Hindi alam ni Kris kung matutuwa ba siya o maiinis. Papunta na si Alex sa kanila para kausapin ang parents niya ng mafinalize na ang detalye ng kasal nila. Pero mainit na naman ang ulo nito kagaya kagabi ng bigla itong umalis kahit hindi pa tapos ang engagement party nila para lang tignan kung ligtas bang nakauwi ang bestfriend nito.
Gusto niyang pasalamatan si Bea na hindi ito pumayag na umalis today para bumili ng sapatos. Pero sigurado siya na wala sa mood ang fiance dinig niya iyon sa tono ng pananalita nito kanina habang nakikinig siya sa sagutan ng dalawa. Alam niya na walang mangyayari sa pagpunta nito dahil sigurado na uuwi din ito agad para puntahan si Bea.
Alam niya na mahal nito si Bea, pero siya ang girlfriend at ngayon nga ay fiance na pero wala pa ring nagbago sa set up nila. Hindi man ito nagkulang sa oras na binibigay sa kanya pero may nakalaang oras din ito para kay Bea at sa kasamaang palad ay mas mahaba pa ng oras nito para sa bestfriend keysa sa kanya na fiance nito.
Laging magkasama ang dalawa dahil doon sa company nila Alex nagtatrabaho si Bea. Sabay pumasok ang dalawa at sabay ding uuwi. Pati lunch sabay pati na rin sa dinner. at doon pa ito natutulog sa condo ni Bea. Nasa parehong building and floor ang condo ng dalawa, magkatapat pa nga.
Minsan na rin siyang nagpalipas ng gabi sa condo nito. Masama ang pakiramdam ni Bea at nasa condo ito. May usapan na sila na lalabas para manuod ng sine. Pero ayaw nitong tumuloy dahil may sakit nga ang bestfriend nito. Sinabi naman ni Bea na tumuloy sila at huwag na itong intindihin Pero ayaw talaga nito at sinabihan pa siya na siya na lang manuod magisa. Napikon siya sa sinabi nito at hindi din siya pumayag na hindi sila tumuloy.
Kaya ang nangyari nanuod lang sila ng movie sa netflix. Pero hindi din ito nagfocus sa panunuod dahil nalipat ito kada isang oras sa kabila para tignan ang kalagayan ng may sakit na si Bea. Nakatulog na nga siya habang iniintay itong bumalik at ng gisingin siya ay nakita niyang pasado alas dose na rin pala.
Sinabihan siya nito na pumasok na sa kuwarto para matulog at susunod ito. Babalik ito sa kabila para painumin ng gamot si Bea at siguraduhin na nagpapahinga na ito. Wala siyang nagawa at pumasok na sa kuwarto. Inintay niya itong bumalik pero nakatulog na siya kakaintay dito. Kinabukasan ay ginising siya nito at alam niya na hindi ito natulog sa tabi niya. Tanda na hindi nagulo ang higaan sa tabi niya.
Nakaligo na ito at sinabihan siya na doon sila magbreakfast kay Bea. Maayos na ang pakiramdam nito at nakapagluto na nga ng almusal nila. Pinagmadali pa siya nito at ayaw na ayaw daw ni Bea na pinagiintay ang pagkain. Kaya binilisan na din niya ang kilos at nang lumabas siya mula sa kuwarto ay kita niya ang pagkainip sa mukha nito at nang makita siya nito ay tumayo na dumeretso na nang labas. Sumunod siya dito at sinara ang pinto.
Dumeretso na siya ng pasok sa loob ng condo ni Bea dahil bukas naman iyon at nagulat siya sa nakita pagpasok. May malaking picture frame na nasa wall, iyon ang una mong makikita pagpasok mo. Tila ito stolen shot kung saan nakaupo si Bea sa pagitan ng mga hita ni Alex habang nakatingala dito. Si Alex naman ay nakayuko habang nakayakap ang mga braso kay Bea. Nakatingin ang mga ito sa mata ng bawat isa at kita ang saya ng mga ito hindi lang mga ngiti nito pati na rin sa mga mata.
Nakaramdam siya ng kirot sa dibdib dahil sa nakita at nang iikot niya ang mata sa loob ng condo ay marami pang litrato ang dalawa na kung hindi mo alam na magkaibigan ay iisipin mo na may relasyon. Napahinto siya dahil sa nakita, hindj niya alam kung ano ang dapat isipin. Nang tignan niya si Alex ay hindi na siya nilingon man lang nito at dumeretso na sa may kusina.
Napakarami ng mga pictures na nakaframe pa hindi lang sa dingding kundi pati rin sa ibabawa ng mga side table. Iba’t ibang kuha na tingin niya ay kinuhaan kung saang lugar nagpupunta ang dalawa. Nagseselos siya dahil sila ni Alex ay may kuha lang na isang litrato sa mobile niya na ayaw pa nito ng irequest niyang magpapicture silang dalawa.
