“Did you speak to Bea about us? Magsabi ka sa akin ng totoo? Kinausap mo ba siya?”
Hindi makasagot si Kris sa tanong na iyon ni Alex. Natatakot siya dahil tama ito sa iniisip, she did speak to Bea. Few weeks after magpropose ni Alex sa kanya at bago dumating ang araw ng engagement party nila. Nahirapan pa siyang makausap ito ng solo dahil after ng proposal ni Alex sa kanya ay mas lalong naging mahigpit ito sa kaibigan. Lagi nitong kasama si Bea at hindi pinapayagan na umalis pag hindi siya kasama.
Kahit mahirap ay sumubok pa rin siya na humanap ng pagkakataon para makausap ito na hindi kasama si Alex. Nakapagset sila one time at umayon ang pagkakataon dahil may meeting si Alex. Pero hindi natuloy ang pagkikitang iyon dahil bago pa ito makalabas ng building ay naitawag na ito sa itaas. Hindi ito makaalis kahit anong sabihin sa guard na nakabantay sa main entrance ng building at si Alex pa mismo ang sumundo dito. Wala na itong nagawa dahil isinama ito ng fiance sa meeting nito mismo. Pagkatapos ng meeting ay sa office na ni Alex nagstay ang kaibigan at sabay na umuwi.
Akala niya na hindi na siya magkakaroon ng chance na makausap ito pero may dumating na pagkakataon. Niyaya ito ng Papa niya na mag-golf na mukhang tatangihan pa nito pero umoo din sa huli. Balak pa nitong isama si Bea buti na lang at may dapat itong ipasa na report. Balak pa nitong huwag tumuloy dahil nga hindi makakasama si Bea pero tila nahiya ito sa Papa niya kaya tumuloy pa rin.
Sa malapit lang na coffee shop sa opisina sila nagkita ni Bea dahil mag lunch out lang ito. Isang oras lang itong puwedeng mawala sa office. Sa likod pa ito dumaan dahil siguradong hindi ito makakalabas kung sa main entrance ito dadaan. Nang dumating siya sa coffee shop ay nanduon na ito at nagiintay. Lumakad siya palapit sa table nito.
“Hello, Bea” bati niya dito.
“Hello, Kris” ganting bati nito. “Upo ka. Inorder na kita ng cappucino and carrot cake. Sabi ni Alex paborito mo daw iyon” anito, tumango siya at umupo. “Kamusta?” Tanong niya ng makaupo siya. “Ayos lang ako, Ikaw?” Ganting tanong nito “Ayos lang din naman” sabi niya dito.
“Natutuwa ako at nagkaroon tayo ng oras para makapagbonding. Buwiset kasi yang si Alex, gusto lagi siya kasama sa mga lakad ko. Pero buti na lang at nagkaroon tayo ng oras ngayon kahit One hour lang” anito na kita niya ang saya sa mata nito. Parang naguguilty siya sa dapat niyang gawin pero it’s now or never.
Dumating na ang order nila at napansin niya na hot choco at cheese cake ang inorder nito. Ngayon alam na niya ang dahilan kung bakit may naka stock na cheese cake sa personal ref ni Alex aside pa sa coffee and hot choco station na nasa loob ng office nito. Nakaramdam siya ng selos kung kanina ay nagaalangan pa siyang kausapin ito pero ngayon ay decided na siya.
“Ahmmm, Bea.” Umpisa niya “Don’t take this in a wrong way, okey? Gusto ko sana pagusapan natin ang pagiging magbest friend ninyo ni Alex na fiance ko” ayaw man niya pero hindi niya napigilan na medyo tarayan ito. Kita niya na nagulat ito sa sinabi niya pero nginitian pa rin siya “Naiintidihan ko, Kris” anito sa mahinahon na tinig “You can tell me what’s on your mind.” Sabi nito at tumingin sa kanya.
Nagdadalawang isip man pero andito na siya. Sasabihin na niya kung anong gustong niyang sabihin. “Huwag mo sanang mamasain, Bea. Pero naiilang na ko sa sobrang closeness ninyo ni Alex.” Umpisa niya. “Alam ko na matagal na kayong magkaibigan simula second year high school di ba?” Tanong niya dito at tumango naman ito. “Bigla ka na lang pinakilala ni Alex sa amin at sabi niya na kaibigan ka niya and no one should ask or question it.”
