa pagitan nila. Tumayo siya at naglakad papunta sa likod nito. Pagkatapos ay niyakap ito, umaasang sa ganong paraan ay mapawi niya ang galit na nararamdaman nito. Pinatong niya ang baba sa may balikat nito at saka ito hinalikan sa pisngi.
“Ang aga-aga nagagalit ka. Ang ibig ko lang namang sabihin ay puwede naman tayo bumili ng shoes sa ibang araw. Dapat unahin mo ngayon ang pakikipagusap sa parents ni Kris.” Sabi niya at lalong hinigpitan ang yahap dito. “At saka kung papayag ka nga balak ko sanang umuwi kila tatay pero kung gusto mo ko sumama sa Inyo ni Kris sasama ako, okey?” Malambing na sabi niya dito.
Inalis nito ang kamay niya na nakayakap dito at saka ito tumayo. Hinarap siya nito at tinitigan sa mga mata. Tila pinagaaralan nito kung nagsasabi siya ng totoo. Nginitian niya ito pero hindi ito ngumiti pabalik at makalipas ng ilang segundo ay alam niya na talo na siya dahil sa sinabi nito at hindi na siya makakalusot pa. “I know that you’re lying.”
“B” Naputol ang dapat na sasabihin niya dahil sa ring ng cellphone nito. Nakita niya na si Kris ang natawag. Nakahinga siya ng maluwag dahil hindi niya na kailangang magpaliwanag kay Alex. Alam ng kaibigan kung kailan siya nagsasabi ng totoo at nagsisinungaling kaya wala siyang maitago dito..
“Yes, Love” anito na sinagot ang tawag at nilagay sa loudspeaker.
“Love, mga what time ang dating mo?” Tanong ni Kris sa kabilang linya.
“Hindi ko pa sure at andito pa kami sa condo. Ayaw umalis ni Bea para bumili ng bagong shoes at pinapaalis na ko para puntahan ka.” Sabi nito habang nakatingin sa kanya.
“Ayon naman pala bakit hindi ka pa pumunta dito? Puwede naman kayo bumili ng shoes sa ibang araw.” Sagot nito na lalong nagpasalubong ng kilay ni Alex.
“Pareho kayo ng sinasabi ng baby ko. Puwede naman daw kami bumili sa ibang araw. Sabihin mo nga sa akin, Love. May problema ka ba kung bibili kami ng shoes ngayong araw na ito?” Tanong nito na halata sa boses ang inis.
“Huh? What do you mean? Wala naman problema sa akin kung samahan mo siya. Sinabi ba niya sa iyo na may problema ako kung uunahin mo siya” nahihimigan niya ang inis sa pananalita ni Kris
“Wala siyang sinasabi na ganon pero nagtataka ko na sa inaakto niya lately. Wala ka naman siguro kinalaman doon? Malinaw naman sa iyo na may nakalaan akong oras para kay Bea umpisa pa lang.”Seryosong tanong nito “Hindi naman siguro magkakaroon ng problema doon kahit kasal na tayo?”
“Alex, tama na nga iyan” saway niya dito “Hindi mo dapat pagsalitaan si Kris ng ganyan. She is your fiance” medyo galit nang sabi niya dito.
“Alam ko na fiance ko siya, B. Pero kung ganyan ang magiging mind set mo na dapat ko siya pagtuunan nang pansin at unahin all the time. Magkakaroon tayo ng problema” galit na sabi nito sa kanya. “Maayos ang usapan natin kagabi tapos ngayon bigla ka magbabago ng isip. Tapos bigla hindi ka sasama sa New York at uuwi ng Quezon na alam mong hindi kita masasamahan!” Medyo mataas ng boses na sabi nito sa kanya.
Napatayo siya at lumapit dito, “Huwag ka na magalit, B” mababang boses na sabi niya dito at akmang hahawakan ito sa braso pero umiwas ito. “Let’s go and buy the shoes basta huwag ka ng magalit, please” pangungumbinsi niya dito.
“Tapos ngayong galit na ako saka ka papayag na bumili tayo ng sapatos” Galit pa ring sabi nito sa kanya.
“Ang point ko lang naman is marami pang araw na puwede tayong bumili ng shoes. Gusto ko lang naman na unahin mo iyong pakikipagusap sa parents ni Kris. Puwede naman akong magintay. Saka nahihiya na rin ako lay Kris at saka sa parents niya.”
“Nahihiya ka kay Kris at sa parents niya? Bakit did they make you feel na dapat mahiya ka sa kanila?” Lalong naningkit ang mata nito sa galit.
“No! Walang ganoong pinakita si Kris or kahit na ang parents niya.” Mabilis na sagot niya dito. Ayaw niyang magkaidea ito kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit niya ito pinagtutulakan kay Kris.
“At bakit ka magiintay? May nagsabi ba sa iyo na dapat kang magintay? Did someone make you feel na dapat hindi ka mauna? When did I make you wait?” Sunod-sunod na tanong nito sa kanya at mas lalo siyang hindi nakasagot dahil kitang kita niya ang galit sa mata ni Alex. “I don’t remember na pinagintay kita kahit minsan. You are always my priority pero now I can see that you’re hiding something from me.” Anito na umiling pa.
“Baby, I told you before that you are very special to me. That if someone make you feel small or may gusto na yumuko ka sa harap nila na don’t forget your place in my life. That no one is allowed to hurt you and that I have your back.” Malungkot na sabi nito sa kanya at kita niya ang paglamlam ng mga mata nito.
Kumirot ang puso niya at gusto na niyang sabihin dito ang totoong dahilan kaya niya ito tinutulak papunta sa fiance nito. “B, hindi. .”
“Pero pagbibigyan ko ang gusto mo, dahil alam mo naman na lagi kong sinusunod ang mga gusto mo.” Pag putol nito sa dapat na sasabihin niya at nakita niya na sumeryoso ang mukha nito.
“Pupuntahan ko na ang fiance ko at ang parents niya. Love, nakuha mo ang gusto mo uunahin na kita dahil itong bestfriend ko ay nahihiya sa iyo pero hindi sa akin”
“Love, wala naman . .” “B, wag. .” sabay na sabi nila ni Kris. “Papunta na ko diyan” putol nito sa kung ano mang sasabihin niya at ni Kris. Binaba nito ang tawag at sandali siyang tinignan saka dumeretso na nang alis.