Bumuntong hininga siya at sumunod na lang dito. Naabutan niyang paupo na ang nobyo sa may lamesa habang abala naman si Bea sa pagtitimpla ng kape. Tumingin siya sa lamesa at nakita niya na nakaset na nga ang table, may nakahain na fried rice, beef tapa, fried egg at may isda na hindi siya sure kung anong tawag.
“Good Morning, Kris!” Masayang bati nito sa kanya nang makita siya. Lumapit ito sa lamesa at binaba ang kape na tinimpla nito sa tabi ni Alex. “Good Morning” bati din niya dito. Ayaw man niya pero nakakaramdam siya ng inis sa kaibigan ng nobyo. “Upo na” yaya nito sa kanya” Ano ang gusto mo coffee or hot choco?” Tanong nito sa kanya
“Coffee na lang” sagot niya at umupo na sa may lamesa. “With cream and sugar?” Tanong nito at tumango na lang siya. Bumalik ito sa kitchen counter at kita niya na pinagtimpla nga siya ng coffee. “B, bilis na gutom na ko” sabi ni Alex na nang tignan niya ay kita na sa mukha nito ang pagkainip. “Wait lang, B” sagot naman ni Bea at nang tignan niya pabalik na sa table dala ang kape niya.
Inabot nito ang hawak na kape sa kanya, kinuha niya at nilapag sa may tabi niya “Love, the best magtimpla ng kape ang baby ko, for sure hahanap hanapin mo” anito na ininom ang kape sa may tabi nito. “The best talaga ang kape mo, B!” ulit nito. Tawa naman ang naging sagot ni Bea at pumuwesto na sa kanang side ni Alex. Pero hindi pa ito umupo, pinaglagay pa ng pagakin nito ang kaibigan.
“Pasensiya ka na, Kris. Hindi sinabi nito na nandiyan ka pala kagabi. Naistorbo ko pa kayo tuloy. Nang bumalik ito para painumin ako ng gamot dito na siya natulog. Pasensya ka na talaga ha?” Anito na nahingi ng pasensya “Pati tuloy itong brekafast natin hindi ako masyado nakapagprepare. Buti na lang may marinate pa kong tapa. Nakain ka ba nito?” Tanong nito
“Oo” sagot niya “Dapat nagpahinga ka na lang muna. Okey na ba talaga ang pakiramdam mo?” Tanong niya dito. “Ayos na ko, Kris” sagot nito at lalagyan dapat ang pinggan niya ng pagkain pero pinigilan ito ni Alex. “B, hayaan mo na siya kumuha. Ipaghihimay mo pa ko nang tinapa gutom na ko” anito “Sandali lang pagsilbihan ko muna itong future wife mo makabawi man lang ako para kagabi. Pasensya ka na talaga Kris ha?” Sabi ulit nito.
Tumango na lang siya pero ayaw magpaawat ni Alex. Kinuha nito ang hawak ni Bea na bandehado at binaba sa lamesa “Love, kuha ka na ng pagkain. Gutom na talaga ako.” Sabi nito sa kanya at hinila na para maupo si Bea. Pagkatapos ay nilagay ang isang isda na sinasabi nitong tinapa sa pingan ng kaibigan “Hindi mo na kailangan pagsilbihan si Kris. Nakalimutan mo na ba na akong ang priority mo sa lahat ng oras?” Seryosong sabi nito “Gutom na ko” anito na tila bata na nagtatrantrums.
“Tsk, ewan ko sa iyo. Sensya na Kris pag sisilbihan ko muna itong isip batang ito” Sabi nito sa kanya “Gusto mo tinapa paghimay din kita?” Tanong nito na inilipait sa kanya ang bandehado ng tapa at pritong itlog. Umiling siya at kumuha na ng pagkain. “Ok” anito at nginitian siya pag katapos ay binalingan si Alex.
“Kain na, B” sabi nito at nagumpisa na nga maghimay ng isda na tingin niya tinatanggalan nito iyon tinik at pagkatapos ay nilalagay nito sa pinggan ni Alex. Inabot pa nito ang lagayan ng kamatis at nilagyan ang pinggan ni Alex. Kita niya ang gana ng nobyo sa pagkain at mukhang sarap na sarap ito sa pagkain ng isda at kamatis.