“You see before wala naman akong problema sa pagiging close ninyo dahil alam ko naman na mag bestfriend kayo pero ngayon na engage na kami and malapit ng ikasal. Hindi na siya maganda tignan na sobrang lapit pa rin ninyo sa isat isa.” Sabi niya dito. “Kasama ka lagi sa lahat ng lakad namin. Mapalunch man iyon or dinner. Mapa out of town or kahit na out of the country. Actually, mas madalas ka pa nga niyang kasama pag lalabas siya ng bansa. Minsan napapaisip ako kung ako ba talaga ang nobya o ikaw.”
“At ngayon sa condo mo pa siya natutulog na ni minsan hindi niya ginawa para sa akin. Mas marami pa siyang oras para sa iyo keysa sa akin na fiance niya.” Sabi niya dito na hinaluan pa niya ng pagtataray para mas lalo nito maintindihan ang ibig niyan sabihin.
“Sa loob ng dalawang taong relasyon namin, lagi kang andiyan. Para kang anino na hindi mawala-wala. Okey lang naman iyon sa akin dahil sabi nga niya best friend ka niya. Naiintindihan ko iyon pero iba na ngayon. Ikakasal na kami at hindi puwede na patuloy ang ganyang samahan ninyo. Naiintindihan mo ba ako, Bea?” Tanong niya dito at deretsong tinignan ito sa mga mata.
Kita niya ang pamumula ng mukha nito at ang pagpipigil nitong umiyak.Yumuko ito na tila kinakalma ang sarili. Makalipas ang ilang segundo ay tumingin ito sa kanya at tumitig sa mga mata niya “I’m really sorry, Kris. I’m so sorry.” Hingi nang paumanhin nito na siyang ikainagulat niya.
“Naging napaka insensitive ko sa magiging pakiramdam mo dahil sa friendship namin ni Alex. Please huwag kang magagalit sa akin. Importante ka sa besftriend ko kaya hindi ko makakaya kung magkakaroon ka ng sama ng loob or tampo man lang.” Anito sa nanginginig na tinig.
“Naiintidihan ko where your coming from and tama ka na hindi na dapat kami ganito umasta ni Alex. I’m really sorry” sabi nito na nginitian pa siya. Biglang nagring ang cellphone nito at si Alex ang tumatawag. Kita niya na nataranta ito at tila hindi malaman ang gagawin. Sumenyas ito sa kanya na huwag magingay at saka sinagot ang tawag na nilagay nito sa loud speaker. “B” sagot nito “Nasaan ka?” Tanong ni Alex dito “Naglunch out lang ako. . “
“Na hindi mo dapat ginawa dahil may nakaready ka nang pagkain sa office ko and you never told me na may plano kang kumain sa labas today. Hindi ba at may tatapusin kang report” may bahid ng inis ang boses nito “Yeah, pero I decided na kumain ..”
“I’m still asking where you are?” Putol nito sa sinasabi ni Bea.
“I’m just near the office. Kumain lang ako.”
“Are you there to meet someone?”
“No, naisip ko lang na kumain sa labas wala ka rin naman . .”
“Star coffee shop, paano ka nakarating diyan? It’s like Ten blocks away from the company building?” Putol nito sa sasabihin dapat ni Bea pero mas ikinagulat niya na alam nito kung nasaan ang kaibigan. “So ano ang kinain mong lunch at nakaabot ka diyan?”
“Ahmmm. .” Napatingin si Bea sa kanya at kita niya na nahihirapan itong makaisip ng isasagot kay Alex.
“Stay there I will pick you up.” sabi nito at saka naputol ang tawag.
Nagkatinginan sila ni Bea at kita niya ang pagaalala sa mukha nito. Pero mas nangingibabaw ang pagtataka sa kanya kay tinanong na niya ito “Bea, how did he know where you are?”
“Seriously, I don’t know may mga instances na lumalabas akong magisa, tinatakasan ko siya but he can easily find me. Magugulat na lang ako na nasa tabi ko na siya” sabi nito sa kanya na tila isang ordinaryong bagay na lang dito ang ginawa ni Alex.
“Hindi ka ba natatakot sa mga actions niya? Kailangan na lagi mo siyang kasama. Tapos sobrang higpit pa sa iyo. Parang wala na sa lugar.” sabi niya dito. Gusto niyang ibukas ang mata ni Bea na hindi na normal ang ginagawa ni Alex pero tumawa lang ito.
“Alex is like that alam mo naman na protective lang iyon talaga sa akin. Pero don’t worry, I will do my best para mas magkaroon siya ng oras sa iyo at para makatuwang mo siya sa pagasikaso ng mga dapat para sa kasal ninyo” anito at hinawakan pa siya sa kamay.