Ni minsan ay hindi niya nakita ito na ganito kagana kumain. Simpleng isda ang inihain ni Bea pero ang gana nito sa pagkain at sarap na sarap pa na akala mo ba ay kumakain sa isang mamahalin na restaurant. Pag nagdidinner ito sa bahay ay hindi ito ganito kaganang kumain at mabilis itong mabusog na pag sinabi niyang kumain pa ay natanggi na. Pero ngayon ay sinalinan pa ulit ni Bea ng fried rice at tapa ang pinggan nito at wala siyang narinig na reklamo or pagtanggi man lang.
Pagkatapos kumain ay hinatid na siya ng nobyo sa bahay at nagmamadali na itong umalis para bumalik kay Bea. Magsisimba daw sila at dadalhin nito ang kaibigan sa doctor para patignan. Sinabi niya na gusto niyang sumama pero hindi ito pumayag at sinabi na ang araw na iyon ay para kay Bea. Ang pagbisita at pagtulog niya sa condo nito ay hindi na nasundan, iyon na ang una’t huli.
“Mam” tawag ng kasambahay na nagputol sa inisiip niya. Nilingon niya ito “Nasa may gazebo na po si Sir Alex doon daw po niya kayo iintayin.” tumango siya at naglakad na papunta sa gazebo. Malayo palang kita na niya na naninigarilyo ito.
Bumuntong hininga siya at naglakad na palapit dito “Love” malambing na tawag niya dito. Kita niya ang galit sa mata nito na lingonin siya “Masaya ka na? Nasunod ang gusto mo?” Galit na sabi nito sa kanya. Hindi man lang ito nagabala na patayin ang sigarilyo pero pag nasa paligid si Bea ay nagmamadali pa itong patayin ang sigarilyo kahit hindi pa nangangalahati at iaalis pa ang kaibigan sa lugar kung saan may usok pero kapag siya kahit anong sabi niya ay tawa lang ang laging sagot nito.
Lumapit siya dito at sinubukan na hawakan ito pero tinabig nito ang kamay niya. “Maayos ang usapan natin kagabi di ba?” Mataas ang boses na sabi niyo “Sa umaga bibili kami ng bagong shoes ni Bea at pagkatapos saka ako pupunta dito para kausapin ang parents mo. Pero you have to ruin the morning. Tumawag ka na and I told you na I will be here in the afternoon. Pero you have to call again and completely ruin not only the morning but the whole f*****g day!” Sigaw nito sa kanya na ikinagulat niya.
“Lo-Love” natatakot na sabi niya dito “Wala naman akong ibig sabihin sa pagtawag ko ulit kanina. Gusto ko lang naman iconfirm kung ano oras ka darating.” Naiiyak na sabi niya dito.
“I confirm?” Tila hindi makapaniwala na sabi nito. “Nagpapatawa ka ba? Hindi ba at sinabi ko sa iyo na I will be here in the afternoon. Ano ang gusto mong iconfirm?” Galit pa ring sabi nito tila balewala dito ang napipinto niyang pagiyak. “I don’t know kung para saan sinasabi mong pagconfirm. May mali ba sa unang sinabi ko na I will be here in the afternoon, you tell me”
“Lo-Love, wala naman. Gusto ko lang kumpirmahin iyong oras para makapaghanda ako. .”
“B*****t!” Sigaw ulit nito “I know what your trying to do and I’m telling you na hindi iyan uubra sa akin.” Galit na galit na sabi nito at sinuntok pa balustre ng gazebo “You ruin my morning with my baby dahil lang sa gusto mong maghanda? This is f*****g unbelievable!” Sigaw nito at tinitigan siya na tila hindi makapaniwala sa naging rason niya.
“You know what I just realize this, after I propose to you masyado kang naging clingy. Para bang pakiramdam mo you have power over me. You keep on calling me and araw araw kang napunta sa office to have lunch with me.” Tila nagiisip na sabi nito. “And few weeks before the engagement party, Bea started making excuses na hindi sumama sa lakad natin. Dati na niyang ginagawa iyon pero napapansin kong mas matindi ang pagtangi niya na sumama sa atin. Iniisip ko na baka dahil yon sa ginawa mong panghihiya sa kanya.” Titig na titig ito sa kanya na tila binabasa kung ano ang nasa isip niya.
“Pero there is something off with her, there is something different. I noticed it already, I thought na baka dahil sa nangyari before but I feel there is something else. Aside sa pagtangi niyang sumama sa mga lakad natin ay lagi pa niya sinasabi na na dapat unahin kita and that I should help you with the wedding preparations. You don’t have anyting to do with those changes right?” Tanong nito sa kanya at hindi siya makasagot. Hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin.
Nanatili itong nakatitig sa kanya at sunod na tanong nito ang tuluyang nagpatahimik sa kanya dahil alam niyang lalo itong magagalit sa magiging sagot niya sa tanong nito.
“Did you speak to Bea about us? Magsabi ka sa akin ng totoo? Kinausap mo ba siya?”