“Thank you, Bea” sabi niya dito at pinisil ang kamay nito. Magpapalam na sana siya pero nagulat sila pareho ng umupo si Alex sa tabi ni Bea. “And you told me that your not meeting anyone, you little liar” anito kay Bea na hindi man lang siya pinansin. “B, I just saw Kris when she came inside the shop kaya inaya ko na siya to sit with me” sabi ni Bea na namumula ang mukha.
“So aksidente ang pagkikita ninyo dito at hindi kayo nagusap para magmeet?” Tanong nito pero hindi sila nakasagot pareho ni Bea. “And here you are having a cheesecake and hot choco na meron sa loob ng office ko. Hindi ba at sabi mo lumabas ka para kumain? Kumain ng same food na meron sa office ko?” Mahinahong sabi nito pero alam nilang pareho ang ibig sabihin noon. Anytime puwede itong sumabog. Tinitigan pa inito ng ilang segundo si Bea bago siya nilingon.
“Hello, Love” sabi nito sa kanya pero nakaramdam siya ng takot sa paraan ng pagbati nito sa kanya “I was told by you na may appointment ka sa spa na as per its location is in the other side of the town and its nowhere near in this vicinity. Hindi nga ba at kaya hindi ka din nakasama sa golf because you have a previous appointment na hindi puwedeng icancel kagaya ng baby ko na may report ding dapat tapusin.” Sabi nito na tinitigan siya.
“Ahmmm, Lo-love. I saw Bea coming inside when I pass by kaya I decided na huminto to say hi” paliwanag niya at umaasang maniniwala ito. Pero nanatili itong nakatingin sa kanya at alam niya na base sa tingin nito ay wala itong pinaniniwalan sa sinabi niya.
“B” agaw ni Bea sa atensiyon nito. Nilingon nito ang kaibigan “Actually, I will come clean na. We set this date para makapagbonding ni Kris” sabi ni Bea at kita niya ang pagkunot ng noo ni Alex nang marinig ang sinabi ni Bea “We never had the chance to bond kaya..” tawa ni Alex ang nagpahinto sa pagsasalita ni Bea.
“Bakit ka tumatawa?” Inis na tanong ni Bea dito na na namumula ang mukha. “My little liar is trying to tell a big lie” sabi ni Alex na tila aliw na aliw sa inis na nakikita sa mukha ni Bea “I’m not lying, I’m telling the truth.” Sabi nito sa matigas na boses pero kita niya ang pagaalala sa mukha nito pero tumawa lang ulit si Alex.
“Oh, Baby. I know well when your lying and not. So don’t try to convince me, ok? Dahil alam na alam ko kung kailan ka nagsisinungaling at nagsasabi ng totoo. So stop, ok?” Sabi ni Alex na biglang sumeryeso ang mukha. Tumahimik naman si Bea at sumandal sa may upuan niya.
“How about you, Love?” Baling nito sa kanya. “May iba ka pa bang explenation?” Anito na titig na titig sa kanya.
“It is what Bea said, we did set up to meet para magbond. Dahil we never had that chance and since na busy ka today we decided to meet today and spend time together.” paliwanag na rin niya dito.
“Okey, I will accept that you girls want to bond but don’t think for a minute that you both fooled me” anito na sumandal at tinitigan siya. “B, una ka na sa sasakyan.” Anito na hindi inaalis ang tingin sa kanya. “Dala ko ..” “Don’t argue with me, B. I’m angry as hell so you better do what I said” putol nito sa sasabihin ni Bea na nakatingin pa rin sa kanya.
Tumayo na si Bea, nagpaalam sa kanya at lumabas na ng coffee shop. Naiwan silang dalawa ni Alex sa may lamesa na nakatingin pa rin sa kanya “What are you trying to do, Kris?” Tanong nito sa kanya at base sa tono ng pananalita nito ay may idea na ito kung bakit sila magkasama ni Bea.
Hindi siya makasagot dahil hindi din niya alam kung anong sasabihin. “Whatever it is that your cooking, please make sure to cook it well. Dahil sa oras na mapaso ka at madamay si Bea sa mga pinaggagawa mo. Hindi ako magdadalawang isip na saktan ka, kahit pa na fiance kita” may pagbabantang sabi nito sa kanya. Pagkatapos ay tumayo na at dumeretso na nang labas.